Finally after a long long ride we finally reach Boracay!!!! Syempre suot ko na yung pang beach dress ko na medju see through kasi naka 2piece ako Syempre beach diba.
"Pwede kaba mag palit? Nakikita kasi yunh inner mo."
Ezekiel said while looking around. Ang sama ng tingin nya sa mga lalaki na nakatingin sa akin.
"Its okay. Hanggang tingin lang naman sila ehh."
Syempre beach nga diba. Alangan naman mag pajama ako dito. Inayos ko muna ang sunglass ko at pumunta na kami sa may dagat. Bigla niya naman ako hinawakan sa bewang. Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya.
"Ang daming tumitingin sayo. Hindi kaba talaga magpapalit?"
"Hayaan mo nga sila. Kahit pa lumuwa pa yung mga mata nila jan. Hanggang tingin lang sila."
Napaka seloso naman neto. Pero in fairness ang cute nya mag selos.
Napa wow nalang ako sa ganda ng view. This is really what I need.
"Hello Boracay!!!!!!!!!!!!!"
Napangiti nalang si Ezekiel habang naka titig saken. Ako naman eh feel na feel ang beach. Ang sarap naman ng ganitong buhay. Yung nasa Bora kana may kasama ka pang Pogi!!! Parang naka jackpot lang.
Napansin ko naman na may panay tingin kay Ezekiel. oh no no no, nilapitan ko si Ezekiel kasi nagpapa cute na yung mga girls na malapit sa amin.
"I'm already hungry. Let's eat?"
Sweet kong paanyaya kay Ezekiel. He pinch my cheecks.
"Cute."
He said then sinamahan niya na ako sa hotel para kumain. Madami ding tao na nag bakasyon ngayon dito. Umupo na kami sa table na nakuha namin kasi mashadong madami din ang nagpapa reserve ng table.
"Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw?"
Tumawa naman siya sa sagot ko. Hala siya?
"I mean, ikaw anong gusto mo?"
Ha Ha okay my bad. He smirk, Why?
"Ano?"
Taas kilay kong tanong? Nakaka hiya kasi. Ang init ng mukha ko.
"Your blusing."
"Summer nga kasi ang init. wooohhh"
Pinaypay ko naman yung kamay ko sa mukha ko. Napalingon ako kay Ezekiel na ang lapad ng ngiti. Nakaka inis!
Nag start na kaming kumain di parin natanggal ang mga ngiti ni Ezekiel. Naasar tuloy ako.
"Kanina ka pa."
Pag babanta ko sa kanya. Nakaka hiya kasi eh yung ngiti nyang nakaka asar.
"Ano? Wala naman akong ibang sinabi."
Wala daw pero yung ngiti niya pang aasar. Inirapan ko lang siya. Lalo naman siyang ngumisi. Urgh!!!
Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko. Di ko nalang siya pinansin at baka ano pa magawa ko.
Kinagabihan ay sa labas kami kumain, sobrang sulit yung swimming namin kasi nangitim talaga kami pareho. Andito kami sa tabing dagat nakaupo bigla naman tumayo si Ezekiel at naghahanap ng kahoy para gumawa ng apoy.
Tinitigan ko yung katawan niya, ang sarap, I mean look at that abs, ang firm ng muscles, in short ang ganda ng katawan niya, gwapo ng haircut, ang ganda ng mga mata niya, yung ilong nyang matangos, yung mga labi niya, napahawak ako sa labi ko at naalala ko yung pag dampi ng mga labi niya.
"May dumi ba sa mukha ko?"
Saby hawak sa mukha niya. Kanina pa pala ako naka titig sa kanya. Bigla naman akong nag blush. Ays kahit ano ano kasi iniisip mo Zyna!!!
"Oo, pero nawala na"
I fake a smile. Ngumiti naman siya ng nakaka loko, bigla bumilis ang t***k ng puso ko, nakaka loka naman toh, bat ba ang gwapo niya Lord! Umiwas ako ng tingin kasi baka mapansin niyang nag ba- blush ako.
"Kanina ka pa naka titig saken. Mahal mo ba ba ako nyan?"
Pabiro nyang sabi. Tumawa ako ng bahagya.
"Ha Ha Ha feeler ka din po! Sa dagat kaya ako naka tingin, hindi sayo."
Pag rarason ko sa kanya, sana mag work.
"Oh ayan may apoy na tayo."
Tumayo na siya at muling tumabi sa akin. Nakatingin kami pareho sa apoy sobrang ganda.
"I always wanted doing this. Dati pinapangarap ko lang toh eh."
"Ang alin? Ang makasama ako sa Boracay?"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ang Mag Boracay na may kasama."
"Na may kasamang gwapo?"
Napa ubo naman ako sa sinabi niya. Patawa talaga eh noh.
"Gague! Patawa ka eh noh?"
Ngumisi lang siya ng nakakaloko, inirapan ko lang siya. Nagulat naman ako ng bigla nya akong hinalikan sa pisngi. Napalingon ako sa kanya.
"Ano yun?"
"Halik sa pisngi."
"Para saan?"
"Para sayo."
Ha ha ha di ko alam kung kikiligin ba ko o maiiinis. Tiningnan ko siya naka tingin lang siya sa apoy sobrang seryoso niya. Napalingon siya sa akin. Pero tinitigan ko lang siya pabalik.
Hanggang sa lumalapit ang mukha niya, palapit ng palapit, napapikit ako at naramdaman kong lumayo yung mukha niya.
"May dumi ang mukha mo."
Gague yun! Pumikit pa ko! Nakaka hiya!
Bigla naman siyang ngumisi ng nakakaloko. Inirapan ko lang siya tas naka tanaw lang ako sa dagat.
Bigla naman niya akong hinila, at hinalikan, nanlaki ang mata ko. Hindi ako naka galaw agad. Pero di kalaunan ay napapikit nalang ako, nadadala ako sa ginagawa niya. Ito na ata yung pinaka masayang gabi sa buhay ko.
-----
Kinabukasan ay kelangan na namin umuwi sa maynila kasi may naghihintay na mga trabaho. Sobrang nag enjoy naman ako dito Boracay. Eto nag eempake na na kami, Nag checkout na kami sa hotel.
Baka inisip niyo na may nangyari na sa amin huh, wala pong nangyari sa amin. Halik lang yun.
"Let's Go?"
Palabas na kami ng hotel ng may biglang.
"Ezekiel?"
Sobrang gandang babae, maputi, sexy, maganda, singkit ang mga mata, curl ang buhok. Nakatingin lang ako sa kanya at nag tataka kung anong meron, nagulat naman si Ezekiel.
"Stephanie."
"So, how are you? Nag vacation ka din ba?"
Napatingin si Ezekiel saken at napansin kong nag iba ang awra niya.
"Yes. Pauwi na kami"
Tumingin si Girl saken.
"Hi. I'm Stephanie. Ezekiel's ex girlfriend."
Inabot niya yung kamay ko at shinake hands. Hindi naman ako umimik. Ang arte kasi nya mag salita, ang landi landi.
"Nice to know you Steph, I'm Zyna Ezekiel's new Girlfriend."
Then I smile widely. Akala mo hah. She fake a smile. Hinawakan ko naman si Ezekiel.
"We should go love, hinahanap na tayo sa maynila. At aasikasohin pa natin yung wedding natin."
Nakita kong sobrang galit sa mukha ni Stephanie pero hindi niya pinapahalata.
"Mauna na kami Steph, enjoy your vacay!"
Tas hinila ko na si Ezekiel palabas, maya maya dumating yung car niya. Binigay na nung staff yung susi ng car. Pumasok naman na kami at umalis na sa boracay. Goodbye Bora, I will misa you so much.