"Ang ganda naman niya."
Lahat ng nadadaanan nya ay napahanga nalang sa taglay na kagandahan ng dalaga. Napaka ganda nya sa suot nya na nababagay sa hugis ng kanyang katawan. Isang bodycon dress at kitang kita ang hulma ng kanyang ma kurbang katawan. Habang patungo siya sa lugar kung saan magkikita sila ng ka blindate nya na anak ni mister Castro, pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa kagandahan neto.
"Good evening maam. Table for?"
"I think my dad made a reservation here?"
"Name please?"
"Zyna Ramoz"
"This way maam"
Hinatid na siya sa table ng isa sa mga staff ng restaurant. Natatanaw nya na yung ka blindate nya. At Nagulat nalang siya sa nakita nya.
"You?"
"Oh Hi! I am Ezekiel Castro please have a seat."
Nagulat siya at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. It was the nilalang na na meet niya sa Club way back nung nag clubbing siya. Tumayo ang lalaki at pinaupo siya. Parang nasa teleserye ito kung iisipin niya. Mahinhin naman na umupo ang dalaga reto.
"Wait, ikaw ba yung anak ni mister Castro?"
Gulat na tanong ng dalaga sa binata.
"Yes."
Naka ngiting sabi ng binata. Nakatitig lang si Ezekiel kay Zyna.
"Did you know it was me?"
Nagtatakang tanong ni Zyna sa binata.
"Yes perhaps. So, lets order."
Nag order na sila ng pagkain. Ni hindi parin makapaniwala ang dalaga. Ni hindi niya alam kung matutuwa ba siya or magagalit. Alam naman niyang sobrang gwapo ng nilalang na eto sa paningin niya pero hindi niya pinapahalata. Tahimik na kumakain ang dalawa ng unang magsalita si Ezekiel.
"Nagustohan mo ba yung food?"
"Yes. I like it."
Tipid na sagot ng dalaga.
"You don't have to force yourself."
"What do you mean?"
"Kung ayaw mo sa date na toh, pwede naman natin sabihin sa kanila na hindi nag work yung plano nila."
Sabi ni Ezekiel. Napaisip naman si Zyna saglit.
"No, its okay for me. Wala naman akong boyfriend and I think wala kang girlfriend, so it's fine with me"
Deep inside ay gusto naman talaga ni Zyna na siya ang ka date neto. Hindi naman mai tatanggi na Girls type ang binata na ito. Lahat ata ng mga babaeng makakasalubong neto ay mapapahanga at magkaka gusto sa kanya.
"So ok lang sayo na mag date tayo?"
Tanong ng binata sa dalaga.
"Yes, wala namang mawawala diba? Besides I want my dad to be happy for me. Baka gusto niya na magka boyfriend na ako--- hmm don't get me wrong, pero date pa lang naman"
Napa ngiti naman ang Binata sa sinabi ng Dalaga. Lalong guma gwapo ito ng ngumiti ng bahagya.
"So, you mean we have a chance?"
Nakaka lokong ngiti pa ang binigay ng binata na nakaka pag pabilis ng t***k ng puso ni Zyna. Umiwas ng tingin ang dalaga baka makita pa ni Ezekiel ang pamumula ng kanyang mukha. Sa ka gwapohan neto ay lalong nagkaka gusto si Zyna reto.
"errr Malay lang naman natin diba"
Pinatuloy na nila ang pagkain at pag uusap tungkol sa kanilang mga magulang. Si Ezekiel ay isang taga pagmana sa kanilang Clothing Company isa sa mga sikat na clothing company sa Pilipinas. Habang si Zyna naman ay taga pagmana ng Go Food Organization. Parehong mayayaman ang dalawa.
Masayang nagkekwentohan ang dalawa sa restaurant na pag mamay ari pala ni Ezekiel. Pagkatapos nilang kumain ay napag planohan nilang pumunta sa tabing dagat para makapag relax dahil sobrang stress ng dalaga dahil sa ama neto.
"I think my dad hates me."
Sabi ng dalaga habang naka tanaw sa dagat niramdam nya ang pag pihit ng hangin at humaplos sa kanyang pisngi. Sobrang na rerelax siya sa pamamagitan neto.
"Stop thinking that way."
Seryosong sabi ng binata.
"I know him. Alam kong galit parin siya saken."
Parang may malalim na dahilan kung bakit niya nasabi iyon. Napatingin ang binata sa kanya at tumingin ulit sa dagat.
"Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo para sabihin yan. Pero para sa akin, I should live my life to its fullest. Against yung ama ko sa pag papa tayo ng restaurant ko, pero yun yung gusto ko. Kaya wala siyang nagawa. Hindi nya ko napigilan sa gusto ko. Kasi gusto niya mag fucos ako sa clothing company niya. My dad hates me for being his ungrateful son."
Nakatitig lang sa kanya ang dalaga. Humanga ito sa honesty niya.
"Sana ganyan din ako. Sana kaya kong gawin yung gusto kong gawin. Kaya lang hindi pwede."
Malungkot na saad ng dalaga.
Hinatid na niya si Zyna sa bahay neto at lumalalim na ang gabi.
"Salamat sa pag hatid."
Mahinhing sabi ng dalaga.
"Wait."
Saad ni Ezekiel at hinila ang kamay ni Zyna.
"a-ano?"
Nakatingin si Zyna sa kanya at nag aantay kung ano ang sasabihin nito.
"Can I have your number? Paano kita matatawagan niyan."
Tumawa ng bahagya si Zyna at sinave ang kanyang number.
"Oh ayan. Happy ka na ba?"
Nakangiting sabi ng dalaga.
"So, pwede ba kitang tawagan?"
Naka ngisi si Ezekiel habang kausap si Zyna. Para itong nababaliw na iwan. Hindi naman siya ganun pero pag si Zyna na iyong kaharap niya ay tela sumasaya siya.
"Oo naman basta ikaw!"
Pabirong sabi ni Zyna sa binata. Ayaw pa sana ni Ezekiel na papasukin si Zyna, gusto nya pa itong makausap.
"Kelangan mo na ba talagang pumasok?"
Nahihiyang tanong ng binata. Napaisip naman si Zyna na sobrang cute nito pag nahihiya.
"Oo. Tsaka gabi na kelangan mo na ding umuwi."
Saad ni Zyna kasi nag alala na din siya dahil gabi na nga. Tila ayaw pa sanang umalis ni Ezekiel.
"Wait...... Pwede ba tayong mag date ulit?"
Napa hinto naman si Zyna at tumingin kay Ezekiel na nag hihintay sa sagot nito.
"Pag iisipan ko."
Seryosong sabi ni Zyna at tuloyan ng pumasok sa kanilang Mansyon.
Nag aalala naman si Ezekiel kasi hindi niya alam kung papayag ba itong e date niya ulit.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Ezekiel at Nag text kay Zyna.
"Good morning."
Naglalakad siya pa balik balik sa kanyang kwarto at hinihintay ang reply ng dalaga. Pero tila wala itong balak na mag reply sa kanya.
"Ugh! I don't need her reply, madaming babae jan anytime pwede kong e date!'
Umiiral na naman ang kanyang Pride. Nag bihis na siya at handa ng Pumunta sa Company ng daddy niya.
Pagdating niya sa lobby ay madaming staff ang sumalubong sa kanya at enescort pa siya papasok. Sobrang gwapo ang binata sa tuxedo na suot nito. Maraming babae ang nagtitilian sa loob ng company nila habang papasok na siya.
Hindi maipag kaka ela na habulin siya ng mga babae dahil sa taglay nitong ka gwapohan at katangkaran.
Pag dating niya sa office niya ay dali dali niyang tiningnan ang kanyang cellphone ni wala pa ding reply ang babae. Pa ikot ikot siya sa kanyang upoan habang nag aantay ng reply.
"Bat ba ako nag hihintay."
Saad niya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay nababaliw na siya sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit gusto niya ito makita lage.
*beep*
Dali Dali naman niyang pinulot ang cellphone niya ng marinig na nag vibrate ito. Dali dali niyang tiningnan kung sino ang nag text dito. At sabik na sabik na baka ito na ang kanyang hininihintay.
"Yes. Payag na ako sa Second date."