CHAPTER THREE
_
After the battle? No, the abnormalities of the Crane ay naging parang terrorist spot ang buong living room. Triple disaster na ang tawag ko sa sobrang gulo nito.
Hinilot ko ang sintido ng bigla itong kumirot. Damn this, matatagalan ko ba ang mga hinayupak na 'to?
"Paano ba 'yan, iha. Kailangan ko nang mauna, hinahanap na ako ng Presidente" buntong hininga ni Tito.
I sighed. Mukhang maiiwan na nga talaga ako rito kasama ang mga tokmol niyang mga anak. Wala na ba akong ibang choice? You know, pwedeng pwede ko namang takasan ito pero natatakot ako sa binanta sakin ng ama ko. I just can't risk that.
Mukhang dito na nga talaga ako mabubulok. Pambihira.
"Sure. Take care, Tito" I gave him a bitter smile.
He smiled back ang tapped my shoulder.
"Remember, South, that in every punishments, there's a reason behind why's. Every hurtful words, there's a deeper meaning on it. So don't hate your father if he's doing this to you. You know, this is for your own good" seryosong aniya.
Hindi ako makapaniwalang napangisi. I can't believe he's saying this to me.
"For my own good? I doubt it. And sorry to say this Tito, but I already hated my father, so much," diin ko sa huli.
Sorry but not sorry. Pero mukhang habang buhay ko ng kakamuhian ang Daddy ko. He's a ruthless man! I can't believe na naging Ama ko pa siya. Wala siyang kasing-sama. Mas masahol pa siya sa masahol.
Huminga ng malalim si Tito. "I understand your reasons why you hate him. Pero iha, tandaan mo, walang puwang ang galit sa mundo. Sana mapatawad mo siya bago pa mahuli ang lahat."
Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla sa sinabi niya. I shove away that feeling inside me. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Tito. There's no way that I will forgive my father. Hindi ko kaya.
Hinatid ko si Tito sa labas ng bahay. Kasama ang mga abnormal niyang mga anak, thank God kasi hindi na sila nakabahag. Iyon nga lang TOPLESS lang sila! Psh, feel na feel talaga ng mga ito na ilantad ang mga katawan nila palibhasa may ibubuga. Mahamugan sana sila, tignan lang natin kung magawa pa nilang magtopless ulit.
With their lean, mascular body and shining shimmering tight abs they would be mistaken as a Calvin Klein models. Pang billboard. Pang cover ng magazine at pang profile sa f*******:.
"I have to go please enjoy your stay here, iha" sabi ni Tito sa akin na kinangiwi ko.
Enjoy? Siguro mas mage-enjoy ako kapag napatay ko na ang mga anak niya. Let's not hope I'll end up killing them.
"Dada, mami-miss ka namin" naiiyak na sabi ni Noah, the guy who has pink hair, at least I remembered their names now.
"Balik ka agad, Dada, ha?" sabi din ni Peter, the blue haired guy, pumiyok pa ang boses nito.
"You will always remain in our hearts, Dada" malungkot na sabi naman ni Genesis, the one who has a white hair. Ang isang 'to, maganda ang pagkakakulay ng buhok niya. Parang K-pop lang ang dating pero Greek God ang mukha.
Napailing ako. Ano namang pinagsasabi ng isang 'to? Patay lang?
"'Wag mo kaming kakalimutan, Dada. Basta size 10 ang paa ko. 'Wag mo ding kakalimutan ang mga chocolates namin, ha?" sabi naman ni Psalm, 'yong may Violate na buhok.
As far as I remember, babalik sa Manila si Tito at hindi mag a-abroad, psh.
Napatingin ako kay Bronze hair na tanda ko ay Isaiah ang pangalan. Sumisinghot ito at nagpupunas ng mga mata. Ano namang drama ng isang 'to?
"Mahal na mahal kita, Dada. Kahit inaagawan mo ako ng pogs minsan, mahal parin kita. Mananatili ang iyong alaala sa puso't isipan ko" sumisinok na sabi nito. Sumingha pa siya sa damit ng isang guard.
Nangingiwing napailing ako. Jusko, hindi ko na keri ang ka-abnormalan ng mga ito.
"Huhuhuhu! Mga anak! Mami-miss kayo ni Dada! Mahal na mahal ko kayo!" umiiyak na rin si Tito at niyakap ang mga anak.
"Huhuhuhu!"
Para silang mga tangang nagyayakapan habang humahagulgul. Nakakairita sila sa paningin.
"Dadaaaaa!"
"I love you, Dada!"
"I will miss you, Dada!"
"Dada, ko!"
"Huhuhuhu, Dada 'wag mo kaming iwan! Waaaahh!"
-_______-
*sniff* *sniff*
Tumingin ako sa dalawang guard na nagpupunas din ng mga mata habang nakatingin sa mga mag-aama.
"We will never forget you, Sir Jackal" si guard A.
"In loving memories of Sir Jackal Cross Crane.." guard B.
Ibang klase na ang ka-tangahan na ito. Kaya bago pa ako mahawa sakanila ay humakbang na ako papasok sa loob ng bahay pero hindi pa ako ay bigla akong natigilan sa malakas na hiyaw.
"DADAAAAA!!"
Lumingon ako sakanila at napahilot nalang ng sintido sa nakita. Papasok na sana si Tito sa sasakyan pero pinigilan siya ng mga anak. Ma-dramang hinawi naman sila ni Tito, kasama ang dalawang guard niya pero nagpipilit parin ang lima na pigilan si ang ama. Naghihilaan pa sila ng mga braso.
"Kung wala ka nang maintindihan~
Kung wala ka naaang makapitan! Kapit ka sa akin! Kumapit ka sa akin! Hindiiiii kitaa bibitawaaaan~"
Binato ko ng nadampot kong paso ang isang guard ng bigla itong kumanta. Humilatay agad sa semento ang king ina.
Bago pa ako tuluyang mahawa sa kaabnormalan nila ay pumasok na ako ng tuluyan sa loob. Dinampot ko ang mga bagahe ko at sinipa ang mga pakalat-kalat na basag na bagay sa sahig na humaharang sa dinaraanan ko.
"King ina, pakyu kayong mga kalat!" I hissed frustratedly. Mabigat ang mga hakbang na tumulak ako sa ikalawang palabag.
Gabi na at gusto ko nang magpahinga. This day is very exhausting. Nakakadrain din ng utak ang mga nasasaksihan kong behavior ng mga makakasama ko dito sa bahay na ito.
Kakaiba nga talaga ang mga Crane. Mga special child, eh.
Sana lang magtagal ako dito ng wala akong napapatay maski isa sakanila. Iyon talaga ang pinagdadasal ko. Baka mula sa pagiging gangster ay mapromote ako bilang murderer.
Pagkarating ko sa ikalawang palapag ng bahay ay agad nangunot ang noo ko. Saan nga pala ang magiging kwarto ko? Oh, well. Nagkibit balikat nalang ako at napagdesisyonang magtingin ng vacant room.
May hallway kung saan may mga pintuan ang bawat magkabilaan nito kung nasaan ang mga kwarto. Pipili nalang siguro ako kung ano ang o-okupahan ko rito. Ngunit ganoon nalang ang pag-ngiwi ko ng makita ang mga placard na nakasabit sa bawat pintuang madadaanan ko. Kwarto ito marahil ng mga Crane.
"Mamatay na ang pangit na papasok sa loob nito... NOAH THE POGI!" basa ko sa unang pintuang nakita ko. May picture pa si Noah na nakadikit sa pinto. Naka-kindat siya sa litrato at nakapogi pose pa.
Kailangan talaga may ganoon? Sunod ko namang tinignan ang kasunod na pintuan.
"DON'T DISTURB. 69 ON-GOING... PETER TIRADOR!" at may sticker pa ng babae at lalaki na nag 'a-ano'.
Susmaryusep! Walang kaduda-dudang kay Peter nga ang pintuang iyon.
"BACK OF FUCKERS... GENESIS THE GREAT!" at may sticker ding nakadikit na daliri na naka middle finger.
Ayos ang isang 'to, ha? Pati sa pintuan nagmu-mura.
Sunod kong tinignan ang kabilang kwarto.
"BAWAL MANIGARILYO, NAKAKABAOG. SAYANG ANG LAHI... PSALM THE SAINT!" at may cross na nakasabit naman.
Ngayon ko lang nalaman na nakakabaog pala ang paninigarilyo. Pero, Psalm the Saint? Hmm, I doubt it. At ginawa pang props ang cross, ha? Buti hindi siya nasusunog.
Last na pinto na may placard ay paniguradong kay Isaiah na ang isang 'to. Binasa ko ang placard na nakasulat.
"NO JAYWALKING! MAY NAMATAY NA DITO!Paalala mula kay Isaiah!" at may sticker din ng No Jaywalking.
Napatampal nalang ako sa noo ko. Anong kabobohan ang meron kay Isaiah para idikit ang ganito sa pintuan niya? Anong akala nya sa hallway nila, highway?
Pambihira.
Ang kasunod na pintuan ay wala ng placard na naka-sabit kaya paniguradong walang gumagamit nito. Binuksan ko ito at saka kinapa ang switch ng ilaw.
Surveying the whole room, a small smile crept into my lips when I saw it's perfect for me. Malaki ang space at sakto para sa akin. Hmm, mukhang ito na ang magiging lungga ko.
Sinara ko ang pintuan at kmang hihiga na sana sa kama ngunit biglang nagreklamo ang sikmura ko. Damn, I'm starving! Wala pa pala akong kain mula kaninang umaga. Napatingin ako sa bagpack na dala ko. It contains of North's chocolates.
Bago kasi ako mag-empake kaninang umaga ay dumekwat pa ako sa kwarto niya ng mga tsokolate. Ito ang mga kayamanan niya, mas mahal pa nga niya ang mga chocolates niya kesa sa ibang tao kaya paniguradong magwawala ito kapag nakita niyang wala na ang mga ito sa cabinet niya.
My stomach growled again. Napamura nalang ako. I can't eat the damn chocolates. Hindi naman kasi ako mahilig sa sweet. Dinekwat ko lang para mainis si North.
Napagdesisyonan kong lumabas ulit ng kwarto. Gutom ako at kakain ako. Pagkababa ko ng hagdanan ay nadatnan ko ang mga Crane na nagpupulong sa sala. Napatingin sakin si Blue haired guy who was named Peter. Kinalabit nito ang mga kasama niya at nginuso ako. Lumingon sa akin ang apat.
"Hinabilin ka sa amin ni Dada. Sabi niya alagaan ka raw namin habang nandito ka kahit hindi masyadong bukal sa loob namin ay gagawin namin ito para kay Dada" sabi ni Noah.
I raised an eyebrow at him. Ngumuso ito agad at natahimik.
"Aalagaan ka namin kaya naman... Charaaaan!" hiyaw ni Peter at inilahad sa harap ko ang isang bagay. Pagtingin ko rito ay halos malaglag ang eyeballs ko. What the hell?!
A damb baby bottle!
Ano namang gagawin ko diyan?
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ay bigla akong hinila ni Noah at pinahiga sa mahabang sofa. Mas lalong nanlaki pa ang mga mata ko nang isubo niya sa bunganga ko ang baby bottled na may lamang gatas.
What the f**k?!
"Baby... tulog na! Tulog na baby ko~"
O____O
Hindi pa ito nakuntento at tinapik tapik pa niya ang balakang ko!
Tangina.
Na-estatwa ako ng wala sa oras. Hindi ma-proseso ng utak ko ang mga pinaggagawa nila sakin.
"Lalalalalalala~" kanta din ng apat sa gilid ko habang nags-sway pa ang katawan nila.
"Baby, tulog na baby, ha? Tulog na. Magpla-play tayo sa garden bukas~" Noah sang sofly while gently patting my hips.
"Aww... hindi pa ba antok ang baby ko? Sige, play muna tayo!" masayang sabi nito at sinenyasan si Isaiah.
Lumapit naman samin ito at dinungaw ako. Hindi parin ako makagalaw. Ang utak ko ay naglo-loading pa.
"Hello, baby cutie-cutie! Tiiit Baaa! Tiiiiit Baaah!" sabi nito habang tinatakpan ang mga mata ng kamay niya saka bubuksan ito. "Tiiit Baaa! Tiiit Baaa!" he keeps doing that.
"Tangina mo, Isaiah! Hindi natutuwa sayo si Baby! Tabi nga diyan, ako nga!" hinawi ni Peter ang kapatid. Dumungaw din sa akin ang gago.
"Kuching kuching kuching! Baby, baby kuching! Ang gwapo ni Kuya Peter 'diba kuching?" sabi nito na parang kumakausap talaga sa isang sangol. Nagpuppy-dog eyes pa ang gago.
"Is that baby a f*****g stone? She doesn't even react! We're just wasting time on her. Itapon nalang natin 'yan sa bangin!" Genesis suggested with a glare on me.
"Ang sama mo naman, Genesis! Wala kang puso! Paano mo nasisikmurang itapon ang isang super cute na baby sa bangin?" angil ni Psalm dito. "Baka gutom lang si Baby kaya kailangan nating padedehin."
Pinagduldulan pa niya lalo ang baby bottled sa bibig ko at dahil doon, nalunok ko ang patak ng gatas sa bibig ko... and that completed the loading in my brain. Para akong nagising bigla sa bangungot. Marahas akong bumangon at wala sa sariling sinapak sa mukha si Noah — na siyang malapit sa akin.
Natumba agad siya sa sahig at nawalan ng malay.
"Pwe! f**k! Dammit! Pwe, pwe!" halos lumuwa na ang wrecking ball ko sa loob ng bunganga sa kakapilit na ilabas ang nainom kong gatas.
It tasted like s**t! Tangina! Gatas ba talaga 'yon?
"You killed our brother..."
Inis akong tinignan ang magkakapatid na nasa gilid na nakanganga na ngayon habang nakatingin sa akin. Their faces looked horrified as they look at me then to Noah who was snoring now on the carpeted floor.
Tumayo ako at tinapon sa kung saan ang baby milk bottle. Sumunod ang tingin nila dito at agad ding binalik sa akin ang tingin nila.
"You're a murderer.."
"You're a manslayer.."
"You're a killer.."
"You're deadbol.."
Oh, great! Ako pa? Ako nga itong halos malason na sa gatas na basta nalang sinuksok sa bunganga ko!
I glared at them. "Ano bang pinagagawa niyo, ha?!" singhal ko sakanila, hindi pinansin ang mga sinabi nila. Nalalasahan ko parin ang kakaibang lasa ng gatas sa dila ko. Sabay-sabay silang napaatras at takot na tumingin sa akin.
"I-inaalagaan ka lang namin!" si Peter ang sumagot, yumanig pa ang boses nito.
"Inaalagaan?" hindi makapaniwalang asik ko. Sa inis ay sinipa ko pa ang sirang ulo ng electric fan na nasa paanan ko, tumalsik ito sa malaking flat screen TV, ayun basag.
Nagsiksikan ang apat sa dulo at nagkayakapan habang takot na takot ang mga matang nakatitig sa akin.
"We are taking care of you as we promised to, Dada! He said we should treat you like a baby here! And that's what we are doing! Giving you a milk because we can't breastfeed you!" matapang na hasik pabalik ni Genesis sa akin.
Napanganga ako. Wow lang, ha! Iba talaga ang mga ito.
"Pero mukhang hindi mo nagustuhan ang lasa ng gatas. Iyong expired na cow milk kasi ang ginamit namin, 'yon lang ang available sa kitchen, eh" nakangusong sabi ni Psalm.
Halos masuka ako sa nalaman. Damn, expired na cow milk? Kaya pala ang pangit ng lasa!
"Pasensya na Ate, wala kasing gatas ang mga dede namin kaya hindi ka namin mapapadede sa soso namin" nakangusong rin ni Isaiah.
Jusko.
Nanghihinang napa-upo ako sa sofa at sinapo ang kumikirot kong sintido. Sumasakit ang ulo ko sa kabobohan nila! My goodness, ibalik niyo nalang ako sa mansion, please? Sisikmurahin ko nalang na makasama ang ama ko at si North, isama mo pa si Sylina! Okay lang na sila ang makasama ko 'wag lang ang mga taong 'to!
"Ano bang kulang sa utak niyo?" Nawawalan na ako ng pag-asa sakanila. Paanong naging anak ni Tito Jackal ang mga 'to?
"Kadena, hehe."
(ᗒᗣᗕ)՞
King ina, sumagot pa talaga sila.