"SALAMAT PO PALA SIR." anang Gracia kay Octavio habang tahimik lamang itong nakasandal sa upuan at nakatanaw sa labas ng bintana. Saglit na inalis ni Gracia ang kaniyang paningin sa unahan ng sasakyan upang balingan ang binata. "S-salamat po." "Why are you keep saying thank you? Once is enough." aburidong saad nito at matalim na tingin ang ipinukol sa dalaga. Mabilis itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga pagkuwa'y muling ibinalik ang atensyon sa labas ng sasakyan. Napapatikom na lamang si Gracia sa kaniyang bibig at itinutok na ang buong atensyon sa pagmamaneho. Mukhang hindi na naman ata maganda ang timpla ng kaniyang amo. Well, kailan pa ba naging maganda ang timpla nito? Tahimik lamang ang dalaga na nakasunod sa binata habang tinatahak nila ang mahabang lobby patungo sa ki

