Nakaschedule kami ngayon ni Mico para sa isang rehearsal, ilalaunch kasi kami sa isang sunday show kung saan nagpeperform ang lahat ng artist sa isang network. Kasalukuyang namimili ang mga nakakataas ngayon sa kantang ipapakanta sa amin. Hindi pa naman namin pwedeng kantahin ang mga nasa album na ilalabas dahil may ibang plano ang management doon. Nandito ako ngayon sa isang studio for rehearsal, hinihintay ko ang mga matataas para makapagdecide kaya nandito ako at inaayos ang gitarang nakahanda para gamitin naming dalawa ni Mico. Si Mico ay hindi pa dumarating dahil ang sabi ni Ate Pia na may endorsement shoot ang loko. "Good News Ira" biglang sumulpot sa may b****a ng studio. Ibinaba ko naman ang aking gitara at nilapitan siyang napaupo sa may ibaba ng stage kung nasaan ako. "Ate P

