Walang nagsalita ni isa sa amin pagkatapos ng sinabi ni Ate Pia, nawala na din ang gana kong maging masaya pagkatapos nun. Tama naman siya, sa mundong ginagalawan namin pinapares kami sa isa't isa para kumita at kailangan naming magmukhang close na close lalo na kailangan naming magpakilig ng ibang tao para mapag-usapan. Kaya may mga nasa relasyon mga artista ang nagtatago dahil sa takot na kinabukasan wala na silang trabaho at imbes na fans ang makuha nila ay mga bashers pa. Kaya nga ayaw ni Lyra kay Mico diba? Kasi hindi pa sapat ang kasikatan ng isang Mico Salazar para pumantay sakanya. Hindi sapat iyon para mapag usapan sila. "Ira!" lumundag sa kinauupuan ko at niyakap ako ng bestfriend ko. Ilang araw ko na ba tong hindi nakikita. "Aray naman! Sasakalin mo ko?" Natatawang sabi ko sak

