After what happen in the condo yunit, hindi na kami agad. Akala niyo ba magiging magkalapit kami pagkatapos ng insidenteng iyon? Hindi, mas lalo lang niya akong hindi pinansin. Umasa ako! Umasa ako gaya niyo pero hindi talaga! Gusto ko siyang kilalanin pero mukhang ayaw talaga ng tadhanang makilala ko siya.
Ang hindi parin maalis sa akin ang mukha ng babaeng nakita ko sa living room ng condo yunit ni Mico. Nakita ko na siya ngunit bakit hindi ko maalala kung saan.
"Ira, tawagin mo na ang kapatid mo at ako na ang maghahain nitong dinner niyo" agaw pansin sa akin ni Yaya Selly habang inihahalo ko ang aking niluluto.
Ngumiti lamang ako at tumango pagkatapos ay tinungo na ang kwarto ng aking kapatid upang tawagin.
Kumatok ako bago pumasok at nadatnan ko siyang nanonood sa kanyang t.v sa kuwarto at masayang nakangiti doon na parang aso.
Umiling na lamang ako at naupo sa tabi niya, hindi pa ata niya alam na pumasok ako dito sa kanyang kuwarto.
"Hoy" kalabit ko sakanya ngunit nakatuon parin ang kanyang tingin sa kanyang pinapanood.
"Ay grabe siya! Walang naririnig?" Isang beses pang tawag ko dito.
Saka na lamang siya lumingon at kumunot ang noo.
"Ate? Paano ka nakapasok?" Sabi ko naman sa inyo e hindi talaga niya alam at saka masyado siyang nahuhumaling sa kanyang mga pinapanood.
"Seryoso ka talaga Phan? Baka pag magnanakaw na ang pumasok dito, malamang patay kana" sagot ko dito. Napakamot na lamang siya ng batok bilang sagot sa panenermon ko.
"E kasi naman ate nanonood ako" pagdadahilan nito.
"Ano ba kasing pinapanood mo? Kakain na hoy" sagot ko dito.
"Si Lyra, iniinterview kasi siya" saka ko lamang nilingon ang kanina pa niya pinapanood na telebisyon.
Habang pinapanood ang babaeng tumatawa habang tinatanong ng isang interviewer ay saka ko na lamang napagtanto na siya pala ang nasa larawan na nakita ko sa condo yunit ni Mico.
Lyra.
Gaya ng aking sinabi, maamo nga talaga ang mukha niya, para siyang anghel, medyo payat siya at kulot na kulot ang buhok.
Am I insercure now?
No, I am Zamira Harmony Montecillo Loyola, I am a perfect gene creation.
Ngunit bakit parang naninikip ang dibdib ko habang nakikita siya.
"Teka kasi ate, hindi ko naririnig ang sinasabi niya" agad akong bumalik sa katinuan ng magsalita ang aking kapatid.
At pinalakasan nga nito ang volume ng telebisyon upang mas marinig pa ang kanyang pinapanood. Umupo din ako nang maayos sa kama nito at tinutok ang panonood.
"Last week, we spotted you and Mico Salazar together in a restaurant" ngumiti ito noong nabanggit ang pangalan ni Mico.
"So, we want to know Lyra, are you two dating?" Pagtatanong pa ng interviewer.
Mas lumawak naman ang ngiti ni Lyra. She have to say yes right? I mean why are you hanging a picture of a girl inside your home if she is not special to you and to think for a Mico Salazar.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay umiling ito at nang nakangiti parin. Napakunot ang noo ko. Then what? Must be her suitor then.
"Oh so he is a suitor then?" Tanong ulit ng nagiinterview.
Hindi nawala ang ngiti nito sa mga labi at sumagot.
"No, we are just friends" friends? Talaga ba Lyra?
"Nakakainis, ang shoshowbiz nila ate bakit ganun? Halata namang may something" reklamo ni Phan na hindi ata matanggap na hindi nagdadate ang dalawa.
Nagkibit balikat lamang ako dito.
"Hindi naman baka tinatago niyo lang ang relasyon ninyo dahil alam mo na show business" hindi parin sumusuko ang interviewer.
Tumawa lamang si Lyra bago sumagot.
"Of course not. If he is my boyfriend, magiging proud ako dun" tumango tango naman ang mga nagiinterview at mukhang naging sapat na ang sagot ni Lyra.
Pinatay na ni Phan ang telebisyon pagkatapos ng tanong na iyon.
"O bakit mo pinatay na? Tapos na ba?" Baling ko sakanya na ngayon ay nakabusangot na.
"E kasi naman ate. I ship them kaya, simula noong may balita sakanila na magkasama sa isang restaurant na kumakain ay gusto ko na sila para sa isa't isa" aba apektado masyado.
"Hoy Ohan masyado ka pang bata para diyan at saka kung hindi talaga e di huwag mo nang ipilit. Mahirap ipilit ang sarili sa taong ayaw naman talaga. Baka magkaibigan lang talaga sila" sagot ko sakanya. Well malay niyo baka nga magkaibigan lang talaga sila.
-
Kasalukuyan ako ngayong narito sa Paradise Records upang ipasa lahat ng kinakailangan nilang papers na pinagawa sa amin. Actually ganon naman talaga madalas kapag OJT, ipapautos.
Napailing nalang ako habang iniisip iyon. Alas nuebe na ng gabi at halos wala nang tao dito sa building.
Pagkatapos kong maipasa ay tumungo na ako sa parking area ng building para umuwi.
Ngunit bago pa ako makarating sa sasakyan ko ay ay may nakita akong mga tao sa malapit sa kotse ko at mas ikinagulat ko na sina Mico at Lyra iyon. Aong ginagawa ni Lyra sa Paradise Records.
Nagtago na lamang ako sa isa sa mga pader doon kung saan malapit sa kanila. Wala na kasing mga sasakyan doon lima na lamang.
"Why did you say that?" Nakakunot ang noo niyang tanong kay Lyra. Nag-aaway ba sila.
Nakita kong umirap lamang si Lyra kay Mico at iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.
"About what?" Mukhang naiinip na sagot nito.
"You know what. I dont understand Lyra" malumanay na sagot nito.
" Mico, you know why!" Halos pasigaw nitong sagot. Okay so nag-aaway nga sila.
"What? Walang kuwenta nalang lahat ng ginawa ko? I entered your f*cking world just to be with you Lyra and still not enough?!" Medyo tumataas narin ang boses nito ngunit mahahalata mo sa mga mata nito na malapit na siyang maiyak.
He will cry?! For a Goddamn girl?
" Mico, bago ka palang dito! You dont even have enough fans, paano naman ang career ko! You know this is so important to me! So if you wanna be with me, then prove to me! Because love will never be enough Mico and you know I will always choose career" pagkatapos ay sumakay na ito sa isang puting sasakyan at naiwan ang kawawang si Mico doon. Nakita ko ang mumunting butil ng luhang pumapatak sa mga mata niya.
And my mouth left open! Now that is why, that why he hate this, he hate this kind of world. He does not want this. He is just doing this for a girl. Why are you doing this Mico.
Lumingon siya sa aking banda at nagulat nalang ako doon, ngunit hindi ito nagulat na naroon ako.
"You saw it right?" Pagsuko niya habang pinupunasan ang mga matang katatapos lamang umiyak.
Hindi ko alam kung sasagot pa ba ako o mas maganda na lamang na manatili at tumahimik.
Umiling siya at lumapit sa akin dito sa may gilid ng pader. Umupo ito sa sahig at hindi alintana kung madumi ba doon o hindi.
"It answered your question" out of the blue niyang sabi.
Naoatingin ako sakanya nang nakakunot ang noo.
"Huh?" Dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"You always ask me why I entered this world even if I hate being with my fans and being in this kind of life" ah oo. She is lucky to have a Mico Salazar in her life.
"But it is still not f*cking enough" pagmumura niya at nagulat ako nang piangsusuntok niya ang sementong kinauupuan niya.
Naalarma ako kaya agad akong umupo at hinawakan ang mga bisig niya at pinigilan ang mga kamao nito bago pa dumako ukit sa sahig.
Nilingon niya ako at bahagya kaming nagtitigan ng ilang segundo. Tumitig ako sa kamay niyang namumula na dahil sa iilang suntok na nabitawan niya kanina.
Noong napagtanto siguro niyang hawak ko ang kamay at bisig nito ay winaksi nito ang kamay ko at agad na tumayo. Naglakad siya palayo sa akin ngunit bago pa man siya makapasok sa kanyang kotse ay may sinabi ito
"Damn it why are you even here? Dapat ay umalis ka na lang kanina. Never get near me again or talk about what you saw"
Bakit nga ba?