Hindi ko maintindihan ngunit para kaming konektadosa isat isa. Ano ba tong nararamdaman ko, mali Ira naaawa ka lang sakanya dahil nakita mo siya sa mga pagkakataong sobrang hina niya.
Bago pa man ako makapagsalita at maibuka ni Mico ang kanyang bibig ay nakarinig na kami ng mga palakpak na nanggagaling sa aming likuran.
Sabay kaming lumingon at natagpuan namin ang mga staff kasama ang magulang ni Rina, maging si Rina na nanonood sa amin at tila papasukan na ng langaw ang bibig.
"I didn't know you can really sing Ira, magaling kang magtago sa mga talentong meron ka" bungad ni Mr. Falcon habang papalapit silang lahat.
Napayuko ako sa hiya. Bakit ba sila andito? Siguro ay napansin nila kaming tumakbo patungo rito kaya sumunod silang lahat o marahil ay naalarma nanaman sila sa pagkawala ng alaga nilang si Mico kaya buong gusali ay nalibot na ata nila.
"So, nung busy kami kakahanap ng collab partner mo para sa album mo ay busy ka rin palang naghahanap. You always have your ways Mico. I'm impressed" sagot naman ni Mrs. Falcon. Hindi po Mrs. Falcon, gusto niya lang po ako dahil may kailangan siya. Manggagamit siya para sa sarili niyang kapakanan
"So that means, she in? Hindi na natin kailangan ng audition" Tanong ni Mico sa kanilang dalawa. If I know you just hate it kapag isa sa mga fans mo ang nakapasok at mahihirapan kang umiwas sakanya dahil araw araw mo siyang makakasama.
Umiling pareho ang magulang ni Rina, hindi ko alam kung bakit ako biglang nadismaya, hindi ko naman to gusto diba? All I want is to write music at hindi kumanta sa harap ng maraming tao ngunit bakit? And that strikes me, nagkaroon ako ng ideya na hindi ko alam.
"Well, sayang naman din kasi yung mga nagfile na ng forms for the audition and naannounce na yun better yet why don't you invite Ira to the audition too" pagpapaliwanag at pagmungkahi ni Mrs. Falcon.
"Now come with us in the office dahil kakausapin ka namin and to the others back to work na. Ira aasahan kita sa audition okay?" Ngumiti sa akin Mrs. Falcon samantalang napansin kong hinawakan ni Mr. Falcon ang balikat ni Mico at inaya palabas ng studio, naiwan ko sa loob ang ibang staff kasama si Rina.
Hindi man lamang kami nabigyan ng pagkakataon na makapag usap. Bakit ko ba kasi iniisip to. May tatanong pa ako sa kanya e.
"Omg! Bestfriend! Invited ka sa audition! Take note, invited hindi mo na kailangan magfile ng form para makapasa sa audition" mas excited pa siya kesa sa akin. Naupo siya sa upuan kung saan ako naupo kanina at saka tumayo nanaman na parang timang
"Ewan ko sayo Rina, ikaw nalang kaya dun? Hindi ko gusto dun" Irap ko sakanya habang inaayos ang mga gitara at upuang nagamit namin kanina.
"Kung may ganyan kaganda lang akong boses hindi ko sasayangin yan no at hindi kita pipilitin ngayon dahil day one palang andun na ko nagfifile ng audition" tinulak pa niya ako sa gilid. Hindi naman niya kailangan ng audition kung sakali. Hindi ko rin naman kailangan nun kung gugustuhin ko.
"Rina, hindi ko hilig ang kumanta sa harap ng maraming tao at sumikat alam mo yan diba. Sabunutan kaya kita no? Para matandaan mo naman" pagpapaliwanag ko ulit sakanya kahit sa palagay niya naman kasi talaga yun ngunit kinakalimutan niya lang dahil hindi niya gusto ang ideyang iyon.
"Alam ko naman yun, ang gusto mo ay ang sumulat ng mga kanta pero Ira, don't you want to try something else. You can do more pero parang nililimitahan mo nalang lagi ang sarili mo. Gaya nito, you can do better sa OJT pero hinahayaan mong hindi ka makilala bilang sa kung ano ka talaga" she is right but what can I do, I am afraid, too scared na baka ijudge ako ng mga tao. Iyan talaga ang problema ko sa sarili ko. Natatakot akong umalis sa comfort zone ko, nasanay ako na ginagawa lang yung mga bagay na ginagawa ko at hindi na sumusubok ng iba.
"I dont know Rina, hindi ko na alam. Alam mo naman na natatakot ako sa mga ganyang bagay." ang tanging nasagot ko na lamang.
Nagkibit balikat na lamang siya, ayaw niyang pinag uusapan namin ang tungkol dito hindi narin dahil hindi nga siya payag kundi dahil ayaw na din niyang masaktan ako.
Pagkauwi ko ay tumungo ako sa isang cabinet, pagkabukas noon ay nakita ko ang isang kwadernong may lamang mga liriko ng kantang naisulat ko na simula pa noon. Hanggang sa pagsusulat na lang ba ang kaya kong gawin?
Maya maya ay naring ang cellphone ko, dinukot ko ito sa aking bulsa at nakitang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko ito.
"Hello?" bungad ng nasa kabilang linya. Mico Salazar, that voice. Simula palang ng marinig kita kinabisado ko na ang bawat pagbigkas mo ng letra.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito. Syempre hindi ko siya kasama kaya madali lang magsungit pag sa phone.
"Wow! Napaksungit mo a salamat!" Halatang pagkairita niya.
"I have one question" sabi pa nito. Kumunot naman agad ang aking noo at biglang nawala ang lahat ng aking iniisip ng mga sandaling iyon.
"Ano yun?" Tanong ko dito.
"You want to steal me from her right?" Tanong nito sa akin. Bakit hindi ko masabing "hindi Mico, ang kapal ng mukha mo! Nagjojoke lang ako para gumaan ang loob mo" instead...
"So what kung gusto kitang agawin sakanya?" Paglalakas loob ko. Sige Ira may lakas ka ng loob sa mga ganyang bagay, sana ay malakas din ang loob mong alamin pa ang tungkol sa sarili mo
"Then how can you do that kung hindi ka palaging didikit sa akin? Umattend ka ng audition and be my collab loveteam Ira prove to me na hindi ko na dapat habulin si Lyra, prove to me tama ka sa lahat ng paniniwala mo tungkol sa pag-ibig. Lets have a dare, make me fall for you" at doon ay pinutol na nito ang kanyang tawag.
Huminga ako ng malalim. Buong gabi iyon lamang ang inisip ko. Paulit ulit na bumabalik at naririnig ko ang bawat kataga at letra na narinig ko mula sa kanya.
"Make me fall for you"
"Make me fall for you"
"Make me fall for you"
Napabangon ako sa aking kinahihigaan noong araw na yun. Thats right! You dont deserve her, you deserve me. I will make you fall for me. I will steal you from her Mico Salazar. I accepted the challenge.