"Lihim"
Kabanata 10
Dalawang linggo bago ang kaarawan ni Ysa ay umuwe na si Papa sa Pilipinas..
Mula ng dumating si Papa ay naging limitado ang bawat kilos ko...mahirap na at baka makahalata si Papa gayung mainit pa nman ang d*go nya sa akin sa tuwing nandito sya sa bahay..
"anak... Balak na nmin pabinyagan si Baby Ysa.. Kasabay ng kaarawan nya.. ", anunsyo Ni Mama ng minsang naghahapunan kame..
Magdadalawang taon na si Ysa pero ngayon lng sya pabibinyagan dahil ngayon lng umuwe si Papa.. Katulad ko noon... Bininyagan lang daw ako nun nang umuwe na si Papa gaLing isang bansa..
"Ok lang ba sayo Marissa na imbetahan ko ang mga kapatid kong dumalo para narin makapagbonding kme ", narinig kong wika ni Papa..
"walang problema ", sagot ni Mama..
"Anna.. Gusto kong sunduin mo ang mga kapatid at magulang mo sa inyo ", baling ni Papa kay Anna na tahimik na kumakain..
Nasa probensya kse ang papa ni Anna.. At sa lahat ng magkakapatid ito lang ang may kahirapan ang buhay. Isa syang magsasaka na may anim na anak at pangatlo si Anna..
"sge po Papa ", sagot ni Anna at tumingin sa akin bago pinagpatuloy ang pagkain..
Khit nasa isang bahay lang kme ay subrang miss ko na si Anna.. Pakiramdam ko ang layo nya sa akin dahil d na kme tulad noon na madalas na nagkakausap..
At kapag uuwe si Anna sa kanila ay mas lalo ko syang mamimiss..
"Ron.. Gusto mo bang sumama sa pinsan mo para nman makapagpahinga ka rin ", nakangiting turan ni Mama..
Sa sinabi ni Mama ay subra akong natuwa pero d ko yun kailangan ipakita..
Tumingin ako kay Papa dahil alam kong kokontra sya pero ganun nlng ang pagtataka ko ng d man lang ito tumutol..
"talaga po Mama? Pwede akong sumama kay Ate Anna?", tanong ko..
Dahil nandito si Papa. Kailangan kong igalang si Anna ..
Nang sabay na tumango si Papa at Mama ay palihim kong hinawakan ang kamay ni Anna sa ilalim ng lamesa at mahinang pinisiL...
Agad din nman nyang binawi ang kamay nya at tumayo na dahil tapos na syang kumain..
----
Masaya akong nakatingin sa labas ng bintana at nakatingin sa mga hekta hektaryang palayan na nasa tabi ng daan..
Madaming magagandang tanawin ..
Ginamit nmin ang bagong bili na Van ni Papa para sunduin ang pamilya ni Anna..
Salitan kmeng magmaneho ni Anna..
Sa ngayon sya ang nagmamaneho ..
Pansin ko ang pananahimik nya. Siguro dahil seryuso sya sa pagmamaneho at ayaw nyang madisgrasya kme..
"masaya ka bang makikita mo na ulit ang pamilya mo? "tanong ko..
Dalawang taon na kme syang d nakakauwe sa kanila...
"Oo ",.maiksing sagot nito..
Isang linggo narin dito sa Pilipinas si Papa at simula ng dumating si Papa ay ang pag iwas sa akin ni Anna.. Naiintindihan ko naman sya pero ngayong kameng dalawa lang ang narito sa loob ng sasakyan bakit ganun parin sya...
"may problema ba? ", tanong ko at hinawakan ang kamay nya..
Malungkot na tumingin si Anna sa akin..
"Natatakot ako.. Ngayong narito na si Papa... Baka mabuking tayo.. Ano na ang sasabhin ng Mama at Papa -----
"sssshhhh.. Wala tayong ginagawang masama.. ", putol ko sa sasabihin nya.. Ramdam ko ang pangangamba kay Anna..
"pero Ron... Maling mali na magkaroon tayong dalawa ng relasyon lalo na at alam natin pareho ----
"anong gusto mo? Maghiwalay tayo?",
Alanganin syang tumango...
Ramdam kong labag sa kalooban nya ang naiisip nyang desesyon...
"ayaw ko!! Di ko kaya! ", mariing turan ko.. "mahal na mahal kita Anna.. ",
"Ron.. Mali to.. Di pwede ",
"alam ko... Pero d ko kayang turuan ang puso ko Anna.. ",
Narinig ko ang buntong hininga ni Anna bago nya hilain ang kamay nyang hawak ko..
D na ko nagsalita dahil ayaw kong baka magalit pa si Anna sa akin..
----
"Ate Anna!!! ", sigaw ng kapatid nitong si Samson ..pang apat sa magkakapatid.. Kaedad ko lng si Samson.. "Nay.. Tay!! Andito si Ate ", tawag nito sa mga magulang...
Madilim na ng makarating kme sa probensya nina Anna.
Ngayon ang unang beses na makikita ko ang mga magulang ni Anna ng personal..
Si Tito Sam ang panganay sa magkakapatid..si Tito Jojo ang pangalawa at si Papa ang bunso..
Maya maya pa ay narinig ko ang paghangos ni Tito Sam at Tita Annabel
"Andyan ang ate mo?", d naniniwalang tanong ng mama ni Anna.. Nagulat pa ito ng makita ang nakangiting si Anna..
Agad na yumakap ang dalaga sa mga magulang..
"namiss ko po kayo, subra ",
"kame din anak... Namiss ka namin ",
Nakangiti akong nakatingin sa pamilya na halata ang pangungulila sa isat isa..
Nang kumalas sa pagkakayakap ay nakita kong maluha luha pang ngumiti si Tito Sam sa akin..
"Ito na ba si Ron? ", tanong ni Tito Sam sa anak..
Tumango si Anna.
"buti nman anak naisipan mong umuwe dito ", si tita Annabel..
"sabi po kse ni Papa at Mama ay imbetado daw po kayo Tay sa binyag ng bunso niLang anak ",
"nakauwe na pala ang Papa Ronnie Mo? ", tanong ng tatay ni Anna..
Tumango si Anna..
"Oh sya.. Tama na ang kwentuhan.. Kumain na muna tayo ", wika ni Tita Annabel.. "d kayo nagsabing uuwe kayo.. D tuloy ako nkapagluto ng ulam na masarap ",.
"ayus lng po yun ", wika ko..
----
Pagkatapos ng hapunan ay nagyaya si Tito Sam na uminom.
"umiinom ka ba Ron? ",tanong ni tito Sam sa akin..
Tumango ako..
Khit di pa ko nakakainom ng hard na inumin ay d ko kayang sabhin yun sa tito Sam ko..
Napangiwi pa ko ng malasahan ang mapait na alak na ibinigay sa akin ..
"Natatandaan ko pa.. Ako ang umaakyat sa puno ng sampalok ng naglilihi ang Mama mo ng pinagbubuntis ka ", kwento ni Tito Sam... "pero tingnan mo ngayon.. Mas malaki ka pa sa akin ",
Sa sinabi ni tito Sam ay d ako masaya.. D ako masayang malaman na totoong anak ako ni Mama at Papa..
"totoo po bang Anak ako ni Mama at Papa? ", pabirong tanong ko..
Tumawa si Tito Sam..
"oo nman. Bago umalis papuntang ibang bansa si Bunso ay sa amin muna tumira ang Mama mo.. Ako nga ang nahirapang maghanap ng mga gustong kainin ng Mama mo e buti nlng ng maglimang buwan na ang tyan ng Mama mo ay tumigil na ito sa paglilihi kaya nakapagpahinga na rin ako.. Nagseselos na nga ang Tita Annabel mo nun e.. Parang si Marissa na daw ang asawa ko samantalang may anak naman daw kmeng mag iisang taon na si Anna.. ", mahabang kwento nito..
"ah ganun po ba? ", pilit kong kinubli ang lungkot..
Malungkot ako sa nalaman ko. Wala na talagang pag asang magkatotoo ang hiling ko na sana ay d ako anak ng mga magulang ko ...
Inabot ko ang basong binigay ni Tito Sam at inisang lagok ko lang ang laman..
----
Lasing na ko pero inaabot ko parin ang binibigay na tagay ni tito Sam...
Tuwang tuwa ito dahil ang puLa na daw ng mukha ko..
"Ano Ron? Kaya pa? ",
"opo! ", sabi ko at nakipagtos pa ng baso..
"nakakatuwa kang bata ka.. ", natatawang sabi nito "sguro may girlfren ka na? ",
Tumango ako
"Meron na po ", sagot ko..
"nako.!! Binata na talaga ang pamangkin ko ",
"mahal na mahal ko sya Tito Sam... Kaso ----
"Tay..pinatatawag ka ni Nanay ", boses ni Anna kaya agad na tumayo ang ama at pinuntahan ang asawa..
"Ron...ano ba??mag ingat ka naman ", asik ni Anna ng lapitan ako..
Nahihilo na ko... At buti nlng duamting si Anna dahil kung hindi maaring nasabi ko kay tito Sam ang lihim namin ng anak nya..
"Sorry Anna.. ", sabi ko at ipinikit ang mga mata ko.. Dito kme nag inom ni Tito Sam sa payag na katabi lng ng bahay niLa.."dito na ko matutulog ",
"pero malamig dito ",
"ayus Lang. ", sabi ko "mahal na mahal kita", wika ko bago tuluyang nakatulog..
Kinabukasan ay masakit ang ulo ko..
"tara ..punta tayo sa niyugan.. Kain tayo ng buko ", yaya ni Tito Sam.. "maganda yun sa may hang over ",
Sumama ako kay tito Sam at sa totoo lng ay tam sya.. Ang sarap ng buko na kakakuha lbg sa puno..
Ang tamis ng sabaw at ang sarap ng buko lalo na at makapuno..
"walang ganito sa MayniLa Ron db? ", tanong ni Tito Sam sa akin "meron nga pero d kseng sarap nitong kinakain natin ",
"Opo at isa pa mahal pa ang benta ",
"dito sa amin.. Mabubuhay ka dito dahil lahat dito pwede mong hingin ",
"Oo nga po.. Simple lang dito pero Masaya ',wika ko na sinang ayunan ni Tito Sam..
----
Tanghali na ng umuwe kme ng bahay... Napasarap ang pag iikot namin Ni tito Sam sa niyugan at taniman ng amo nito..
At sa totoo lng ay aaminin ko na naging masaya ako dahil ngayon lang ako nakaramdam na parang may Tatay ako sa katauhan ni Tito Sam.. Di katulad ni Papa na palaging dyaryo ang hawak sa tuwing nsa bahay at wala man lang kmeng bonding dalawa..
Nagulat ako ng madatnan ko ang tatlong lalaki sa sala ng bahay nina Anna.
"ano pong Meron? ", bulong ko kay Tito Sam..
"baka manliligaw ng pinsan mo.. Alam mo Ron.. Dito kapag may bagong uwe na dalaga talagang nililigawan ng mga binata dito sa amin ",
Agad na hinanap ng mata ko si Anna. At nakita ko itong masayang nakikipag usap sa isang binata..
Selos ang agad na naramdaman ko... Gusto kong lapitan si Anna para ilayo sa lalaking yun pero di pwede dahil magtataka ang mga magulang nito kung gagawin ko yun..
Oo kasintahan ko ang pinsan ko pero d yun pwedeng malaman ng kahit sino..
Tumikhim ako para mapansin ako ni Anna pero di man lang sya tumingin sa gawi ko.. Inis akong pumunta ng kusina..
" Anna.. Pauwiin mo na muna ang mga bisita mo at mamayang gabi mo na sila pabalikin dahil may gagawin pa tayo ", narinig kong wika ni tito Sam kaya lihim akong napangiti..
----
Nasa hapag na kme ng magtanong si Tita Annabel..
"kelan tayo Luluwas ng Maynila? ",
"bukas "
"sa sabado "
Sabay na sagot namin ni Anna.
Agad na napatingin si Anna sa akin..
"sa sabado Pa Ron.. Nakalimutan mo? ", tanong nito..
Merkukes palang ngayon at sa linggo ang binyag ni Baby Ysa..
"bukas na tayo Aalis.. ", seryusong turan ko..
"pero ---
"para makapagpahinga pa sina Tito at Tita Annabel",putol ko sa sasabihin ni Anna..
" Oo nga nman anak.. Tama ang pinsan mo anak.", sabat ni Tito Sam..
D na umimik si Anna at ipinagpatuloy ang pagkain..
---
Umupo ako sa tabi ng nakasimangot na si Anna..
"galit ka ba sa akin dahil bukas na tayo uuwe ng Maynila at d na kayo magkakaroon ng pagkakataon naag usap ng lalaki kanina? ",
Matalim na tingin ang ipinukol ni Anna sa akin..
"kaibigan ko si Jovan.. Kababata ko sya at matalik na kaibigan.! "inis na wika nito.."masama bang makipag usap sa kanya? Ang tagal kong di nakauwe dito Ron.. "
"at namiss mo sya? ",
D umimik si Anna..
"Nagseselos ako.. Di ba pwede yun? Akala mo ba di ko napapansin na iniiwasan mo ko? ",tanong ko.
"dahil natatakot akong malaman ni Nanay at Tatay ang relasyon natin.. Nag iingat lang ako! ", mahinang wika ni Anna...
"nag iingat? Bkit ako ba hindi? Ksama ba sa pag iingat mo ang di ako kausapin? Akala ko pa nman dito magkakaroon tayo ng oras para sa isat isa pero mas inuna mo pang paglaanan ng oras mo ang mga manlilgaw mo. ", sigaw ko dito.
Selos na selos na ko at wala akong pakialam kung marinig pa ko ng mga magulang ni Anna o mga kapatid nito..
"hinaan mo ang boses mo Ron!", mahinang wika ni Anna "sorry na.. D ko nman pwedeng bastusin ang mga nanliligaw sa akin.. At isa pa di ko pwedeng sabhin sa kanila na may Boyfriend na ko dahil tiyak kong malalaman yun ni Tatay at kukulitin nila ako pagnagkataon...",
May punto si Anna.. Bakit nman kse napakahirap ng sitwasyon nimng dalawa..
"mahal na mahal lang talaga kita Anna kaya nagseselos ako.. ", sabi ko at hinawakan ang kamay nya..
"mahal na mahal din kita Ron pero kailangan nating mag ingat.. Ok? ",
Tumango ako..
Napansin kong palinga linga si Anna at nang mapansing walang tao ay agad ako nitong hinalik*n sa labi.
"wag ka ng magtampo.. Bawi ako sa sunod ", sabi nito bago tumayo..
"wag mo masyadong kausapin ang mga lalaking yun..", bilin ko pa dito. Alam ko kseng mamayang gabi ay babalik ang mga yun para manligaw sa kasintahan ko...
Kung pwede ko lng sabhin sa mga ito na ako ang kasintahan ni Anna ay ginawa ko na kso talagang hindi pwede..
Napakahirap pumasok sa isang relasyon na BAWAL.
--
Kinabukasan ay maaga kmeng nag asikaso para sa pagbabalik namin sa Maynila kasama ang tatlong kapatid ni Anna at ang mga magulang nito...
-
Itutuloy