"Lihim"
Kabanata 8
Tatayo na sana ako para kunin ang selpon ko sa kwarto ng maramdaman hinawakan ni Anna ang kamay ko..
"Ron.. Dito ka Lang ", pakiusap nito "mag usap tayo ",
Di ko makita ang mukha ni Anna dahil madilim ang kwarto...
Siguro sa lakas ng ulan sa labas ay biglang namatay nagkabrown out sa amin..
"pero di kita Makita ", wika ko.. Gusto kong mag usap kme na nakikita namin ang isa't isa..
"mas ok na yan.. Para d tayo mailang pareho ",
Kunsabagay ..mas mabuti nga sigurong mag usap kme khit na d nmin makita ang bawat isa.. Nakakailang nga nmang mag usap kmeng dalawa tungkol sa nararamdaman namin lalo na at magpinsan kme..
Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin ni Anna.. Nanatiling hawak nya ang kamay ko..
"Pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong mali.. Pero d ko talaga kayang baliwalain e.. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ksama si Suzet.. Sinubukan kong mahalin si Ar ar para lang mabaling ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo pero bkit ganun... D pa rin ako masaya? ", umiiyak na wika ni Anna.. " Ron... Abn*rmal ba ko dahil nagkakagusto ako sayo khit na alam kong magpinsan tayo.? Mal*ndi ba ako dahil sayo ako nagkakagusto? Kase d ko na talaga alam kung anong pagpipigil pa ang gagawin ko para lang d kita mahalin.. ",
Napalunok ako dahil sa mga narinig ko.. Gusto kong sabhin sa kanya na mahal ko rin sya.. Na pareho kme ng nararamdaman pero baka mas lalo lang maging komplekado ang lahat...
"bakit kse sayo pa..? Bakit kse ikaw pa Ron? Sana d nlng tayo magpinsan para di tayo nahihirapan ng ganito... ",
"Anna.. lasing ka Lang.. ", sabi ko..
Pero sunod sunod ang pag iling ni Anna.
"Lasing man ako o hindi.. Ikaw parin ang hinahanap ko sa tuwing nagigising ako sa umaga..",at tumawa ito ng mahina " di ko na alam bal*w na ata ako ",
"pano nasabing mahal mo ko?", tanong ko ..
Gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko..
"siguro dahil ang bilis ng t***k ng puso ko sa tuwing nakikita kita Ron ", sabi nya at inilipat nya ang kamay ko sa kanang dibdib nya.. "nararamdaman mo ba Ron? Ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon ",
"pero MaLi to.. Magpinsan tayo ",giit ko..
Dahilan para bitawan ni Anna ang kamay ko
"Oo.. Tama ka.. At naiinis ako dahil Doon... Ayaw ko sa nararamdaman ko para sayo, Ron dahil maling mali.. ",
Naramdaman kong lumayo si Anna sa akin..
At biglang nagkaroon na ng iLaw..
Agad kong hinanap si Anna at nakita ko syang nakahiga na sa kama at nakatalikod sa akin..
"Anna.. ",tawag ko sa kanya..
Alam kong umiiyak sya dahil sa pagyogyog ng balikat nya.
"Kalimutan mo na ang sinabi ko... Alam kong di tayo pareho ng nararamdaman..", humihikbing wika nito..
Sa puntong to.. Ayaw ko na ring dayain ang sarili ko.. Mahal ko si Anna..
"Mahal kita ", pag amin ko.. "mahal din kita Anna ",.
Sa sinabi ko ay agad na lumingon si Anna sa akin...
"Ron.... ",
"alam kong mali pero mahal kita Anna.. ", sabi ko dito at lumapit sa kanya para yakapin sya..
Mahigpit kong niyakap si Anna.. Patuloy parin to sa pag iyak..
"Ron... Please.. Wag mo sabhin yan.. Alam kong naaawa ka lang sa ak---
Kumalas ako ng pagkakayakap at hinalik*n ko sya sa l*bi..
Nang tumugon si Anna ay yun na ang simula ng aming lihim na relasyon..
"Ron.... ", sambit ni Anna sa pangalan ko...
"i Love you ", bulong ko sa kanya..
Nagulat ako ng may kumatok sa pinto..
"Anna... Anjan ka ba? ", boses ni Mama sa labas ng pinto..
Nagkatinginan kme ni Anna.. Bigla kmeng kinabahan pareho..
"O-opo Mama ", nauutal na sagot ni Anna..
Tumayo si Anna para pagbuksan ng pinto si Mama..
"umuwe ka pla? Anong oras ka dumating? ", sunod sunod na tanong ni Mama kay Anna.
"kanina pa po Ma..bago magbrown out ,pasok po kayo ", narinig kong wika ni Anna..
Abot abot langit ang kaba ko.. Ano kayang sasabhun ni mama pagnakita nya ko dito sa loob ng kwarto ng pinsan ko...
Pero nakahinga ako ng maluwag ng tumanggi si Mama..
"wag na.. Inaantok pa ko e. Matulog ka na at sisilipin ko lng si Ron.. ", sa sinabi ni Mama ay kinabahan na nman ako...
"wag na po Ma... Kakatulog lng nya.. Sya po kse nagbukas ng pinto sa akin kanina.. ",
"ah ganun ba? Sge kung ganun matutulog na ko... Bukas kayo muna magbantay ni Ron kay Baby Ysa at ako na muna sa hardware.. ",
"sge po Mama.. Walang problema ', sabi ni Anna bago isara ang pinto..
Agad akong tumayo pero pinigilan ako ni Anna..
"mamaya ka na lumabas.. Pumunta pa si Mama sa kusina baka makita ka ", sabi niya.. "Ron.. Yung kanina ---
"ano kalimutan na nman natin? ", tanong ko..
Tumango ito...
"pasensya ka na sa mga nasabi ko... Kali----
"hindi.. Anna.. Para sa akin d ko kayang kalimutan ang pinag usapan natin kanina ",
"pero Ron... ----
"wla nman tayong ginagawang mali.. Nagmamahalan lang tayo...",
"pero maling magkaroon ng relasyon ang magkadugo ",
"kung totoong magkadugo tayo bkit pareho tayo ng nararamdaman? ", tanong ko.
Natigilan si Anna nang marinig ang sinabi ko..
"Anna.. Hanggat mahal natin ang isat isa.. Wlang mali.. ", wika ko.."hayaan na muna natin ang mga sarili natin na magmahalan.. Malay mo balang araw.. Magising nalang tayo na d na natin mahal ang isat isa ",wika ko..
D ko na alam ang mga sinasabi ko. Alam ko sa sarili kong mali pero d yun kayang tanggapin ng puso ko... Ang gusto ko lng ngayon ay eenjoy namin pareho ni Anna ang nararamdaman namin..
"sge.. Pero may pakiusap sana ako sayo Ron ",
Tumingin ako sa knya at inaantay ang sasabihin nya...
"walang s*x sa pagitan nating dalawa ", wika nya..
Ngumiti ako at tumango..
"pangako ",
Katahimikan ang muling namayani sa pagitan namin..
"pano si Suzet? ", tanong ni Anna..
"makikipaghiwa----
"wag.! D mo kailangan gawin yun Ron.. ",
"pero ayaw kong lukuhin si Suzet.. ", sabi ko at mahinang pinisil ang kamay nya "at ayaw kitang masaktan ",
Tumawa si Anna..
"Mahal na mahal kita Ron... ",
" pano si Ar ar? ", tanong ko..
Nakaramdam ako bigla ng konsensya..akala ko pa nman magagawa kong pag ayusin ang dalawa pero heto at kme tuloy ng pinsan ko ang nagkamabutihan...
"d ko sya mahal.. Dahil sa umpisa paLang ikaw na ang mahal ko Ron ", at unti unting inilapit ni Anna sa akin ang mukha nya..
Pagkatapos akong halik*n ni Anna ay lumipat na ko sa kwarto ko..
Bago matulog ay nagkachat pa kmeng dalawa..
Natulog akong may ngiti sa labi..
----
Kinabukasan ay kme ni Anna ang nagbantay kay Baby Ysa...
Masaya masaya kming naghaharut*n ni Anna habang nagpapaligo kay Baby Ysa..
"Ron.. Ano ba! Basa na ko... ", inis na turan nya sa akin...
"maligo na tayo.. Sabay na tayo kay Baby! ", biro ko..
"Ron.. Wag kang ganyan.! ",saway ni Anna sa akin..
"asus.. Kung di ko pa alam.. Db sinasadya mo pa nga dating wag magsuot ng b -----
"sge ituloy mo... ", nakasimangot na banta nito..
Tumawa lang ako at hinawakan ang kamay nya ...
"Ron.. Wag nlng kaya natin ----
"wala ng bawian Anna. ",
"pero pano pagnalaman ng mga magulang natin? Nakakahiya!!! ",
"ngayon ka pa ba mahihiya eh may relas-----
"pero mali to ",
Kunsabagay.. Mali talaga. Mali sa mata ng tao.. Lalong lao na sa mata ng Diyos..
"saka nalang natin itigiL kapag kaya na natin.. Sa ngayon. Hayaan na muna natin ang mga sarili natin..at isa pa. Wala nman talaga tayong ginagawang mali.. ",wika ko..
Kinuha na ni Anna ang tuwalya dahil tapos na namin paliguan si Ysa..
At d na pinansin ang sinabi ko..
----
"Kausapin mo nman si Ar ar.. ",
"nilinaw ko na sa kanya na di ko sya mahal Ron.. ", naiinis na wika ni Anna.
"pero.. ---
"Ok. Sige. Kakausapin ko sya ", wika ni Anna para tumigil na ko sa pangungulit.
----
"kamusta? ", tanong ko kay Ar ar..
Andito kme ngayon sa basketballcourt at nagkayayaang maglaro..
"ok na. Nagkausap na kme ni Anna ",nakangiting sagot nito.
"nagkaayos na kayo? ", kinakbahang tanong ko...
Di ko alam pero parang d ko matatanggap kung nagkabalikan sila ng pinsan ko..
"Oo.. Nag usap na kme at ok na kme.. Tanggap ko na na di na ko ang mahal nya dahil may iba na syang mahal. Ayaw ko nman ipilit ang sarili ko sa kanya ",
Sa narinig ko ay lihim akong napangiti..masaya ako kahit na masakit yun sa kaibigan ko...
"tara na laro na tayo ", sabi ni Ar ar at naglakad na papunta sa gitna ng court.
Nahihiya ako kay Ar ar pero wala na kong magagawa pa.. Mahal ko na talaga si Anna..
----
Mabilis na lumipas ang mga araw..
Patuloy ang tagong relasyon namin ng pinsan ko...
Kapag kame lng ang naiiwan sa bahay ay hinahayaan namin ang mga sarili namin na ipakita ang totoong nararamdaman namin para sa isat isa...
Naghahawak kamay kme
Naglalambing*n ..
At Naghahal*kan..
Katulad ng ibang magkarelasyon..
At sa totoo lng ay natatakot ako dahil habang tumatagal ay mas lalo kong minahal ang pinsan kong si Anna..
"Ron... ", impit na sambit ni Anna sa pangalan ko ng bumababa sa d*bdib nya ang halik ko..
Narinig ko ang pagsinghap ni Anna dahil sa ginawa ko..
"Ron... Wag.. Nangako ka sa akin na walang mamamagitan sa atin... ",
Sa sinabi ni Anna ay bigla akong natauhan..Nangako ako sa kanyang walang ganun.. At sa totoo lng nahihirapan na kong magpigil..
Iba kse pag Si Anna na ang kasama ko.. Masyado akong nadadala sa nararamdaman ko.
"ok. ", sabi ko at huminto na ko sa paghal*k sa kanya... "Sorry .",
"naiintindihan ko ", wika ni Anna at inayos ang pang itaas nyang damit.. " tara na kumain na tayo total tulog pa nman si Baby Ysa.. ", sabi nito at tumayo na..
Tahimik akong sumunod sa kanya..
----
" Ma? Magpinsan po ba talaga kme ni Anna? ", tanong ko kay Mama..
Kumakain kme ngayon sa bahay at wala dito si Anna.. Sya muna ang bantay sa hardware..
"oo nman.. ", sagot ni Mama..
"baka Ampon si Anna ",
Umiling si Mama..
"Anak sya ng Tito Sam at Tita Annabel mo ", sabi ni Mama bago uminom ng tubig.. "bat mo nman naitanong? ",
"wala lang.. Ang pilya kse ni Anna ", pagsisinungaling ko.. "eh ako po..? Anak nyo po ba talaga ako? ", tanong ko kay Mama at nagulat ako ng bigla syang naubo..
Agad akong lumapit sa kanya ...
"Ok lang po kayo? ", tanong ko..
"Ronnel Delacruz ,ilang beses mo ng tinanong sa akin yan at alam mo ang sagot anak... ", malungkot na wika ni Mama. "anak ka namin ng Papa mo ",
"Sorry Ma.. Nagbibiro lng ako ",
"Indi yan magandang biro. ", seryusong wika ni Mama bago lisanin ang hapag..
Napabuntong hinhinga na lamang ako at ipagpatuloy ang pagkain..
Malungkot akong totoong magpinsan nga talaga kme ni Anna..
Nang babaeng Mahal na mahal ko
---
Itutuloy ❤