"Lihim" Kabanata 34 "Anong sinabi mo Marissa? Ulitin mo! ", sigaw ni Papa at mabilis na lumapit kay Mama.. Katulad ng ginawa ko kanina kay Mama ay mahigpit din syang hinawakan ni Papa sa dalawang braso at pilit na pinatayo ..pero si Mama ay nanatili Lang nakayuko habang umiiyak at tila walang balak na sabhin kay Papa ang totoo.. "Marissa!!! ", gigiL na bigkas ni Papa sa pangalan nya..! "Ano pong nangyayare? ", tanong ni Ysa na kauuwe lang ... Halata ang pagtataka sa mukha ni Ysa habang palipat lipat ng tingin kay Mama at Papa.. "Anak.. ", wika ni Mama habang nakatingin sa nagtatakang si Ysa.. "Pumasok ka sa kwarto mo! ", utos ni Papa.. Tumingin si Ysa sa akin na tila nagtatanong pero khit ako ay d ko rin alam ang mga nangyayare... Hindi ako handa sa mga malalaman ko pa ngayo

