"Lihim"
Kabanata 15
Mabilis na lumipas ang dalawang taon..
Third year Na kmeng pareho ni Anna...
"RonneL... Pansinin mo nman ako.. ", wika ng isang babae pagkapasok namin ni Anna ng Unibersidad..
Tumingin ako kay Anna...
"Ron.. Mauna na ko ", wika nya bago ko iwan at nauna ng maglakad..
Hahabulin ko sana sya pero nagulat ako ng may mga kamay na pumulupot sa dalawang braso ko.
"ang sarap nman ng muscle mo Delacruz ", sabi ng isang babae habang pisil pisil ang braso ko...
"pasensya na kayo hah? May importante lng ang akong gagawin ", sabi ko at pilit tinatanggal ang mga nakapulupot na kamay sa braso ko..
"alam mo Delacruz... Kung d lang kayo magpinsan ni Anna.. Iisipin kong may relasyon kayo ", sabi ng babaeng nakakapit sa kanang braso ko.
Natigilan ako at kabadong nakatingin dito...
"pano mo nasabi?",tanong ko..
"sabi mo kse may gf ka na.. Pero wala naman kmeng nakikitang kasama mong iba kundi ang pinsan mo madalas na kumain sa labas.. Minsan nga nakikita pa namin tayong magksamang manood ng sine ee. ", sagot nito..
"alam nyo binibigyan nyo lng ng ibang kahulugan ang mga nakikkita nyo ", seryusong turan ko sa mga ito bago tanggalin ang mga kamay niLang nakakapit sa braso ko..
----
Nasa harap ang professor ko at nagsasalita pero wala doon ang atensyon ko kundi sa sinabi ng mga babae kanina..
Marahil ay nakakahalata na siLa at baka mamaya ay malaman pa ito ng mga magulang ko...
"Ron... May boyfriend na ba yung pinsan mo? ", tanong ni Jose..
Wala sa sarili akong tumango..
"sayang nman.. Type ko pa namn sya ", narinig kong wika ni Jose sa tabi ko.. "sino kaya ang maswerteng lalaking nakabihag sa puso nya.? ",
"ako! ", agad na sagot ko..
Nakita kong nabigla si Jose at nabigla rin ako..
"A-ako.. Di ko alam kung sino ", agad na wika ko.
"aw kinabahan nman ako,akala ko kayo ng pinsan mo ang magkasintahan... Nakakadiri yun Ron.. Kse magkadugo kayo. ",
Pero para sa akin ay d nakakadiri ang relasyon nmin ni Anna.. May parte sa puso ko na nagsasabing d kme magkadugo ni Anna..
---
Saluong ang kilay kong tinanggap ang kamay ni Jovan... Magksama siLa ni Anna at nalaman kong nagtransfer sya sa Unibersidad na pinapasukan namin..
"kilala mo na sya db Jovan?sya si Ron... Pinsan ko ", pakilala sa akin ni Anna sa kaibigan nyang halata nmang may pagtingin sa kanya... D ko gusto ang pagsabi ni Anna na pinsan nya ko pero wala akong magagawa.. May relasyon nga kme pero di pwedeng sabhin sa madla at talagang malaking kahihiyan sa pamilya namin.. "Ron.. Si Jovan. Kaibigan ko at klasmeyt ko na rin ", nakangiting turan ni Anna..
D ako nagsalita.. At nakipagtagisan ng tingin kay Jovan..
" may galit ata ang pinsan mo Anna. Ayaw nya ata akong nandito sa Unibersidad na pina----
"nako... Wag kang ganyan Jov.. Mabait tong pinsan ko",sabi nito sabay kawit ng kamay sa braso ko.. Kinilig ako sa ginawa ni Anna kaya nawala agad ang inis na naramdaman ko.. "talagang seryuso lang to minsan... ", sabi pa nito at naramdaman ko pa ang paghigpit ng hawak nya sa braso ko..
Pilit akong ngumiti kay Jovan na ngayon ay nakatingin sa pinsan ko...
"pagod lang ako Jovan.. Kaya wala ako sa mood ", sabi ko na lamang bago hilain si Anna papunta sa sasakyan at iniwan si Jovan...
-----
"Bat ba kse dito pa sya pumasok sa Unibersidad na pinapasukan natin?", maktol na tanong ko kay Anna..
Nsa loob kme ng sasakyan at pauwe na...
"Naikwento ko kse na maganda ang Unibersidad ntin kaya siguro naengganyo syang lumipat",
"nakakainis ",
"Ron.. Wag kang ganyan.. Kaibigan ko lang si Jovan at alam mo nmang ikaw ang mahal ko ", wika ni Anna at ipinatong pa ang ulo nya sa balikat ko..
"baka kse mabaling ang pagtingin mo sa kanya ngayong palagi na kayong magkasama ",
Iisipin ko palang na iiwan ako ni Anna ay parang d ko na kaya...
----
Dumalaw ako sa isa pang bahay namin kung saan naroon ang Mama at Papa ko pati na ang kapatid kong si Ysa na ngayon ay apat na taong guLang..
Naglambing kse si Mama na namimiss nya na ko kaya dinalaw ko sya khit na ayaw kong makita si Papa dahil pinagalitan ako nito nung nakaraang araw dahil sa nagasgasan ang paborito nyang kotse na hiniram ko...
"akala ko talaga d kayo pupunta e.. ", bungad ni Mama sa amin ni Anna nang pagbuksan nya kme ng pinto..
"matitiis po ba namin kayo Mama? ", wika ni Anna At agad na niyakap si Mama.. "si Ysa po?",
"nsa kwarto ..naglalaro ", sagot ni Mama "ikaw nman Ronnel... Masyado ka na atang busy sa mga girlfriend mo kaya d mo na ko naalalang dalawin dito khit once a week ", baling nito sa akin na halata ang pagtatampo...
Pagkatapos yakapin ni Anna si Mama ay ako nman ang yumakap dito ..
"Mama nman e. Alam mo nmang isa lang ang syota ko e ",
"d ko alam ", irap na wika ni Mama.. "sino ba yang girlfriend na sinasabi mo? D ko pa nman sya nakikilala ",
Tumingin ako kay Anna na halatang kabado..
"eh db wala nman na kayo ni Suzet? ", tanong pa ni Mama at pumunta ng kusina "ikaw ba Anna nakita mo na ba ang girlfriend nitong pinsan mo? ",
Tumingin si Anna sa akin. Dahil wala si Mama ay hinawakan ko ang kamay nya at mahinang pinisil.Binitawan ko rin agad pagkatapos..
"di pa po Mama. ", pagsisinguling ni Anna. "pero madami pong nagkakagusto kay Ron.. Alam nyo na po sikat po sya sa school dahil po napakagaling nyang basketbolista. ", wika ni Anna at sumunod sa kusina para tulungan si Mama.
"Si Papa? ", tanong ko ng mapansing wla si Papa..
"pumunta sa tito Jojo mo... Balak kse naming magtayo ng isa pang branch doon.. ", sagot ni Mama bago ilapag ang bitbit na tray na may Lamang meryenda..
"ah ganun po ba?kmusta nman po ang negosyo Ma? ", tanong ko ..
"ayus namn... Ilang taon nalng at makakatulong ka na rin sa amin ng Papa mo.. Balak kse naming magpatayo ng Hardware sa loob ng MaLl ",
"maganda nga po yung naisip nyo Mama ", sabat ni Anna..
"eh ikaw nman Anna.. Anong pagbalak mo pagkagradute mo? ",
"uuwe po ko sa amin at magpapatayo ng farm..may kaibigan po kse akong may malawak na lupain at balak naming dalawa na maging partner sa Farm na binabalak ko ", sagot ni Anna..
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan niLa at nasaktan ako na yun pala ang balak ni Anna.. Uuwe sya sa kanila at di ako ksama sa mga gagawin nyamg desisyon kundi ang kaibigan nyang si Jovan... Kaya agad akong nakaramdam ng selos..
"sus. Kaibigan lang ba talaga? Baka nagpaplano na kayo para sa future nyo Anna ", biro ni Mama...
Tumingin si Anna sa akin bago magsalita
"d po Mama. Kaibigan ko lng po talaga Si Jovan ", sagot nito ..
Tumayo na ko dahil d ko na kaya..
"san ka pupunta anak? ", tanong ni Mama...
"kay Ysa ", sagot ko at iniwan na siLa..
----
"Ron anak...ikaw na muna magbantay sa kapatid mo dahil balak kong magshopping ngayon kasama si Anna ", wika ni Mama..
"sge po.. ", sagot ko.
"oh sya.. Magbibihis lng ako ", sabi nito at tumayo na..
Pag alis ni Mama ay pumunta ako ng kusina dhil naroon si Anna.. Naghuhugas ng kinainan namin...
Agad ko syang pinihit paharap sa akin ay sini*l ng halik..
"Ron...baka may makakita sa atin ", saway ni Anna sa akin at pilit akong tinutulak pero d ako nagpatinag hanggang sa naramdaman ko nlang ang pagtugon nya ..
"uuwe ka sa inyo? ", tanong ko pagkatapos "after graduation? ",
Tumango si Anna..
"pano na tayo? ", bulong ko dito..
"Ron.. Alam naman nating pareho na d pwede tong relasyon natin db? ",
"pero handa kitang ipaglaban basta wag kang bibitaw ", sabi ko at hinalik*n sya ulit sa labi..
"bkit kayo kiss? ", tanong ni Ysa sa likod ko. Kaya agad akong naitulak ni Anna..
Nagmamadali itong lumapit kay Ysa..
"Nakita ko kayo -----
"gusto mo ba ng chocolate?", tanong ni Anna..
Kaya agad na nakalimutan ni Ysa ang nakita nya at nakangiting tumango..
"opo Ate Anna ",
"mamaya pag uwe ni Ate Anna. May pasalubong kang Chocolate basta secret lng natin yung nakita mo ha?", kabadong wika ni Anna..
Tumango si Ysa..
"Anna.. Ibigay mo na yan kay Ron si Ysa at tayo na ", wika ni Mama na kakababa lng ng hagdan
Tumango si Anna at naglakad na palapit kay Mama...
Ni hindi man Lang to lumingon sa akin... Alam kong kinabahan din sya dahil nakita kme ni Ysa at baka dahil doon ay malaman pa ng magulang namin ang lihim naming relasyon...
Alam kong inis sya sa akin.. Mamaya pag uwe namin sa bahay ay saka nalng ako hihingi ng tawad.
----
"Anak.. Nakita namin si Suzet.. Nakauwe na pala sya galing ibang bansa ", wika ni Mama at inilagay ang mga bitbit nitong paperbags sa mesa na nsa sala...
"si Anna po?", sa halip ay tanong ko..
"nagpaalam syang pupunta sya sa ate nya sa Cavite kaya pinayagan ko na. ",
"ah ganun po ba?", nalungkot ako sa nalaman.. Akala ko ay sabay kameng uuwe sa bahay mamaya..
"alam..mo anak... Lalong gumanda si Suzet ngayon. Baka pag nakita mo sya ay mainlove ka ulit sa kanya ", biro ni Mama..
"Ma nman e. Alam nyo namang may girlfriend na ko e ", wika ko kay Mama.
"alam mo nmang boto ako kay Suzet anak e ", sabi nya..
Pero wala sa sinasabi ni Mama ang isip ko... Kundi baka nagkausap si Anna at Suzet at kung ano ano ang sinabi Ni Suzet Kay Anna...
Tatanungin ko nlng si Anna..
-----
"nagkita ba kayo ni Suzet? ", tanong ko kay Anna
"Oo ",
"may sinabi ba sya sayo? ",
Pero umiling si Anna kaya nakahinga ako ng maluwag..
"bakit Ron.. May ayaw ka bang malaman ko? ", tanong ni Anna kay agad akong umiling.
"wala nman ", sabi ko sabay iwas ng tingin..
"Ok.. ", sagot ni Anna at itinuon ang paningin sa labas ng bintana..
-----
"Ron", tawag ni Suzet sa akin..
Ilang buwan na rin mula ng sabhin ni Mama na nakauwe na si Suzet dito sa Pilipinas ...
"anong ginagawa mo dito? ", tanong ko sa kanya.
"wala lang ...namiss lang kita kaya dinalaw kita dito.. Sabi kse ng Mama mo ay dito daw kita puntahan ",
Nasa hardware ako ngayon at wala ako sa mood makipag usap lalo na at nag away kme ni Anna kagabi...
Napansin ko kseng iniiwasan nya ko..
Madalas na d na sya sumasabay sa akin sa pag uwe..
At pagdating sa bahay minsan ay nauuna syang umuwe sa akin minsan naman ay nalaleyt sya ng uwe.. Kapag tinatanong ko nman sya ay palagi siyang may ginagawang project kasama si Jovan na kaibigan nya..
Pero kagabi ay nakita ko syang matamis na nakikipag ngitian sa kaibigan nya bago to pumasok ng bahay..
Tinanong ko sya pero sya pa ang agad na nagalit na sana ay ako ang dpat na magalit dahil sa nakita ko..
"ano Ron? Iniiwasan ka na ba ng Pinsan mo? ", tanong ni Suzet sa akin... Kaya agad akong napatingin sa kanya na ngayon ay katabi ko na sa upuan.
"anong sinabi mo sa kanya? ",tanong ko.
"syempre.. Pinamukha ko lang nman sa kanya na mali ang relasyon na meron kayo. ", sagot nito "buti nga sa kanya ko sinabi at hindi sa Mama mo ",
Nagalit ako sa nalaman ko.. Si Suzet ang dahilan ng pag iwas ni Anna sa akin..
Hinawakan ko si Suzet sa braso sa galit ko sa kanya..
"pwede ba.. Pabayaan mo nalng ----
"pabayaan? Saan? Pabayaan sa bab*y nyong relasyon? D ka ba nandidiri Ron... Pinsan mo ang ikinak*ma mo !sarili mong kadugo ang hinahalik*n mo.. ", wika nitong nakipagtitigan pa sa mga mata ko "sya na ang kinausap ko total sya ang mas matanda sa inyong dalawa ng pinsan mong karelasyon mo! ", madiing wika nito bago hablotin ang braso nyang hawak ko..
"wala kang karapatang pakialaman ng ang buhay ko Suzet! Pabayaan mo nlng kme ni Anna! ",
"Suzet!! Andito ka na pla ", boses ni Mama.
Agad na tumayo si Suzet at nakipagbeso beso pa kay Mama..
"opo tita pero paalis narin po ako ", sabi ni Suzet..
"mamaya ka na umalis Suzet ", pigil ni Mama pero d na nagpapigil pa si Anna.
"pasensya na Tita.. Pero kailangan ko ng umalis.. Makikipagkita pa ko sa PINSAN ko ", idiniin ang salitang pinsan at kumindat pa sa akin bago tuluyang umalis.
Nang umalis si Anna ay kami nalng ni Mama ang naiwan ...
"Ma.. Anak nyo po ba talaga ako? ", tanong ko kay Mama..
Umupo si Mama sa tabi ko.. At tinapik ang balikat ko.
"Oo nman anak.. ", sagot ni Mama sa tanong ko "anak... Ang mali ay mali kaya sana mas piliin mo ang tama! ", wika ni Mama na masyadong matalinghaga para sa akin..
Tumango na lamang ako kahit na subrang lungkot ko...
----
Itutuloy ❤