Cyleen's POV "So, ano gets?" tanong ni Gian matapos niyang ituro sa akin ang nilesson nila kanina sa Math. Tumango naman ako. Actually ang galing niya magturo. Mas magaling pa yata sa akin ito. Hahaha! Namamangha lang ako dahil may talino din pala'ng tinatago ito. "Why are you looking at me like that?" taas kilay niyang tanong sa akin. "You know what? May hidden intelligence ka pala. Ngayon ko lang nalaman. Nagtataka tuloy ako paanong naibabagsak mo pa ang mga subjects kung kaya mo naman palang ipasa. You don't need a tutor na nga eh." sabi ko na nakapalumbaba. "I just don't feel like it." simple niyang sagot. Ako naman ang nagtaas kilay. "Why? Ayaw mo bang matuwa ang Dad mo sa iyo." tanong ko. Seryoso naman siyang napatingin sa akin. "Kahit na mahonor pa ako. He will never be proud

