2: Kick Out

1897 Words
Louise's POV "So, girls? Care to explain what happened?" tanong nung guidance counselor namin. Napairap ako. I hate her face. "Miss, sila ang nagsimula! Sinabunutan niya ako! Kaya lumaban lang po kami." sabi ni Claire sabay nagpaawa effect. Yeah, a typical b***h on a teleserye. "Dahil tinawag mong stupida at tatanga-tanga ang kaibigan ko!" sabi ni Maddie. "What? Hindi ko sinabi iyan ha?! Miss gumagawa sila ng story! Don't believe them!" "Hoy! Sinungaling ka! Ikaw ang nagsimulang babae ka! Ikaw ang gumagawa ng story hindi kami! Miss! She's lying. Don't believe her!" sabat ko. "No, Miss! Believe us! We're not lying!" sabat naman nung isa pang alipores ni Claire na mukha namang kokak. "Girls! Girls! Ano ba?! Hindi natin maaayos ang gulong ito kung puro sigawan at sagutan lang ang mangyayari." awat ng counselor. "Miss ganito po kasi ang nangyari, si Andy po kasi nakakita ng piso. So, pinulot niya po iyon. Eh sakto naman pong nasa likod ni Andy si Claire na busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Hindi niya napansin si Andy kaya iyon parehas silang natumba sa sahig. Nagsorry naman po si Andy pero tinawag niya pong stupida, b***h at tatanga-tanga si Andy. Kaya pinagtanggol lang po ni Maddie." paliwanag ni Leen. Napatango-tango naman ang guidance counselor namin. "So, ang pagtatanggol ba na sinasabi niyo ay ang pagsisimula ng gulo against them?" tanong ng guidance counselor namin. "Yes, Miss but--" mag-eexplain pa sana si Leen nang sumabat si Claire. "See? Inamin din nila Miss! Sila ang nagsimula ng gulo!" "Because you insulted, Andy!" sigaw ni Maddie at padabog na tumayo. Padabog din namang tumayo si Claire. "Dinumihan niya ang uniform ko!" sigaw ni Claire. "Simpleng pagpag lang naman gagawin mo diyan ah? Bakit kailangan mo pa siyang insultuhin at itulak?!" sigaw ni Maddie pabalik. Tumayo na din ako at sumabat. "Saka haler, you deserve it anyway. Cheap naman yang uniform mo ano pang kinakagalit mo?" "Girls! Stop! Okay? Stop!" pagpipigil ng guidance counselor namin. Nag-irapan na lang si Maddie at Claire saka umupo na. Sinamaan akong tingin ng mga alipores ni Claire. I did the same. "Since you and your group started it Miss Dimaculangan kayo ang makakatanggap ng punishment." sabi nung guidance counselor. Nanlaki ang mata ko. I can't believe this dinosaur. She believed Claire's nonsense? "What?! But Miss hindi kami ang nagsimula ng gulo!" sagot ni Maddie. "Oo nga, Miss! Hindi pa ba sapat ang explanation ko? Hindi po ba malinaw na sila ang nagsimula at hindi kami?" katwiran ni Leen. "Enough na ang explanation niyo Miss Alcantara. At malinaw na malinaw sa akin na kayo ang nagsimula ng gulo. Kaya nga kayo ang makakatanggap ng punishment." "But, Miss--" "No, buts. Second offense niyo na ito Miss Alcantara. Kung na-detention kayo nung first offense, ngayon naman ay kailangan niyong linisin ang girls restroom." And yep. Nagkaroon na kaming apat ng first offense. Nagvandalism kami sa girl's restroom. Well, actually ako talaga nagsusulat doon sa salamin ng lipstick. Nakita lang ako ng malditang Claire na iyon tapos sinumbong ako. Syempre, knowing Maddie. She'll start the fight. Lalo na pag kami mga kaibigan niya ang nadehado. "What?!" sabay na sigaw naming apat. This dinosaur sarap ingudngod sa desk niya. Me? A Monteclara? Will clean a restroom? "You've heard me, girls. You'll clean the girls restroom as a punishment to this misbehaviour. At kapag umabot pa kayo ng third offense ay wala na akong choice kungdi i-kick out kayo sa school na ito. Understand?" "Yes, Miss." labag sa loob naming sagot. "Okay, ano pang hinihintay niyo?" sabi nung guidance counselor namin kaya nga tumayo na kami at nagmartsa na palabas. Nakita ko pa ngang napangiti sila Claire eh. Tss. Bwisit. _ Kasalukuyan kaming naglilinis ng banyo ngayon. Si Maddie na nagbbrush ng sahig, si Leen na naglilinis ng toilet, si Andy na nagkukuskos ng pader at ako na naglilinis ng sink. Toka-toka kami ng gawain para madali na kaming makatapos. Ipinunas ko naman ang tumatagaktak kong pawis sa may manggas ng damit ko. Naka-rubber gloves kasi ako at may hawak na brush. "Ugh! Nakakadiri talaga! Sukat paglinisin tayo ng napakabahong CR na ito?! Eh trabaho ito ng mga janitors ah?! Para saan pa yung binabayad nating tuition kung hindi nila ginagamit ng ayos!" reklamo ko sabay padabog na binitawan ang brush. "Palibhasa kasi, prinsesa ang turing sayo doon sa inyo! Nako. Sure akong hindi ka pa nakakahawak doon ng walis. Tss." sabi ni Maddie. "Yep, hindi naman talaga! Coz we have maids to do things like this. Like duh? Ano pang silbi ng maids kung hindi naman sila nagtatrabaho? Ano yun pinapasweldo sila ni Dad sa wala?" sabi ko. "Alam mo? Ewan ko sayo. Ang dami mong arte eh. Bakit hindi ka na lang tumulong maglinis diyan ng matapos na ito?" sagot ni Maddie. Inirapan ko na lang siya at kinuha na lang ulit yug brush. Labag sa loob akong nagkuskos ulit ng sink. "Guys, sorry. Nang dahil sa akin napaaway pa tuloy kayo. Nang dahil sa akin naparusahan pa kayo. Sorry talaga." sabi ni Andy. "Wala ka namang kasalanan Andy." sabi ni Leen. "Oo nga. Don't blame yourself. I know this punishment is really really--Ugh! Eww! Pero ayos lang. Tama lang naman ang ginawa ni Maddie sa kanila eh. They deserve it." sabi ko at nginitian siya. "Kung meron mang may kasalanan dito si Claire iyon at yung mga lintek niyang kaibigan dahil masyado silang careless. At hindi ikaw Andy. Kaya kung ano man ang sinasapit natin ngayon ay hindi mo kasalanan okay?" sabi ni Maddie. Napangiti naman si Andy at tumango na lang. "Salamat sa inyo guys." sabi ni Andy. "Okay, tama na drama ha? Tapusin na natin ito ng makaalis na tayo." sabi ni Maddie kaya nga ipinagpatuloy na lang namin ang paglilinis. _ Nang matapos kaming maglinis ay sabay-sabay kaming napabuntong hininga at pinagmasdan ang malinis na banyo. "Phew! Sa wakas natapos din." sabi ni Leen. "Grabe nagutom ako dun ah?" sabi naman ni Andy. "Gurl? Kailan ka pa ba hindi ginutom?" sabi ko. Napa pout naman si Andy. "Ngayong tapos na tayo, baka pwede na tayong umuwi? Lagkit na lagkit na ako sa sarili ko eh. At gustong-gusto ko ng humiga sa kama ko upang makapagpahinga. Pagod na pagod na ako kakakuskos ng lintek na CR na ito." reklamo ni Maddie. "Hmm. I like your idea. Diring-diri na rin ako sa sarili ko. I want to go home! Nang makapagbabad na ako sa bathtub ko." sabi ko. Kaya nga nagpasya na kaming lumabas ng CR at umuwi. Hay! I miss my bathtub na agad. I can't wait to go home. Kaso palabas pa lang sana kami ng CR nang pumasok ang grupo nila Claire. Ugh! Now, what? Magsisimula na naman sila ng gulo? Hampasin ko kaya ng bathtub ito? Kakainis eh. "Oh. Ang galing! Tapos niyo na palang linisin itong CR huh? Hmm." nilibot ni Claire ang tingin niya sa buong CR. "Hmm. Squeaky clean huh? Goodjob. Pwede na kayong janitress." sabi niya sabay tumawa sila ng mga alipores niya. Napatingin naman ako sa hawak na bottled juice ni Claire. Wait? Mukhang alam ko na ang mangyayari ah? Like I said. Typical b***h. "Ano bang kailangan niyo ha? Hindi pa ba kayo masaya na kayo ang kinampihan at hindi kami?" sabi ni Leen. Leen is the calm one in our group. Hangga't kaya niyang magtimpi, magtitimpi siya. "Pwede ba? Umalis nga kayo diyan sa daraanan namin. Wag kayong humarang kung ayaw niyong masampulan ulit." banta ni Maddie. Well, si Maddie. Kabaligtaran ni Leen. She's not familiar with the word 'control'. "Oh. Grabe naman masyado kang mainit eh. Ito oh magpalamig ka muna." sabi ni Claire sabay binuksan yung takip ng juice at aktong ibibigay kay Maddie pero halata namang sinadya itong itapon sa sahig. "Oops! I'm so sorry! I'm so clumsy. I-I didn't mean to...Gosh! Sorry ha?" aktong hindi sinasadya na sabi ni Claire with matching takip pa sa bibig niya. Tss. b***h. Nakita ko namang napatiim bagang si Maddie sabay napakuyom ang kaniyang palad. "Dibale, diyan naman kayo magaling di ba? Sa paglilinis. So? What are you waiting for? Clean it." sabi ni Claire sabay aktong aalis na nang biglang hilahin ni Maddie ang buhok niya. "Walanghiya ka!" sigaw ni Maddie habang hila-hila ang buhok ni Claire. At iyon nga, nagsimula na naman ang rambulan. Syempre sali ulit kami para tulungan si Maddie. At saan pa nga ba ang ending nito? _ "Kayo na naman?! Anong sinabi ko girls? Kapag naulit pa ito ay mapipilitan akong i-kick out kayo dahil iyon ang rule ng school na ito! Pero anong ginawa niyo?" sabi nung guidance counselor namin. Although we're rich, hindi kami yung tipo na mangsusuhol para lang paboran. Ito kasing si Claire ay laging may pasuhol sa dinosaur na guidance counselor na ito. Na obvious naman na siya ang pinapaboran. Kunwari pang wala siyang kinakampihan huh? Neknek niya. "But Miss, sila ang nauna! Dinumihan nila ang CR! Nagpakahirap kaming linisin iyon tapos dudumihan lang nila?!" sabi ni Maddie. "Hindi ko naman iyon sinasadya no?! Nahulog ko lang yung bote kaya natapon ang juice. At saka nagsorry naman ako ah?! Tapos sinabunutan mo agad ako!" sabi ni Claire with matching paawa effect pa. "Punyeta ka! Napakasinungaling mo! Kakalbuhin talaga kita!" sigaw ni Maddie sabay susugod na sana kay Claire nang pigilan siya ng guidance counselor. "Miss Dimaculangan!" sigaw nung guidance counselor kaya nga napatingin si Maddie sa kanya. "How dare you curse in front of me? Where's your manners?!" sabi ng guidance counselor. "Eh sa nakakainis na! Pinaniniwalaan niyo kasi ang kasinungalingan niya!" sagot ni Maddie. "Pero mali pa rin ang manakit ng kapwa mo estudyante Miss Dimaculangan. Kung ang pagiging bastos niyo at makatwiran ang papairalin niyo sa eskwelahang ito ay mabuti pa talagang i-kick out na kayo sa paaralang ito!" sabi nung guidance counselor namin. Nagulat naman kami nang biglang napatayo si Leen at hinampas ang mesa ng guidance counselor. Kasi nga di ba sabi ko si Leen ang pinaka-mapagtimpi sa aming apat. Pero mukhang hindi na siya nakatiis ngayon. "Hindi mo na kailangang sabihin iyan, Miss. Dahil kami na mismo ang aalis ng school na ito. Hindi na namin kayang magtiis sa paaralang ito na kahit anong explanation mo ay hindi naman pinapakinggan. At wag na wag niyo kaming tatawaging bastos at makatwiran na parang kilalang-kilala niyo na kami." sabi ni Leen sabay hinubad ang I.D. niya at padabog na lumabas ng guidance office. Napatigil kaming lahat. Hindi kasi namin inaasahan na magagawa iyon ni Leen. Hahaha! Good job Miss counselor, you provoked our calm Cyleen Allyson. Tumayo na rin si Maddie at hinubad ang I.D. niya saka nilapag sa mesa. "Ngayong hindi na ako estudyante ng paaralang ito, kayang-kaya ko ng gawin ang naisin ko ng hindi napaparusahan." sabi ni Maddie sabay kuha sa flower vase na may lamang tubig at sinaboy kay Claire ang laman. Napahagikgik ako. Napanganga naman yung guidance counselor pati si Claire. Sabay din naming hinubad ni Andy yung I.D. namin at nilapag sa mesa. Lumabas na silang tatlo pero ako nagstay pa saglit at tinitigan ang ex-guidance counselor namin. "Last message Miss before I leave." sabi ko. "W-What is it?" kunot noong tanong niya. "Kahawig mo si Barney." sabi ko. Napanganga naman siya lalo. Then saka ko na siya iniwan doon. Wahaha! Matagal ko ng gustong sabihin yun sa kanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance. Hmph! Ano siya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD