Chapter 3: Bracelet

1114 Words
Hays, sino ba kasi 'yung lalaking 'yon? Ayaw akong tantanan sa tanong niya. Ilang ulit pa niya akong sinusubukang i-interview kaya muntik na talagang tumama ang kamao ko sa kaniya. Buti na lang may tumawag sa cellphone niya kaya umalis na siya, kung hindi, masasapak ko na talaga 'yung lalaking 'yon. I just don't like it when someone interrupts my alone time. Nabwibwisit ako. I don't know why he seems interested in my plan to audition for Crescendo, like? It's not his business, right? Napaka-random, weirdo ba 'yon? Nang makaalis 'yung weirdo na 'yon, naging payapa na ulit ang alone time ko. Pagkatapos kong mabasa ang kaunting impormasyon tungkol sa Crescendo University, bumalik naman ako sa karaniwang binabasa ko rito sa shop. Hindi naman talaga 'yon ang layunin ko; mga kathang-isip na libro ang binabasa ko rito. Nang marealize kong mag-aalas-otso na, agad din akong nagpaalam kay Kuya Josh na aalis na at kailangan ko nang bumalik sa boutique shop, kasi kailangan ko pang tumulong kay Lola na magsara. Pagkauwi ko sa shop, nadatnan kong nananahi si Lola sa upuan niya habang nakikipag-usap sa isang lalaking hindi ko kilala, na mukhang customer namin. Hindi lang makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng maskara. Really? What's going on sa Earth? Tapos na ang Covid, ah. Bakit puro mga naka-mask ang nakikita ko ngayon? Anong meron? Matangkad na lalaki ito at maputi, at kahit naka-mask ito, mahahalata mo pa ring maitsura ito. Hindi nila napansin ang presensya ko, kaya't tumikhim ako bago lumapit kay Lola para mag-mano. "Ay, nandito ka na pala, naku! Ito ang apo kong sinasabi ko sa'yo na mag-a-audition sa Crescendo University." Gulat ang aking mga mata nang lumingon sa akin si Lola. Ikinuwento ni Lola?! Gosh! Nakakahiya! Lumingon naman ito sa akin bago ako tiningnan. Sa itsura ng mata nito'y mukhang nakangiti ito sa'kin, pero hindi ko ito nginitian. Hindi ako natutuwa! Baka isipin pa niyang delusional akong mangarap ng mataas. Susme naman, si Lola kasi eh! Pula na-pula ang mukha ko habang umiiwas ng tingin, bago ako tumikhim. "Sige na po, La, aayusin ko na lang ang mga gamit. Magsasara na rin po tayo mamaya, 'di ba?" Itinuon ko ang atensyon sa pagliligpit ng mga kalat, ayoko nang isipin pa na shineshare ni Lola ang balak kong sumali sa audition. Nakakahiya. Pero ayos lang naman, hindi ko naman siya kilala. Sigurado akong makakalimutan din niya ako, basta huwag niya lang akong masyadong huhusgahan, please! Oo, negative akong mag-isip ngayon, pero kasi nahihiya talaga ako kapag may nakakaalam na sumasali ako sa mga ganitong bagay. Pakiramdam ko huhusgahan ako ng mga tao sa bawat galaw ko, kaya madalas ay hindi talaga ako sheshare ng mga bagay-bagay, lalo na kapag tungkol sa pangarap ko. Habang nagwawalis ako ng sahig, may nakita akong pulang laso o hindi ko alam kung ano, kaya kinuha ko na lang ito at sinuri. Wait... Bracelet? Pero parang tali na kulay pula. Kanino 'to? Wala naman kaming binebentang ganito sa shop. Sinusuri ko pa ito nang mapabalikwas ako sa gulat nang makarinig ako ng malalim na boses. "Need help?" 'yung lalaking customer ni Lola. Napatingala ako nang makita siya — ang tangkad niya. Hanggang balikat niya lang yata ako sa tangkad niya. Mabango rin siya; amoy na amoy ko ang pabango niya. Nagsuot lang din ito ng itim na polo shirt na may puting damit sa loob at gray trouser pants. Sa itsura nito ay mukhang may nasasabi sa buhay. Napakurap-kurap pa ako, nagtataka sa sinasabi niya. "H-huh?" Tulong? Saan? Anong ibig niyang sabihin? "Mag-a-audition ka, right?" tanong niya, na ikinahinto ng paggalaw ko. "I can help you." Nanlaki ang mga mata ko at agad akong umiling. "O-ohh, thank you! Pero huwag na po, nakakahiya. Saka... ba't niyo naman ako tutulungan? Para saan?" "Ah, no. I thought kasi na you need help since mahirap ang makapasok sa school na 'yon. You need to be talented or maging mayaman para makapasok sa school na 'yon. So... I thought maybe you need my help?" Alam kong totoo ang sinasabi niya, pero nakakainsulto pa rin 'yon. Para bang sinasabi niyang hindi ako makakapasok doon nang walang tulong niya. "Minamaliit mo ba ako?" tanong ko nang kunot ang noo. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Huh? Of course not! Why?" "Sa'yo na lang po 'yang tulong mo, hindi ko kailangan." Inirapan ko lang siya bago siya itinulak palayo at nilampasan. Nakakainis. Para bang dahil hindi ako mayaman, kaya niya na akong maliitin? Porket may nasasabi siya sa buhay mamaliitin niya ako nang ganiyan? Sino ba siya? Nakakainis talaga. Nang makaalis na 'yung lalaking 'yon, nag-sara na rin kami agad ng shop. Hindi ko alam kung minamalas ba ako ngayong araw at bakit ba parang sunod-sunod ang mga lalaking naka-mask at puro inis lang ang binibigay sa akin? Pagod akong humilata sa sofa nang makauwi sa bahay. Marami akong niligpit at nilinis sa shop, kasi sinabi ni Lola na may nagpatahi sa kaniya ng mga suit at dress na sinimulan na niya kanina. "Elara, bumangon ka diyan at maglinis ka na para makapagpahinga ka na sa kwarto mo." Sermon niya nang makitang nakahilata ako sa sofa at hindi pa nagpapalit ng damit. "Opo..." Sagot ko habang nakapikit pa. "Elara!" Tinapik-tapik niya ang braso ko. "Aba'y bumangon ka na diyan at magbihis ka na. Baka matulog ka pa diyan sa sofa." Sermon ni Lola. Wala akong choice kundi bumangon, kahit na pagod na pagod na ako. Tumayo na agad ako bago pa ako masermonan ulit ni Lola, hanggang sa may naramdaman akong may nahulog sa bulsa ng cardigan ko nang tumayo ako. 'Yung bracelet. Nahulog ito sa sahig, kaya kinuha ko ito. Tinitigan ko ang itsura nito nang mapagtanto kong may kahawig nga ang bracelet na 'to pero hindi ko lang matandaan kung ano 'yon. Pagkatapos maligo, nagsuot na lang ako ng pantulog at humilata sa kama, ipinikit ang mga mata. Ngunit ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit akong nagpapalit ng pwesto, pero hindi talaga ako mapakali. Dahil sa inis ay pabalikwas akong bumangon at sinabunutan ang sarili. "Hay! Bakit ba hindi ako makatulog?" Napahilamos ako ng mukha. Napatingin ako sa pulang kwintas na nasa gilid ng higaan ko nang mapansin kong parang umiilaw ito. Hanggang sa napakurap-kurap ako at lumapit pa dito upang tingnan nang mabuti kung talagang umiilaw nga ito. At totoo nga, umiilaw talaga. Kasabay din ng pagliwanag nito ay ang kakaibang tunog o frequency na nanggagaling sa may bracelet. Paanong... Lumakas ang liwanag at ang kakaibang tunog na frequency na nanggagaling sa bracelet, ngunit tila nilalamon ako ng kadiliman habang pinapanood ko itong mas lumiwanag, hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD