Chapter 2: Crescendo University

1556 Words
Bumuntong hininga ako bago sinampal-sampal ang sarili. "Elara, don't think too much. Wala namang masamang mag-try 'di ba? Masyado kang nega!" Sinabunutan ko muna ang sarili bago bumangon sa kama at humarap sa salamin. "Kaya ko ba?..." tanong ko sa sarili. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin bago tumango-tango, kinukumbinsi ang sarili na kaya ko. "Kaya ko naman siguro." Ilang minuto pa akong nakatitig sa sariling repleksyon, malalim ang iniisip. Nang matauhan ay naisipan ko na rin namang gumayak, kaya't dumiretso na ako sa banyo bago naligo. Nawawala ako sa sarili ko ngayon dahil sa malalim na pag-iisip dahil sa desisyon ko. Crescendo University is a world-famous international school focused entirely on music, arts, and performance. Kilala ang paaralan sa mga mayayaman at sikat na pamilya, and the exceptionally talented — where most students are future actors, idols, and artists. Unlike other schools, admission is strictly through audition, focusing purely on skill and creativity rather than academics. It is a place built for those who do not fear crowds, but instead, live to perform for them. And I don't even know if I would fit that. You see, hindi madali ang makapasok dito dahil hindi ito kagaya ng simpleng paaralan lang. Hindi ito kagaya ng academic-based na school na nagsasagot ng exams sa school. Everything here is pure talent, at hindi lahat ay nakakapasok agad bilang student o trainee. Hindi rin ako sure kung makakapasok nga ba talaga ako. Hindi ko rin alam kung sapat na nga ba ang talento ko para sumabak sa ganito, or masyado na nga yata akong delusional. Kaya nga laking gulat ko na lang nang naka-receive ako ng email galing sa Crescendo University. Pinapapunta nila ako sa studio na branch din nila under ng school here sa Baguio, at lahat ng applicants dito sa Baguio ay doon magpeperform para mag-audition. Ang alam ko hindi lahat ng nag-apply ng form ay nakaka-receive ng email, kaya't laking gulat ko nang makatanggap ako. Sa application kasi ay mga info at background check pa lang naman ang tinitingnan. Wala naman akong background status na galing ako sa mayamang pamilya, kaya natuwa ako nang makita ko ang email nila sa'kin. Well, hindi naman talaga lahat ng nag-aaral dito ay mayayaman. Basta talented ka, willing silang kunin ka para gawing student o trainee nila. Not everyone here ay pinanganak na may matagumpay na pamilya, ang iba ay sumikat dahil sa kanilang talento at kakayahan. Hindi lahat ay kilala dahil sa pangalan ng magulang nila, ang iba ay sila ang nagtayo ng sarili nilang pangalan gamit ang kanilang kakayahan. Nang matapos maligo ay agad na rin naman akong nagbihis para pumunta sa boutique shop. Simple lang ang ayos ko, nagsuot lang ako ng black top with gray cardigan, at flared jeans with white rubber shoes. Hinayaan kong nakalugay ang buhok kong may pagka-wavy at naglagay lang ng powder and lip balm. Nang matapos gumayak ay nagtungo na ako sa boutique shop ni Lola, and gaya ng inaasahan, she's on her usual seat. She's doing crochet. As usual nasa counter ako at minsan din ay ako ang nag-aassist sa mga customers. Mabenta din kasi ang mga paninda namin lalo't tourist spot nga naman ang Baguio. Kapag naman walang customer ay nagpapatuloy na lamang ako sa pag-dadrawing ng mga designs. Sa ngayon, marami na rin akong mga drafts, while ang iba naman ay kasalukuyang tinatahi namin. Ang mga tinitinda lang naman namin ay mga dress, cardigans, sweaters, bags, at mga key chains or souvenirs. Mabenta kasi ang mga souvenirs lalo na't tourist spot ang lugar namin. Mayroon din namang mga nagpapatahi kay Lola or mga nagpapa-repair ng damit, at kahit papaano naman ay may kinikita pa rin naman kami. Nang maghapon ay dumating na rin si Aling Lina, siya ang katulong ni Lola sa tahian at kasama nito ang anak nito na si Marie na siyang tumutulong din sa shop. Mga mananahi rin sila, at magkatabi lang din ang shop namin sa kanila kaya't paminsan-minsan ay sinasamahan nila ang matanda tuwing wala ako. Ngayon naman ay nakikipag-istoryahan si Lola kay Aling Lina habang nagbabantay ng shop, mukha namang wala masyadong customer ngayong araw kaya't nagpaalam na muna ako kay Lola na lalabas muna ako ng shop. Kinuha ko ang phone ko bago silipin ang oras, 5:30 na pala. Maya-maya rin ay magsasarado na rin ang shop. Papatayin ko na sana ang phone ko nang makita ko kung anong araw ngayon. Friday... Sa linggo na ang audition. Nang mapatay ang phone ay huminga muna ako saglit nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Kinakabahan talaga ako. Naisipan kong libangin muna ang sarili kaya't dumiretso sa malapit na book shop upang magtingin ng libro. "Uy, Elara, kape tayo?" tanong ni Kuya Josh, siya ang bantay dito sa book shop. Kilala ako nito dahil madalas na akong natambay dito, at paminsan-minsan din ay nakakalibre ako ng kape dito sa shop dahil kay Kuya Josh. "Ah, sige lang po, salamat po." nginitian ko ito at tumango. Nagtitingin-tingin lang ako ng librong babasahin nang mahagip ko ang mga magazines tungkol sa mga artists na naka-graduate sa Crescendo University. Nakita ko rin ang mga articles sa diyaryo at posters tungkol sa paaralan kaya't dali-dali kong kinuha ito at umupo sa sofa. Crescendo University: Where Talent Takes Center Stage Crescendo University stands as one of the most renowned international institutions dedicated entirely to the fields of music, arts, and creative performance. Unlike traditional schools and universities that prioritize academic grades and written examinations, this prestigious establishment has built its reputation on a unique and unwavering focus on raw talent, creativity, and artistic expression. It is widely recognized globally as a premier hub for young artists, musicians, and performers who wish to turn their passion into a lifelong career. Karamihan ng nabasa ko ay tungkol sa kasaysayan lang naman ng Crescendo University. Nalaman ko rin na ang ilan sa K-pop idols, P-pop idols, or mga singer or artists na mga underage pa pero nag-uumpisa na sa career ay dito nag-aaral. Entering Crescendo University is no easy feat. It is known as one of the hardest schools to gain admission to, and for good reason. There are no entrance exams based on academic knowledge or grades, and past school records are not the deciding factor. Instead, every applicant must go through a rigorous, high-standard audition process. This is the only way to qualify, as the school evaluates purely on skill, potential, creativity, and artistic ability. Whether it is singing, playing an instrument, acting, or creating visual art, every applicant must prove that they have what it takes to stand out and succeed in the creative industry. Only those who demonstrate exceptional talent and the courage to perform before others are granted a place. For decades, Crescendo University has remained a symbol of artistic excellence. It is more than just an international school for music and arts—it is a place built specifically for those who were born to create and perform. It stays true to its mission: to find the most talented young creators from every corner of the world, and give them the stage, the training, and the community they need to shine. "Crescendo University huh?" naistorbo ako sa pagbabasa nang may marinig akong malalim na boses na nagsalita. Agad akong napaangat ng tingin sa lalaking nakasandal sa katabi niyang bookshelf habang nakatingin sa akin. Pero hindi ko kita ang mukha nito dahil may suot itong itim na mask. Nakasuot ito ng midnight blue cap at windbreaker jacket with baggy jeans. "You'll audition?" tanong nito. Kumunot ang noo kong tinignan ito. "Why do you care? Who are you?" Nagkibit-balikat lang ito at umalis sa pwesto niyang sinasandalan niya kanina bago lumapit sa tabi ko. "What are you doing?" weirdo kong tinignan ito nang umupo ito sa sofa sa tabi ko na may bitbit na libro. "Why? Am I not allowed to sit and read?" painosenteng tanong nito. "I mean, why here? May iba pa namang mauupuan ah." Chill itong umupo sa sofa, hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Why do you want to enroll in Crescendo University?" hindi nito pinansin ang tanong ko. Napangiwi naman ako at napairap. "And why are you asking?" He shrugged his shoulders. "Wala lang, para lang may mapag-usapan." Napasimangot naman ako sa sagot nito kaya't inirapan ko na lang at itinuon ulit ang pansin sa binabasa. "Sungit." "Huy." "Luh, hindi na 'ko pinansin." "Hey." Napairap nanaman ako sa kakulitan nito at iaambang ihahampas ko sa kaniya 'yung hawak kong diyaryo. "Huy, huy, joke lang 'yan eh!" ihinarang nito ang kaniyang braso nang aambain ko na siyang hampasin. Napahilamos na lang ako ng mukha rito, and since wala naman akong choice ay kakausapin ko na lang 'to. "What do you want?" mataray kong tanong. "Wala. Curious lang ako ba't mukhang interesado sa school na 'yan." "And why do you care?" Napakamot ito ng ulo bago sumagot. "I mean, that school is purely for talented individuals, at karamihan sa mga nangangarap na makapag-aral sa school na 'yan ay sumusuko na nang hindi pa sumusubok." "Walang mangyayari kung hindi mo susubukan, and kung jinu-judge mo man ako, mas mabuti pang ilayo mo 'yang pagmumukha mo sa harapan ko." masungit kong sagot. "Huh? Hindi mo naman nakikita mukha ko eh, naka-mask kaya ako." pilosopong sagot nito kaya agad ko itong nabatukan. "Aray!" napakamot ito ng ulo. Deserve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD