I've been living with Grandma for 3 years since my mother’s death, at mula no'n ay kinuha ako ni Lola sa Baguio. I was depressed back then; I lost myself because of my mother’s death. Hindi ko tinanggap ang pagkawala niya, kaya mula noon ay si Lola na ang dumadamay sa akin, siya ang naging kakampi ko noong mga panahong walang wala ako. Kaya naman ay malaki ang pasasalamat at utang na loob ko kay Lola.
Desidido na ako na dito ako magtatapos, dito maghahanap ng trabaho, at dito maninirahan. Plinano ko na ang lahat para manatili sa tabi ni Lola, iniwan ko ang lahat para sa taong nag-iisang naniniwala sa akin, ang taong nanatili sa tabi ko. Kaya bilang sukli ay mananatili rin ako rito at susuklian ang kabutihang ipinagkaloob nito sa akin.
Parati kong sinasabi na maayos lang ang lahat, parati kong inaassure si Lola dahil madalas ay nag-aalala ito para sa akin. At paulit-ulit kong sinasabi na masaya at kuntento ako sa pamumuhay dito kasama siya, dahil totoo namang payapa kami rito. Malayo sa gulo, sa pahamak, at sa nakaraan.
Pero...
Sino nga bang niloloko ko?
Masaya naman na ako 'di ba?
Pero...
Bakit parang may kulang?
I stared at my laptop; ilang oras na akong nakatitig sa laptop ko, ni hindi ko na rin namalayan ang oras. Ilang oras na akong nag-iisip sa magiging desisyon ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado sa magiging desisyon ko.
Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot ako sa gagawin ko, pero hindi ko mapigilan. Ilang ulit ko nang tinakasan ang kagustuhan kong 'to, ilang ulit ko nang tinanggap ang magiging buhay ko rito sa Baguio, pero pilit pa rin akong tinutulak sa daang matagal ko nang ibinaon.
O... matagal ko na nga bang kinalimutan?
O iniiwasan ko lang?
Ilang ulit akong napabuntong hininga at sinasabunutan ang sarili. Hindi ko alam, hindi ko na alam. Gusto ko na lang tumakas, gusto ko na lang maging masaya, pero bakit ang sakit? Bakit ang sakit iwanan ng nakaraan? Bakit kahit anong pilit kong maging masaya pilit pa rin akong hinahatak pabalik sa pinagmulan ng lahat kung bakit nawala sa'kin ang mahal ko sa buhay?
Ayoko nang maulit pa 'yon, ayoko nang mangyari pa ulit 'yon, pero bakit? Bakit umaabot na naman ako sa puntong gusto ko ulit subukan? Para saan?
Hindi ko na maintindihan...
Sinabunutan ko ang buhok ko bago sana isasara ko na ang laptop ko nang may marinig akong nagsalita sa likuran.
"Mag-apply ka?" Nanigas ako sa kinauupuan, hindi kaagad ako nakalingon.
Nakailang lunok pa ako ng laway at huminga nang malalim bago hinarap si Lola.
"Hindi po La, tinitignan ko lang po 'yung page nila." Pinilit kong ngumiti; hangga't maaari ayokong ipakita sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Ayokong isipin niya na nahihirapan ako.
But knowing Lola, sauladong-saulado na ako nito kahit gaano ko pa galingan sa pagsisinungaling. Bumuntong hininga ito at humila ng upuan at tumabi sa tabi ko.
"Hindi ko sinasadyang matignan ang ginagawa mo, ang akala ko kasi ay nasa labas ka kaya't naisipan ko sanang tignan ang kwarto mo at baka may kalat." paliwanag nito na ikinatango ko naman.
"Gusto mong mag-apply diya'n? 'Di ba matagal mo nang pangarap 'yan?" Dumako ang tingin nito sa laptop ko. Kitang-kita ang form na finifill-upan ko, kaya't wala na akong maitatanggi pa.
Umiwas ako ng tingin bago bumuntong hininga. "Huwag ka pong mag-alala, hindi ko naman po itutuloy."
Kumunot naman ang noo nito sa sinabi ko, "Aba'y bakit naman?" mukhang dismayado nitong tanong.
"Okay lang po ako dito, sabi ko nga po 'di ba? Masaya naman po akong kasama kayo, kaya't mananatili ako dito." Binigyan ko ito ng ngiti ngunit napawi rin nang makita kong malungkot itong tumingin sa akin.
"Niloloko mo ang sarili mo apo." Simpleng salita lang 'yon, pero alam kong totoo, at hindi ko maitatanggi iyon.
"Elara, apo, kung gusto mong mag-apply, bakit hindi mo gawin? Huwag mo na akong alalahanin," hinaplos nito ang buhok ko, "matanda na ako, hindi mo na kailangang isipin ang kalagayan ko. Oo, nag-aalala ka para sa kalagayan ko, pero ayaw ko namang ako pa ang maging hadlang para sa pangarap mo."
Nagtutubig ang mga mata nitong nakatingin sa akin, tila nalulungkot dahil nakikita niyang nahihirapan ako. Alam ko naman na matagal na niyang alam na nagpipigil lang ako, alam ko namang alam niya kung ano talaga ang nasa puso ko, pero pilit kong itinatanggi, pilit kong isinasawalang bahala dahil akala ko'y magiging ayos lang ang lahat, kaso hindi. Hindi ako masaya, hindi ako kuntento, nahihirapan ako dahil gusto kong sundin ang nasa puso ko.
Pero hindi pwede.
Natatakot ako. Natatakot ako na kapag pinili ko ulit na mangarap ay mawawala na naman sa akin ang taong mahalaga sa buhay ko, natatakot ako na mawawala na naman ang lahat sa akin. At ayaw ko nang mangyari pa ulit 'yon, natatakot akong mag-isa, hindi ko kakayanin.
Hindi ko maintindihan, pero tuwing sinusunod ko ang kagustuhan ng puso ko, pakiramdam ko laging may mali, palaging hindi tugma. Para bang wala akong karapatang maging masaya. Tuwing nananaig ang puso palaging may nangyayaring hindi maganda, kaya mas pinili kong manatili sa bagay na kung anong meron ako kaysa sa maghangad ng mas higit pa, dahil tuwing naghahangad ako ng bagay na matagal ko nang gusto, nawawala ang unang bumuo sa'kin para abutin ang kagustuhang iyon.
Naging isang kasalanan ang mangarap, kasalanan ang maghangad, at natatakot ako na balang araw mawala ulit ang lahat ng mayroon ako ngayon dahil lang sa isang pagkakamali, at iyon ay ang maghangad pa ng iba.
"Masyado kang natatakot apo, masyado kang nagpapalamon sa mga iniisip mo. Sa tingin mo ba mabubuhay ka nang payapa kung pilit mong iiwasan ang sinasabi ng puso mo?"
"Pero La—"
"Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Nasa sa'yo kung susundin mo ang pangarap mo, Elara. Huwag mong sayangin ang oportunidad at panahon mo para sa akin." Nagtutubig ang aking mata habang binibigkas iyon ni Lola.
"Marami ka pang oras, bata ka pa. Huwag mo sanang hayaang magpalunod ka sa takot dahil lang sa nangyari sa nakaraan, malayo pa ang patutunguhan mo apo. Huwag mo hayaang mabuhay ka kasama ang pagsisisi mo." Tuluyan na akong naiyak, kaya nama'y hinila ako nito sa bisig nito at isinubsob ang mukha ko at umiyak.
Baka tama nga si Lola...
Baka ako lang talaga ang nagpapahirap sa sarili ko, at balang araw pagsisisihan ko rin ang magiging desisyon ko kapag hindi ko sinunod ang sinasabi ng puso ko.
Hindi rin ako mabubuhay nang payapa.
Nagpatuloy ako sa paghikbi, nilalabas ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa bisig ng aking Lola. "Natatakot ako La, a-ayaw ko nang may mawala pa ulit La. Natatakot ako na baka... b-baka kapag sinunod ko 'yung pangarap ko, magiging makasarili na naman ako, na may mapapahamak na naman dahil sa'kin."
Humigpit ang yakap nito sa akin, basang-basa na rin ang mukha ko sa pag-iyak. "Shh, naiintindihan kita apo. Lagi mong tatandaan na nandito lang si Lola. Kaya nga'y nalulungkot ako tuwing pinipilit mong magsinungaling sa sarili mo kahit nahihirapan ka na, at alam mong hindi iyon ang gusto ko para sa'yo."
"S-sorry La..."
"Shh, naiintindihan kita. Naiintindihan ka ng Lola."
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa tumahan din ako. Nanatili lang si Lola sa tabi ko, hinahaplos ang aking buhok, hinehele ako na parang bata. Lagi niya itong ginagawa tuwing pinapakalma niya ako, kahit pa noong bata pa lamang ako ay ito rin ang lagi niyang ginagamit pang-hele, at effective naman. Kumakalma at gumagaan naman ang pakiramdam ko ngayon dahil kay Lola.
At sa posisyon naming iyon ay lumalalim na naman ang aking iniisip, bumabalik sa desisyong dapat kong tahakin. Magulo pa rin ang utak ko, hindi pa rin malinaw, pero kalmado na ako ngayon kumpara kanina. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa aking dibdib.
"La... sa tingin mo po ba dapat kong sundin ang gusto ko?" Kumalas ako sa pagkakayakap nito at tumingin nang diretso sa kaniyang mata.
"Kung ayon ang makakapagpasaya sa'yo apo, magpakatotoo ka lang," tinuro nito ang noo ko, "lagi mong tatandaan na kahit na anong mangyari ay magpakatotoo ka lang lagi sa sarili mo, at ayon ang magiging lakas at gabay mo."
Ang mga salitang iyon ay tumatak sa isipan ko at ang nagbukas ng pintuan sa puso ko. Ilang araw kong pinag-isipan ang bagay na iyon, kahit pa medyo naguguluhan ako ay kahit papaano'y nagkaroon ng parte sa puso ko na maging bukas muling mangarap.
Baka tama nga si Lola, baka kailangan ko nang magpakatotoo sa sarili ko, at baka ito ang magiging tulay patungo sa bagong yugto ng buhay ko. Masyado akong natakot, masyado akong nagpaalila sa nakaraan, nanatili ako sa comfort zone ko kaya't hindi ko na namalayan na hindi na pala ako umuusad. I thought I was getting better, but I ended up trapping myself in the cage I was trying to escape from, and I ignored it.
I realized that the more I escape, the more I become a slave to my past. And trying again became f*******n because I was trapped by my own thoughts. But now, I'm willing to face reality, and this time hindi na ako matatakot na harapin ang reyalidad ko.
Lola lit the candle I had hesitated to light for so long. I've been trapped for years in that dark room, and I was afraid to use the match to light my candle because I was scared I might make a flame and burn the place down. So I stayed in that dark room without using a light while trying to escape it, without knowing na mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko because I hesitated to light my candle, so I ended up trapped there.
I trapped myself for years, and now that Grandma brought a match and didn't hesitate to light my candle, I was finally able to see what she was telling me. And this time, she was holding the candle guiding me toward the path, kaya tumibay ang loob ko na harapin at hanapin ang daan palabas, dahil alam kong sa puntong ito ay kakayanin ko na.
Huminga ako nang malalim bago ipikit ang mata at dahan-dahang clinick ang keyboard ng laptop ko. Nagpigil pa ako ng paghinga at dahan-dahang dinilat ang aking mga mata nang makitang ipinasa ko na ang form at email ko.
"Omg! Nagawa ko! Napasa ko!" Kahit hindi pa ako sigurado na tanggap ako, malaking achievement na sa'kin ang nakapagpasa ako ng form. Bakit? Dahil sign ito na nag-i-improve na ako!
"Yay! Lola, nakapagpasa na ako! Sana matanggap ako please!" Ipinagdikit ko ang palad ko bago tumingala at nagdasal.
Rinig ko naman ang mahinang tawa ni Lola, "Proud ako sa'yo apo, ipagpatuloy mo 'yan."
Nang pagdilat ko ng mata ay malaking ngiti ang ibinigay ko rito bago ko sinunggaban ng yakap. "Thank you La!"
Mahina itong humalakhak, "I love you apo."
Hindi man sigurado kung papasa ako sa pinapangarap kong school, masaya pa rin ako dahil nabigyan ng liwanag ang pangangamba ko sa pagtupad ng pangarap ko. Ngayon, parang mas naliwanagan ako sa daang tinatahak ko, hindi na ako naliligaw.
Nang matapos ang aming hapunan ay dumiretso na ako sa aking kwarto, ngunit nakaramdam ako ng pamilyar na enerhiya, at sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko ulit ang tinig na iyon. Ang tinig na nagbigay muli sa'kin ng mensahe patungo sa daang tatahakin ko. Ang dahilan kung bakit ko muling naisipan na sumubok.
Lumakas ang ihip ng hangin sa kwarto ko, kita ko ring unti-unting lumiliwanag ang gitara ko. Lumakas ang t***k ng puso ko, at ang malamyos na tinig na iyon ay para akong tinatawag, parang sinasabi nitong tama ang ginawa ko. Ramdam na ramdam ko rin ang mahinang matinis na tunog na iyon o frequency, at nanggagaling ito sa gitara ko.
Unti-unti akong lumapit sa gitara at iniistrum ito, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na mabigat ang aura, hindi na malungkot, kalmado at payapa lang ito. Ang aking pagtugtog at ang tinig ng lalaki ay nagtutugma na para bang naiintindihan namin ang isa't isa kahit pa hindi ko alam kung sino o ano ito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tunog na iyon, pero ramdam kong ito ang gumagabay sa akin patungo sa landas na tatahakin ko.
I don't care anymore if it’s weird, why I am not complaining nor asking how the hell this is possible, or if I am seeing this real—but I am gladly thankful that it happened. Because at this moment, I won’t ask more questions about this; I will trust fate to guide me and lead me toward the right path.
Wala na akong dapat pang iwasan o ikatakot, kaya't kung napaka-imposible mang isipin na nangyayari ang bagay na ito ay wala na akong pakialam. The important thing that happened to me is that I am guided by light.
Today, I made the biggest decision of my life. I applied for a scholarship at Crescendo University, a school dedicated to creativity. It is renowned for nurturing exceptional talent in music, visual arts, performance, and cultural studies. Kilala sa mga talentado at kilalang miyembro ng pamilya ang mga nag-aaral dito. Karamihan ay mga artista, music artists o singer, theater artists, at iba pa. This school is a world full of creative artists, at ang makapasok dito ay ang matagal ko nang pinapangarap.
And the thought that I was just chasing my dream suddenly changed my life just because of one decision. And in this place, I never knew I would meet the perfect hum I had been looking for, and suddenly, I felt complete. And it was the most natural, yet rightest decision ever.