MADILIM. Tanging mga ilaw lang sa mga poste ng ilaw ang maaaninag kung matamaan ng mga ito ang eskinitang nilalakaran ng isang ginang. Sakay ito kanina ng taxi at may bitbit na tig-limang shopping bags galing sa iba’t ibang sikat na brands. Ngumisi ang taong lihim na binabantayan ang kilos ng ginang na naglalakad sa makipot na daang iyon. Hindi niya muna ito hinabol. Inayos niya ng kulay berdeng hoodie jacket at naglakad patungo sa target ngunit sa kabila siya dumaan upang salubugin ito. Hinanda niya ang ice pick na ga-palad ang haba—improvise lang para sa lakad niya ngayong gabi. Napangisi siya nang maunahan niya ang ginang kaya nagtago siya sa labas ng b****a kung saan ito dadaan. Sakto ang paglabas nito. “Holdap ‘to. Huwag kang gagalaw. Kapag gumalaw ka, masasaktan ka lang. Huwag

