Kabanata 4

1658 Words
“EVELEEN…” Napalingon ang dalagang katatapos lang pumalakpak nang makapuntos si Harry sa class game nila nang tawagin siya ng katabing si Cherone. “Hmm? Bakit?” “Crush ko si Harry. Dati pa. Actually, bago niya pa sabihin sa akin na gusto ka niya, gusto ko na siya.” Napalunok siya habang nakikipagtitigan sa kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sa gulat. “A-ano…” “Hoy, ano ka ba?” Bigla itong pumalatak ng tawa na ikinagulat niya. “A-ano…” “Para kang sira! Siyempre, tanggap ko na ‘yon, 'no! Alam ko naman na mas maganda ka sa akin…mas simple. Hindi gusto ni Harry ang mga kagaya ko.” Napamaang ang dalaga sa pagiging direct to the point nito. Sa kinatagal-tagal na magkakilala sila ni Cherone ay ngayon niya lang ito nakausap nang ganito kaseryoso. “Hoy, Eveleen! Naputulan ka na ng dila?” Muli siya nitong tinawanan saka kumuha ng chitchirya na hawak niya. “H-hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko dahil baka ma-offend kita.” “Duh? Okay lang ako. At saka, hindi ako nakakaramdaman ng selos kapag magkakasama tayong tatlo. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, natanggap ko nang hanggang kaibigan lang talaga kami ni Harry. Puppy love pa lang naman ‘to at saka ang dami pang boys na nasa listahan ko,” biro pa nito sa kanya. “Pasensya ka na, Cherone. Hindi ko naman sinasadya na—“ “Shh. Basta, ayokong makikita na malungkot si Harry. Okay na ako roon. Maging okay sana kayong dalawa hanggang sa huli.” “Hayaan na muna natin siguro na panahon ang magsabi,” aniya at saka huminga nang malalim. “Basta ang alam ko, kailangan na sabay-sabay tayong makaka-graduate.” “Of course! Hindi pwedeng hindi. At saka, alam kong same course ang pipiliin natin, eh. Si Harry, bahala na siya kasi hindi niya naman gusto ang arts.” Nagtawanan silang dalawa. “EVELEEN…” Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Tiffany. Kanina pa sila nasa labas ng Paulo’s Kitchen at nahinto lang nang maaaninang niya ang Philippine flag sa Sta. Cecilla’s na nasa likod lang ng St. Montecarlo. “S-sorry. Tara na sa loob.” Pinagbuksan niya ng sliding door ang kaklase at sumamyo kaagad sa kanilang mga ilong ang lavender scent na humahalimuyak sa paligid. Nakita niya kaagad ang tiyuhin na nag-aabot ng menu sa isang mag-aaral sa kanilang akademya. “OMG. Grabe, alam mo, ang gwapo talaga ng tito mo,” pabulong na sabi ni Tiffany sa kanya kasabay ang pagbungisngis. Naupo sila sa isang table for two malapit sa counter. Nakita ni Eveleen ang pagkuha ng menu ng tiyuhin habang hindi siya mapakali sa upuan. Ayaw niyang on the spot siyang sabihan nito o i-remind na magtatrabaho siya sa mini resto mamayang uwian dahil baka hindi na siya kausapin pa ni Tiff. “Good morning,” masayang bati nito habang ibinibigay sa kanila ang menu. “Hi. I never thought na tito ka ni Eveleen. I am Tiff,” ani ng dalaga kasabay ang paglahad nito ng kamay na ikinagulat ng magtiyuhin. Grabe. Sana all matapang. “Hi. I am Paulo.” Tinanggap ng lalaki ang kamay nito at saka nakipag-handshake. “Hihintyin ko ang order ninyo.” Tiningnan niya ang menu. Napatango siya. Hindi na masama ang pagiging affordable ng mga pagkain sa lugar. “Ano sa ‘yo?” tanong niya sa dalagang kanina pa nakatingin sa menu. “Iyong tito mo,” bulong nito sa kanya. Napailing siya ngunit natawa. “Just kidding, I want cheeseburger with fries. ‘Yon lang kasi baka hindi na ako makakain ng lunch mamaya kung mag-he-heavy meal ako.” “Okay sige. Tito, dalawang cheeseburger with fries po. Tapos iced tea ‘yong drinks.” “Okay.” Habang hinihintay nila ang order ay napalingon sila sa pintuan nang marinig nila ang pagbukas nito. “OMG!” muling bulong ni Tiffany habang nakatitig sa kanya. Maski siya ay kinabahan nang makitang ‘yong kaklase niya ‘yon na si Janus Kim at may kasama pang isang lalaki. Malayo ang napili nilang upuan sa kinaroroonan nila. “Sayang. Alam mo, actually kilala ko na ‘yan si Janus Kim.” “Talaga?” Tumango ang dalaga at saka kumuha ng powder sa bag. “Schoolmate ko siya rito dati pero hindi ko ini-expect na magkikita kami ulit. Alam mo ba kung ano ang tawag sa kanya?” “Ano?” “The Most Handsome Face of St. Montecarlo. Oh, ‘di ba? Tapos sasabihin mong simple lang siya. Hindi mo ba alam na walang nakakatalo sa kanya kapag nagpapa-survey ang student council every year. Landslide! Nasa kanya na ang korona.” Napalingon tuloy siya sa dalawang binata na may hawak na menu. “Alam mo, okay lang naman maging in-denial sa una na na-crush at first sight ka sa kanya kasi kami lahat aminado na ganoon ang nangyari.” Nagsalubong ang kilay niya. “Kami? Sinong kami?” “Kami lahat sa room natin.” “M-magkakaklase kayo?” “Oo. Sa totoo lang, kayong dalawa lang ni Janus at niyang si Owen ang nadagdag sa amin.” Nahinto sila sa pag-uusap nang lapitan sila ng tiyuhin niya. “Here’s your order.” Inilapag nito sa mesa ang dalawang cheeseburger na nakahati na sa dalawa at nakalagay sa isang chopping board. Ang fries naman ay nakalagay sa isang metal cone basket. May hawakan pa ang dip nito. “Thank you,” ani Tiffany bago umalis si Paulo. Sinuklian lang siya nito ng ngiti. “Ganito ba talaga ang serving dito? Ang laki?” manghang sabi pa ng dalaga kay Eveleen. Hindi siya makasagot dahil pati siya ay nagulat din sa ganda ng presentation. “Anyway, let’s eat!” Nag-sign of the cross sila pareho at nagdasal bago lantakan ang nakakapaglaway na pagkain sa kanilang harapan. “By the way, where do you live? Do you live with your tito?” Umiling siya. “Ako lang mag-isa sa bahay pero si Tito ang nagbabayad noon. Malayo ako sa mga magulang ko.” Kinakabahan na siya sa mga itatanong nito. Ayaw niyang mawalan kaagad ng kaibigan sa unang araw ng klase pero kailangan niya ring maging totoo kay Tiff. “Tiff, may sasabihin ako sa ‘yo.” “Ano ‘yon?” ngumunguyang tanong nito. “Mahirap lang kami. May mga kapatid ako at mayroon lang simpleng pamumuhay ang mga magulang ko. Iniwan ko sila para makapag-aral dito sa tulong ni Tito. Sa totoo lang, mamayang uwian, dito ako mamaya magtatrabaho para makatulong sa kanya.” Nagkatinginan silang dalawa matapos niyang magsalita. Nakahanda siya sa kung anuman ang magiging sagot nito sa kanya. Ngunit pinapanalangin niyang huwag sana siyang iwasan ng dalaga dahil lang sa estado niya sa buhay. Pagpasok niya pa lang kanina sa St. Montecarlo ay nanliliit na siya dahil karamihan ng mga estudyanteng naroon ay hinahatid ng mararangyang sasakyan. Samantalang siya ay kabaligtaran noon. “That’s cool. Is there any vacant slots? Gusto ko rin magtrabaho kaso ayaw ako payagan nina Mama at Papa.” Napahinto siya sa pagnguya. “Hindi ka nandidiri sa akin? I mean, hindi ka disappointed?” Nalukot ang mukha ng dalaga. “Why would I? Hindi rin naman lahat ng kaklase natin mayaman. Basta, ang legit na mayaman na kilala ko sa classroom natin ay ayan.” Nginuso nito si Janus. “Si Janus?” “Oo. Half Korean-Half Billionaire ang angkan niyan kaya untouchable din ‘yan, eh. Ang guguwapo pa ng mga pinsan niya. Sayang, siya lang kasi ‘yong kaedad natin.” “Montelumiere ang apelyido niya, hindi ba?” “Montelumiere-Kim. Parehong kilala ang dalawang apelyido niya. May mall kasi sila na magmamay-ari, I mean, ‘yong papa niya.” “Hmm…” Nagtangu-tango siya. “Eveleen, I know it’s hard pero huwag ka rin maging hard sa sarili mo. Be true. ‘Yon lang. Mas maganda ‘yong maging totoo ka sa sarili mo kaysa napakarami mong iniisip. Eh, ano naman kung magkaiba tayo ng lifestyle? Walang kaso ‘yon kasi sa academy na ‘to, halo-halo. May judgemental, may hindi. may bully, may binu-bully. “Alam na namin noong school break na isa ka sa madadagdag sa amin kaya sorry pero nag-background check na kami at alam namin ang nangyari sa Sta. Cecilla noon.” Mahigpit niyang hinawakan ang tinidor at ang kutsilyo at saka dahan-dahang napayuko dahil sa kahihiyan. “Ewan ko ba pero may talino rin naman yata ‘yong mga kaklase natin kasi hindi nila pinansin ‘yong issue na ‘yon. O baka wala talaga silang pakialam. Alam namin na wala kang kasalanan. Hindi kami tulad ng mga inaasahan mong mayayaman na matapobre. Naturuan naman kami ng manners. “Marunong kaming tumimbang ng tama o mali. Alam namin kung ano ang nangyari at hindi lang kayo ang na-bu-bully ng Big Five noon. Nagkakalat sila sa malalapit na academies. Nakakaawa lang ‘yong mga estudyanteng tumigil sa pag-aaral dahil sa kanila.” Huminga siya nang malalim dahil sa bigat na nararamdaman. Hindi niya kayang magpatawad sa kahit isa man lang sa grupong iyon. Dahil sa mga ito, tuluyang nagbago ang buhay niya at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano makakabawi. “Kumain ka na. Huwag mong isipin ‘yon kasi kahit na tatahi-tahimik lang ‘yang mga kaklase natin, makikilala mo sila sa mga susunod na araw. Mababait sila at hindi sila katulad ng inaakala mo.” Alanganin siyang ngumiti. “S-salamat, Tiff. Hindi ko ‘to inaasahan sa unang araw ng klase.” “No problem. Bilisan na natin dahil baka tumunog na ‘yong school bell.” Habang nag-uusap silang dalawa ay muli nilang narinig ang pagtunog ng sliding door kaya napalingon siya upang tingnan kung sino ang pumasok. Halos hindi niya malunok ang nanguyang burger nang makita kung sino ang naroon na napatingin din sa kanya… Cherone…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD