Pagdating ng inorder niyang lunch para sa akin ay umalis na rin si Pixie sa condo. Kailangan daw kasi siya ni Mama Eula sa mansyon. Tinanong niya rin ako kung papasok ba ako bukas pero ang sabi ko ay titingnan ko pa. Gustuhin ko mang huwag nang pumasok at pagtaguan na lang ang lahat e kailangan ko namang magpakita sa university ngayong linggo na 'to para sa examination. Failing this semester is the least thing that I wanted to happen right now. Bukod kasi sa mas lalong madidisappoint sa akin si Atlas ay baka isipin din ni Mama Eula na pagsasayang lang ng pera ang paaralin ako sa PCU lalo pa't hindi rin talaga biro ang presyo ng tuition at iba pang fees na binabayaran ni Atlas. When I decided to review. I totally forgot about my phone. Naalala ko lang na hinihintay ko ang reply ni Daddy

