Espánia Valeria's Pov
"I'll take that choker, and those rings too." Sunod-sunod kong itinuro ang mga alahas na nakikita at nagugustuhan ko rito sa shop. I never want to burn Atlas' cash until the incident last week happened.
Nang malaman ko na ang sekretarya niya pala ang nagpadala sa 'kin ng mga bulaklak bilang regalo sa 'kin sa wedding anniversary namin, pinilit ko namang intindihin na baka dahil sa sobrang dami niyang iniisip nakalimutan niya na ang tungkol doon. Sumama ang loob ko pero ayos lang. Sanay naman na 'ko. Ang hindi ko lang matanggap, imbes na mag-sorry siya sa 'kin dahil sa nangyari ay pinadalhan niya lang ako ng mga mamahaling regalo na para bang magiging sapat na 'yon para makalimutan ko ang mga nangyari.
What he did insulted me. Anong akala niya? Palaging mapupunan ng pera niya ang mga pagkukulang niya sa 'kin bilang asawa niya? Kung gano'n pala ang iniisip niya edi lulubos-lubusin ko na.
If I will be stuck with this kind of misery forever then he needs to suffer too. Hindi p'wedeng ako lang ang mahihirapan.
"What is that?" Itinuro ko ang babasaging estante. Sa loob non ay nakadisplay ang pambabaeng relo na kumikinang pa sa t'wing natatamaan ng araw dahil sa mga diamonds nito.
Iginiya ako ng attendant palapit doon. Lumapit ang isa pang attendant sa estante at kinuha mula roon ang relo para ilahad sa harapan ko. Those shinning things, those are diamonds. Nababalot ng maliliit na diamonds ang relong 'to!
"This is our newest design called diamondmaster #39. 39 mm in length and is made of white gold and sparkling diamonds." Kinuha nito ang pares ng white gloves na iniabot sa kaniya. Nang maisuot na n'ya ang gloves ay may labis na pag-iingat nitong iniangat ang relo mula sa kaniyang lalagyan para mas maipakita sa 'kin.
"As you can see, the wrist-band are made of 18 ct gold. The dial is diamond paved---,"
"I'd like to have that too. How much?" Pakiramdam ko ay nagsilbing araw na nagbigay tanglaw sa mukha ng mga attendant ang mga salitang binitiwan ko.
Malapad itong ngumiti. "2.5 million, Mrs. Romanov. If we'll add the price of the set of rings and choker that you picked first, the total would be 3.1 million." I nodded my head.
"Okay." Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang bank cheque sa 'king bag saka isinulat doon ang halaga na kailangan kong bayaran.
"Thank you, Madam." Habang inihahanda nila ang lahat nang mga pinamili ko, matyaga akong naghihintay sa isang private room.
I was about to asks Pixie, Eres and Asa for night out when my phone rings. Atlantis is calling. He must have received a notification from bank that I pull millions from our joined account.
"Hmm?"
"You bought jewelries worth 3.1 million pesos? I received a call from bank." Just like I thought. Pinasadahan ko nang tingin ang aking kuko bago ako umo-oo sa kaniya.
"I did. Wait, am I not allowed to buy something that expensive? I didn't know. I was bored and I decided to stroll around the Neon streets and then---,"
"Nah. It's fine. Nagulat lang ako. This is the first time you bought something that's quite expensive. Hindi ka pa nagsabi. Nasanay lang ako na tumatawag ka muna sa 'kin para magpaalam bago bumili ng kahit na ano," aniya.
Agad kong inalala ang mga sinabi nito. Oo nga, ginagawa ko ngayon. It feels like he needs to know where I'm bringing his money out of respect.
"Aniá?" Dali-dali kong pinatay ang on-going call nang makita ko na ang pagpasok ng store manager dito kasama ang tatlong attendant. Ang isa sa kanila ay iyong nag-assist sa 'kin kanina. Dalawang lalaki na sa tingin ko ay miyembro ng kanilang security team.
The female manager offers her hand that I accepted. She gestures the three attendant who's holding an expensive looking suede box. "We'll escort you to your car, Mrs. Romanov, for safety." Pinilig ko ang aking ulo.
"It's fine. I have my own bodyguard." Itinuro ko si Dolce na matiyagang naghihintay sa 'kin sa tapat nitong Golden craft. Pilit na ngumiti sa 'kin ang manager.
"Your husband asked us to do this favor. Please, allow us too." Her tone and the expression on her face says that she'd never allow me to do things on my own. Hindi ko alam kung anong sinabi sa kanila ni Atlas para maging ganito sila kahigpit sa pagpapatupad ng utos niya.
I sighed in defeat. "Okay," I murmured. Leading the way, I went out of the golden craft. Humarap sa 'kin si Dolce.
"Aniá, your afternoon class will start in an hour. We should go." Hindi ko muna 'to inimikan.
Itinuro ko sa manager ng store ang kulay blue na Sedan. My eyes watching them carefully as they place my purchase in the passenger seat.
Nang maisarado na ng isa sa dalawang security guard ang pinto ng kotse ay humarap sa 'kin ang manager. "Thank you and have a good day, Mrs. Romanov." I nodded my head and they left.
My eyes landed on Dolce. "You were saying?"
"Your afternoon class will start in an hour. We should go," she repeated. I flip my hair and open the door for myself.
"I'm not going to school today. Actually, I don't want to study anymore. I'm married to a multibillionaire, I have no reasons to study and work hard for Atlas will provide everything that I'll need within a snap."
"Drop me off at my favorite salon. I want to change something in my hair," sabi ko saka tuluyan nang pumasok sa kotse. Money can't buy happiness but it buys everything else so I'm choosing to be miserable in his arms while enjoying his fortune, exactly like how a trophy wife does it.
My phone lights up that caught my attention.
From: Asa
I don't know what she's celebrating but Pixie is throwing a party at the Costello Tower. 8 pm, she's expecting you there.
Pinasadahan ko nang tingin ang mga binili kong alahas. Alam ko na kung saan ko sila gagamitin.
To: Asa
Expect me there.
Through the rearview mirror, I made an eye contact with Dolce. "To the salon, please." Ulit ko saka ikinabit ang seatbelt sa 'king katawan.
From: Itália
Are you coming with Atlantis to the business gala, next week?
Iyon ang laman ng dm sa 'kin ni Italia.
I pause and look back on Atlas and I's passed phone calls and text conversation. Wala akong maalala na may nabanggit siya sa 'kin. Hindi ko pa alam. Madalas kasi ay pili lang din naman ang mga business gatherings na pinupuntahan niya. It's Tham, the second to the oldest Romanov's job to represent their family in different social and business gatherings.
To: Italia
Hindi ko pa alam. Sasabihan na lang kita kapag pupunta kami.
"Yes, Dolce?" sabi ko nang mapansin na ilang ulit niya na akong tinitingnan at ang mga boxes na binili ko sa golden craft kanina.
"Bumili ka na ba ng regalo para kay Sir. Atlas, Aniá? December 1 na sa susunod na linggo. Birthday niya na."
Kinuha ko ang isa sa tatlong itim na suede backs. The sparkling diamonds on the watch that I bought painted a generic smile on my lift. Isinarado 'yon.
"Hindi ako bumili. Hindi rin naman niya ginagamit ang mga binibili ko para sa kaniya. Hindi ako pumapalya sa pagbigay ng regalo sa kaniya t'wing may espesyal na okasyon pero miski isang beses ay hindi ko naman nakitang ginamit niya ang mga 'yon."
Dahil hindi naman gano'n kalayo ang salon na gusto kong puntahan mula sa Neon street, mabilis naming narating 'yon.
I grabbed the suede box of rings and choker with me as I step out of the car. "Pakiuwi na muna 'yong mga pinamili ko sa mansyon saka mo ako balikan dito." Tuluyan ko nang sinarado ang pinto ng sasakyan.
Walking with enough sass and confidence, the hair salon's staff flocks at me immediately as I entered their very much relaxing place.
"Mrs. Romanov, we haven't seen you for a month. Busy? With your husband?" Cholo chuckled flirtatiously.
I rolled my eyes playfully and settled myself on the chair that he offers. "Not the kind of busy you were thinking."
Nang mailagay niya na ang kulay itim na tela sa 'king katawan ay inalis na nito ang ipit ko sa buhok.
"So, what are we gonna do with your hair?" he asked. Now, that's the kind of talk that I want.
"If you're not a fanatic I bet you must have heard of Game of Thrones," sabi ko habang diretso lang na nakatingin sa 'king repleksyon. Cholo snaps his finger excitedly.
"Mumsh, I'm a fan. I will trade my soul and virginity if that's what it take to see my beloved Khaleesi." With twitching lips, I glared at him.
"Char lang 'yong virginity. Wala ako non e."
Muli akong umayos ng upo. "I want the mother of dragons' hair color. Can you do that?"
"Leave it all to me. Sit back, relax."
Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakaupo rito. Ang alam ko lang, blineach ni Cholo ang itim kong buhok pagkatapos ay nilagyan niya ng base color na blonde. Ibinabad 'yon sa buhok ko ng ilang oras. Binanlawan at nilagyang ng keratin.
I yawned. My back is already hurting and I feel numb. I look up to the clock hanging against the wall. It's pass 6 in the evening. Kanina pa akong ala-una rito. Anim na oras na pala ang lumipas.
"I just need to rinse this. Blow-dry your hair, put some keratin, style it and you're good to go," saad ni Cholo. Seconds of waiting turns into minutes until it became an hour.
"Should I bend the knee?" naimulat ko ang inaantok ko ng mga mata dahil sa narinig.
Matamis ang aking naging ngiti nang makita ang bagong kulay ng aking buhok. With the shame shade of hair color that Daeneris has and the light curls of it. Damn, I feel so fierce and beautiful.
"Good job, Cholo. I love it." After getting dress up in the salon's private room and settling my bills. I'm good to go.
I gulped and pull down the hem of my little black dress before I step out of the shop.
"Aniá..." Panimulang sinabi ni Dolce.
Marahan akong umikot sa harap niya. "Do I look beautiful?"
"You're always beautiful but your dress it's too short and revealing. Kapag nakita ka ni Sir Atlas sa ganiyang bihis, hindi niya 'yan magugustuhan." Nagpatuloy ang panenermon nito sa 'kin hanggang sa biyahe namin papunta sa Costello Towers.
"May madadaanan pa naman siguro tayong boutique. Magpalit ka na, Aniá."
I chuckled. Isang beses ko pang pinasadahan ang buhok ko. "Hindi niya naman 'to makikita e." Depensa ko.
Dahil na stuck pa kami sa traffic. Na-late na ako sa party ni Pixie ng kalahating oras, pero ayos lang naman 'yon. This is nothing formal so I have all the right to be late. This is just one of her many Friday night party that I often hoped in to entertain myself.
"Nandito na tayo." Tumigili ang sasakyan sa tapat ng entrance ng Costello Tower I. There's two of these. Ang Costello Tower I ay isang 50 storey five star hotel habang ang Costello Tower II na katabi lang ng Tower I ay 50 storey na condominium naman.
"Umuwi ka na, Dolce kay Pixie na lang siguro ako sasabay pauwi." Bilin ko rito bago ko sinarado ang pinto ng Tesla.
The moment I turned to the hotel entrance and took a step to enter, my feet freeze after his scrutinizing gray eyes met mine. I suddenly feel conscious of myself.
Atlas. Why is he here?
Nang humakbang 'to para lumapit sa 'kin ay parang gusto ko na lang magtatakbo bigla palayo. Teka, kailan ba siya dumating? Ba't walang nakapagsabi sa 'kin na nandito na siya?
He placed his arms on my waist and placed a kiss on my cheeks. "Good evening, wife."