SHAUN POV
'Nag-aalala sa akin si Blake!? Is it real?'
Pagkatapos linisan at gamutin ang sagot ko ay dumiretso na kami sa room.
'We're five minutes late! And dahil 'yon sa akin..'
"Why're you all late?" tanong ng Lec namin na si Miss Glade, mabait siyang Lec. Tumingin naman sa akin ang Lec at napansin niya ang benda sa braso ko. "What happened to you?" nag-aalala niyang tanong.
"It's nothin-
"Pinatid po siya ni Abby Hernandez sa canteen kanina pong lunch break!" pagputol ni Freya sa sasabihin ko.
"Nasabi niyo na ba ito sa Principal?"
"Hindi na po.. Hindi naman po malala ang nangyari sa akin, malayo naman po sa bituka hehehehe.." sabi ko.
"Okay, you may sitdown."
Nag-discuss lang ang Lec namin sa araw na 'yon. English teacher kasi siya.
Bago matapos ang subject namin ay nagbigay ang Lec ng small project. Tatlong member daw sa isang project.
"Shaun, partner tayo!" nakangiting alok sa akin ni Kevin.
"Sure!" pagpayag ko.
"Ako din." napalingon ako sa kanan ko ng magsalita si Blake.
"S-sali ka?" tanong ko.
"Ayaw mo ba? Okay lang kung ayaw m-
"N-no! No! No! Siyempre payag ako hehehe.." nakangiti kong sabi.
"Okay, class dismiss." anunsyo ni Miss.
Palabas na sana kami ng room ng tawagin ako ni Kevin.
"Shaun, sabay na ako sayo pababa.. Baka kung ano nanaman gawin sayo ni Abby e."
"Okay, thank you."
Ngunit walang Abby na nagpakita sa amin. Mas mabuti na iyon kaysa naman magka g**o nanaman. Ayoko pa naman ng g**o.
Nandito na kami sa parking lot at hinihintay nalang namin ang driver namin. Nauna na si Freya dahil nandoon na ang sundo niya. Naiwan kaming dalawa ni Kevin.
"Kevin.. Pwede mo na akong iwan dito."
"Kapag nakaalis kana, saka palang ako aalis."
"O-okay.."
Buti nalang at nakarating agad si kuya Robert. Bago ako pumasok ay humarap muna ako kay Kevin.
"Thank you Kevin, see you tomorrow." nakangiti kong sabi.
"You're welcome, basta ikaw." nakangiti niyang sabi habang tumataas-baba ang kaniyang kilay.
"Hahahaha.. Okay bye!"
"Bye!"
Sumakay na ako sa kotse at umandar din naman ito kaagad. Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si kuya Robert ay nagtanong siya.
"Shaun, sino 'yon? Boyfriend mo ano? Ikaw ah.." napatingin agad ako sa kaniya dahil sa tanong niya.
"Nako hindi po! Kaibigan ko lang 'yon"
"Talaga? Bakit parang hindi naman?" nakokolokong ngiti ang iginawad niya.
"Kaibigan ko lang po talaga siya. Promise!" natatawa kong sabi.
"Okay.. Sabi mo e." sabay tingin niya sa kabuuan ko. "Teka ano 'yang nasa braso mo! Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong.
"W-wala po 't-to, n-nadapa lang po a-ako."
"Sana ay nagsasabi ka ng totoo, dahil ayokong may nang-bubully sayo.. naiintindihan mo?" nakakunot ang kaniyang noo.
"O-oo naman po."
Pagpasok palang sa loob ay maaamoy mo na ang bango ng ulam! Dumiretso na ako sa dining area para makakain na.
"Hello Mom, Dad. Good evening!" salubong ko sa kanila pagpasok ko.
"Good even--- Oh my god, what happened to you?!" tumakbo si Mom papunta sa akin.
"M-mom it's nothing.. N-nadapa lang p-po ako."
"Are you sure baby?" takang tanong ni Dad.
"Y-yes D-dad, malayo p-po 'to sa b-bituka."
"Okay, let's eat.." kahit mukhang seryoso si Dad alam kong nag-aalala parin siya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at matulog.
Nang magising ako kay nag-ayos na ako at bumaba.
"Good morning Mom!" bati ko kay Mom.
"Good morning baby! How's your sleep?" tanong niya habang nakatuon ang pansin sa niluluto.
"Okay naman po, ang sarap po ng tulog ko!" nakangiti kong sabi.
"That's good, wag ka laging magpapapagod sa school mo ha.." malungkot niyang sabi.
"Of course Mom."
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung ano..
'Sino kaya 'to, unknown number e.'
Binuksan ko ang message at binasa ang kaniyang mensahe.
+63945739****
Good morning.. Saan tayo gagawa ng project? :)
Who's this?
Oh sorry, it's me Blake.
I don't know.. Tanong ko nalang later kay Kevin tutal next week pa naman ang pasahan.
Okay, see you!
See you!
'Paano niya nakuha ang number ko? Di bale itatanong ko nalang mamaya.'
In-edit ko ang name niya to Blake para naman makilala ko kung sino hehehehe..
Nang matapos akong makipag-text kay Blake ay kumain na ako ng breakfast at pumasok na sa school.
Pagpasok ko palang ay nakita ko na si Abby kasama ang mga abubot niya. Nasa bench sila nakaupo sa gilid ng field. Ang sasama ng tingin nila sa akin.
Hindi ko nalang sila pinansin at papunta na ako sa building ng room ko ng makarinig ako ng bulungan...
'In a relationship na daw si Kevin! At ang nakakagulat doon ay hindi girl kung hindi boy!'
'Oh my god, for real?!'
'Yes, at ang boyfriend daw niya ay yung transferee na si Shaun Mendoza I think??'
'Panigurado galit na galit ngayon si Abby!'
'At may nakakita daw sa kanila yesterday, hinatid daw ni Kevin si Shaun sa parking lot!'
'Oh my gosh, ang sweet!'
'Duh! That's not sweet! It's disgusting!'
Dahil sa narinig nagmadali akong pumasok sa room. At halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
Dumiretso ako sa harap ni Kevin na malalim ang iniisip.
"Hey, narinig mo ba ang pinagsasabi nila sa atin!" napatingin siya sa akin bago nagsalita.
"Y-yeah.. "
"So? Wala kang gagawin?!" nagtataka kong tanong.
"Anong gagawin ko? I don't know." naguguluhan niyang sabi habang kumakamot pa sa kaniyang ulo.
Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi niya. Tahimik naman si Blake sa tabi ko.
'Bakit ganoon ang iniisip nila?! Napaka OA naman! Just because hinatid niya ako we're in a relationship na agad?! Bakit ganito ang mga students dito?! Nakakapanghinayang!'
Nag cellphone nalang ako habang hinihintay ang Lec namin, maaga pa kaya mag se-cellphone nalang muna ako.
Bigla kong naalala ang text ni Blake sa akin. Humarap ako kay Kevin..
"Kevin, saan tayo gagawa ng project?" tanong ko.
"Ikaw? Saan mo ba gusto? It's up to you." nakangiti na niyang sabi.
Humarap naman ako kay Blake para matanong siya kung may idea ba siya kung saan pwede.
"B-blake.." tumingin naman siya agad. "M-may idea k-ka ba kung s-saan tayo pwede gumawa ng p-project?" naiilang kong tanong.
Hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga nangyari nung nakaraang araw!
"If you want pwede tayo sa bahay namin. Wala namang tao doon dahil laging nasa work ang parents ko." nakangiti niyang sabi.
Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa sinabi niya. Si Dad naman kasi kahit tutok sa work ay nakaka-uwi pa naman sa bahay. Hindi ko maisip na mawawalan ng time ang parents ko sa akin. Hindi ko kaya!
"O-okay, doon nalang tayo kung payag si Kevin.." sabi ko at humarap naman kay Kevin.
"Kevin, pwede daw tayo kila Blake. Payag ka?" nakangiti kong sabi.
"Gusto mo ba doon?" nagtaka man ako sa tanong niya ay sinagot ko padin ito.
"Yeah.." mahina kong sagot.
"Okay, payag ako." nakangiti niyang sabi.
Pumasok na ang Lec namin at nagturo lang at nagpasulat.
Discuss.
Discuss.
Lunch Break.
Wala naman masiyadong ganap sa araw kong ito. Kagaya na lamang noong first day, tahimik lang kahit may naririnig pa din akong mga bulungan. Pero ang sabi sa akin ni Freya ay huwag ko nalang daw pansinin.
Nakita ko din si Abby na nakatingin nanaman sa akin bago kami umakyat ni Freya sa building ng room namin.
Discuss.
Discuss.
Dismissal.
Binilisan nalang naming bumaba para hindi na namin makasabay sa parking lot sila Blake at Kevin. Baka ma-issue nanaman e.
"Bye Shaun! See you tomorrow!" paalam sa akin ni Freya bago siya sumakay sa kotse.
"Bye! See you!" nakangiti kong sabi habang kumakaway.
Sakto namang pagka-alis ng kotse nila ay ang pagsunod ni kuya Robert kaya naman pumasok na ako at umalis.
Paguwi ko ay kumain ako kasabay sila Mom and Dad. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.
Narinig kong nag vibrate ang cellphone ko kaya dali-dali akong kinuha ito at umupo sa kama.
Blake
Good evening! Anong oras tayo bukas? And saan kita susunduin?
Good evening, Ikaw bahala kung anong oras mo gusto.
Mga 12PM? Gusto mo ba sunduin kita sa bahay ninyo?
Okay, sa labas nalang ng village. Nakakahiya naman.
Okay, Good night. See you!
Goodnight, see you!
Pagkatapos kong maka-text si Blake ay humiga ako sa kama at nag-isip isip ng kung ano-ano nang maalala ko ang sulat galing sa locker ko!
Hinanap ko kung saan ko iyon inilagay. Hinanap ko sa drawer, bag, at kung saan-saan pa pero WALA!
'Saan ko ba 'yon nailagay?! Isip, isip, isip!' ALAM KO NA!'
Kinuha ko sa labahan ang mga pants na ginagamit ko sa school. At nakita ko nga ito! Kulay pula ang papel sa labas at nang binuksan ko ito ay kulay puti naman ang nasa loob.
'Matagal mo na akong kilala, pero hindi mo na yata ako naaalala. :('
'Ha?! Matagal ko na siyang kilala pero hindi ko na naaalala?'
To be continued...