Nagising siya na wala na si Lucas sa kanyang tabi. Agad siyang sumimangot. Pinatuloy lang yata talaga siya o nauna lang itong nagising. Nayayamot na nag-ayos siya ng sarili bago bumaba. May naririnig siyang tawanan sa may pool area at wala naman siyang makitang ibang tao sa sala. Kunot ang noo niya nang makita si Lucas at isang magandang babae na nagtatawanan. Walang fats sa katawan at matangkad. Tuwing tumatawa ay inilalapit ang mukha kay Lucas. Mukhang wala lang naman ito sa lalaki at umiling-iling lamang. Hindi niya nakayanan at naglakad na siya palapit. Hindi man lang napansin ng mga ito ang paglapit niya dahil may tinitingnan ang mga ito sa ipad na hawak ng babae. Kung hindi pa siguro siya tumikhim ay hindi mababaling ang atensyon ng mga ito sa kanya. Agad na tumayo si Lucas at hin

