Isang beses lang nagtagpo ang kanilang paningin at agad na itong umiwas pa sa kanya. Hanep lang din talaga ang isang Lucas Montecillo. Nakikita niya pa ang pinipigilan nitong mga ngiti habang nakaharap sa screen ng phone nito. "Mabuti naman at umuwi ka," pangunguna niya. "Bahay ko eh," pilosopong sagot nito. Nanlaki ang mga mata niyang hindi matanggap ang narinig. So, anong ibig nitong sabihin? Na parang mas siya itong walang karapatan na umuwi kasi siya naman ang nakikitira. Ang kapal din talaga ng mukha nito! "Hoy! Anong gusto mong sabihin? Baka nakakalimutan mo na ikaw itong gustong maikasal tayo!" Hindi ito umimik kaya mas lalong umalpas ang galit niya. "For your information! Bahay ko na rin 'tong bahay mo dahil kasal tayo! Kaya 'wag mong sabihin sa akin 'yan!" dagdag niyang si

