[KLIO POV]
Muli akong naglakad matapos kong malaman saang floor ako dapat pumunta. Hindi kalayuan nakita ko ang isang babaeng pasakay pa lang nag elevator kaya nagmadali akong maabutan yun.
"Oh! Ms. Krixton, ikaw pala yan." Si Bria ito. Malinaw pa din sa'ken ang boses niya. Kung alam ko lang na siya pala yun, sa sumunod na sana ako sumakay.
"Good morning, Bria.. I me-mean Ms. Brixton.." Pagtatama ko. Bakit ba hindi ko makuhang tawagin siya sa surname niya. Nakakahiya tuloy baka isipin niya masiyado akong feeling close dahil magkakilala kami.
"Ipagtimpla mo ko agad ng kape." Utos nito with fiercing look. Bago pa man ako makasagot ay humakbang na siya palabas ng elevator. Nagmadali naman akong sumunod.
Gaya ng sinabi niya, hinanap ko agad ang pantry kung san ako makakapagtimpla ng kape. Hindi naman ito mahirap mahanap kaya lang anong timpla kaya ang gusto niya.
Unang araw ko pa lang pero mukhang mapapasabak na ako. Dapat pala ito ang una kong inalam kay Ms. Fionna kahapon. Bigla tuloy akong napaisip sa mga narinig ko kanina.
Bakit naman kaya ilang assistant na ang hindi nakatagal sa kanya. Anong ibig nilang sabihin? Masama ba ang ugali niya? Pero sa pag kakakilala ko kay Bria ay hindi siya ganun kaya nga madaling nahulog ang loob ko sa kanya.
[BRIA POV]
Ito ang unang pagkakataong hindi ako na late ng pasok. Hindi naman ako proud o sa pinag yayabang ko yun kaya lang never talaga akong pumasok on time kahit nung hindi pa ako ang CEO.
Mabuti naman at hindi siya late dahil kung hindi matitikman niya agad ang angas ko.
Ilan sandali at ito na nga ang kape ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya habang palapit sakin.
"Here is your coffee Ms. Brixton.." Agad ko itong kinuha ng mailapag niya sa table ko. Marahan kong inangat para matikman.
"f**k!! Ito ba ang kape sayo?!" Salubong ang mga kilay kong bulyaw. Bahagya pang natapon ang kape ng ilapag ko to.Tinignan ko siya sa tipong gugustuhin na lang niyang maglaho sa kanyang kinatatayuan.
"Sorry.. Papalitan ko na lang po.." Maagap nitong tugon. Mabilis kong napansin ang pagtutubig ng gilid ng mga mata niya. Palagay ko hindi siya aabot ng isang linggo sa kumpanya ko.
Maliban na lang siguro kung isang kahig isang tuka na lang ang buhay niya ngayon. Wala siyang magiging choice kundi sikmurain lahat ng gagawin kong pagpapahirap sa kanya.
"I don't put sugar on my coffee, Ms. Krixton. Keep that in your mind." Taas ang kilay kong saad. May panlilisik ng mga mata at diin sa huling salita. Dahil sa pagkakatanda ko mahina ang utak niya. O dapat siguro sabihin kong tulog siya ng magsaboy ng kaalaman ang itaas.
Natataranta siyang lumabas ng office, dala ang kapeng matamis sa panlasa ko. Ang totoo hindi ako nagkakape ng walang asukal. Mas gusto ko pa nga ito kapag creamy. Marahil simula kahapon na install sa sistema ko na gawing delubyo ang pamamalagi niya rito hanggang sumuko na lang siya.
[KLIO POV]
Lahat ng paraan, masakit man ay ginawa ko para tuluyan siyang lumayo at kasuklaman ako. Kahit pa maging kapalit nun ay kalungkutan sakin. Wala akong choice.
Sa kabila ng lahat hindi ako nakatanggap ng kahit anong sigaw o galit kay Bria. Payapa siyang umalis ng araw na yon at hindi sumagi sa isip kong iyon na din pala ang huling pagkikita namin.
Ano naman sakin kung masigawan ako ng dahil sa kape. Napaka liit na bagay lang nito kumpara sa araw araw na pinaparamdam sa akin ni Tiya Lingga. Nasigawan na din naman ako sa mga dati kong trabaho.
Hindi ko lang lubos maisip kung bakit iba sa pagkakataong ito. Parang may barbed wire na pumulupot sa puso ko. Nahirapan akong huminga.
"Okay, ka lang?!" Madali kong pinahid ang likido sa pisngi ko bago humarap sa kanya.
"Oo. Pasensya na.. Gusto mo ba ng kape?" Pag aalok ko rito.
"No thanks, Im good. Ginagawang disaster naba agad ni Ms. Brixton ang buhay mo? Naku! Ganyan talaga yan siya kaya hindi ko na mabilang pang ilan ka ng assistant niya." Malaking parte ng sarili ko ang hindi ito magawang paniwalaan dahil malayo sa Briang nakilala ko.
"Ito na po ang kape nyo.." Malumanay kong saad, pagkuha sa kanyang attention bago ito nilapag sa table niya. Nanatili ang pag titig ko sa ginawa niyang pag inom, inaantay ang magiging reaksyon niya.
"You may go now.." Tipid nitong hudyat. Hindi ko man lang narinig ang gusto ko.
Pagbalik ko ng magiging pwesto ko natanaw ko ang umpukan sa gitna. Umandar ang utak ko, nagtaka kung anong meron. Ayoko naman magmukhang marites kaya binale wala ko na lang.
"Hey! Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko kanina. By the way I'm Yumi. And you are?" Inabot nito ang kanyang kamay ng may ngiti sa kanyang labi. Pinakilala ko ang sarili ko habang nag shake hands kami.
Malapit lang din sa table ko ang pwesto niya.
"Hmm anong meron?" Kinapalan ko na ang mukha kong magtanong. Marahil na sesense kong may koneksyon ako sa bagay na yon.
"Hindi ka naman siguro magagalit. Naging tradisyon na kasi dito na pagpustahan kung gaano katagal mag sstay ang isang assistant kay Ms. Brixton."
"Anong pusta mo?"
"Ako? Ang pusta ko? Hindi ka magreresign.." Napakunot ako sa sagot nya. Hindi iyon ang inaasahan kong marinig.
"Nagtataka ka no?!" Labas ang dimple nitong saad. Tumango tango ako.
"Alam mo kasi sa tinagal ko rito sa kumpanya, ikaw lang ang bukod tanging hinire ni Ms. Brixton na walang experience sa pagiging assistant.. Isa pa never siyang nag hire ng undergrad.."
Napangisi ako sa kanyang pahayag. Mukhang wala akong maitatago sa mga tao rito.
"Come to think of it.. May relasyon ba kayo?" Usisa nito. Hindi naman halata sa kanyang isa rin siya sa mga marites. Sumilay ang pagkadismaya sa kanyang mukha ng umiling ako.
Meron ba siyang nalalaman na hindi ko alam..
[BRIA POV]
Ngayon na isang not qualified ang naging assistant ko kailangan ko tuloy magkaroon ng sariling monitoring. Mahirap ng ipagkatiwala sa kanya ng buo ang mga business matters ko.
Pagtingin ko ng checklist ko may meeting ako with the owner of Harojishi Korean Food and Restaurant. Gusto kong makuha ung tie up sa kanila kaya pinag handaan ko talaga ang magiging proposal ko.
"Excuse me, Ms. Brixton aalis na po ba tayo?" Napatingin ako sa direksyon ng kumatok. Si Klio. Perhaps she knows about my meeting. In fairness she's being alert.
"Do you know how to drive?" Tanong ko. Mostly lahat ng naging assistant ko marunong.
Wag niyang sabihing hindi dahil masisira ang plano ko. I couldn't drive.
"Yes, I do.." Mahina nitong sagot. Kinuha ko ang bag ko at laptop saka lumabas ng office. Pasimple naman siyang sumunod.
[KLIO POV]
Sanay naman ako mag drive kahit nga truck kaya ko pero iba sa mga oras na to. Nasa tabi ko lang si Bria. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa likod pero pinili niyang umupo sa tabi ko.
Hindi ko alam kung anong purpose niya. Weird lang na tumabi sayo ang isang boss dahil natural sa kanilang sa likod umuupo. Malabo namang isipin na may gusto pa din siya sakin kahit pa bahagya niya akong tinukso nung araw ng interview.
Sobrang awkward tuloy ng sitwasyon. Ganito ba ang magiging set up namin araw araw?!
"Do you have a boyfriend?" Nawala ako sa ulirat.
"Wala po." Mabilis kong tugon, nakatuon pa din ang paningin ko sa daan.
"You mean, wala na?" Muling usisa nito. Hindi niya ko nagawang interviewhin, na hire na lang ako bigla tapos ngayon nakuha niyang magtanong patungkol sa personal kong buhay.
Anong trip niya?
"No boyfriend since birth, po.." Nahihiya man akong aminin pero hindi naman ako sinungaling na tao. Sa tanan ng buhay ko isang beses lang naman akong nagkaila.
Hindi ko rin naman kasi kino-consider na boyfriend si Devin dahil hindi naman yun nagtagal.
"Seryoso?!" Ismid nito ng may hindi pag sang ayon.
"Hindi mo naman kailangan maniwala-"
"Hindi talaga! Ang isang Klio Krixton na pinag aagawa ng lahat .... Hindi pa nagkakaboyfriend?? I mean that's odd.. Anyway ikaw yan.."