Chapter 23

1397 Words
"Kamusta na nga pala yung sinusulat nyong story, nakapasa na ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang main gate. Ngayon ko lang nakasama si Blue ng ganito kasi tuwing nakakasama ko siya laging anjan sila Rhed at lagi kaming inaasar. "Ah yun. Oo nakapasa na kami nagstastart na ngang magmemories ng mga lines eh." Saad nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, nagsisimula na sila nang hindi namin alam kung ano ang flow ng story at kung sino ang cast. "Talaga ba." Saad ko at binalik ang tingin sa daan na nilalakaran namin. I don't know kung bakit ako nakakaramdam ng pagkaoffend sa sinabi nya eh wala namang kaso sa akin kung ganyan ang nangyayari. "Nga pala Xiana." Tawag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko. "Nung nangyari noon sa may library." Saad nya sa akin na tila naiilang kaya napatingin lang ako sa daan at napangiti. "Yun ba? Alam mo yun yung araw na para akong hinahabol ng kabayo sa kaba ko nung umamin ako sa iyo. Nakakatuwa lang maalala na yun yung first confession ko sa isang lalaki and also my rejection, grabe yung iyak ko nun pag uwi ko ng bahay pero it was great. Naalala ko pa nga sabi mo sa akin dati friends pa rin at walang lalayo sa isa't isa pero lumayo ako kasi nahihiya ako." Pagkwekwento ko habang naglalakad kaming dalawa. "Pero alam mo masaya ako ngayon kasi magkaibigan pa rin tayo." Saad ko sa kanya kasabay ang paglingon at pag ngiti ko sa kanya. Nakita ko lang siyang napatingin sa akin at ngumiti lang ako sa kanya. May sasabihin pa sana siya nang makarating na kami sa main gate. "Sige mauuna na ako sorry napagkamalan kitang engkanto, pero yun nga gwapong engkanto." Pagbibiro ko sa kanya. "Sige bye." Sasd ko saka kumaway at naunang lumabas ng gate. Pagkalabas ko ng gate ay agad akong sumakay ng jeep pauwi ng bahay. Napapangiti na lang ako habang inaalala yung sinabi sa akin ni Blue kanina. Naalala nya pa pala yung araw na yun. Third day na ng intramurals namin and also the closing, sinabihan ako ni Dalaney na in the middle of the party aalis raw kami kasama ang mga barkada nya papunta ng bahay nila kasi birthday daw ng mommy nya. Nandito lang kami sa feild habang inaannounce ang mga awards namin, katabi ko si Vince habang nakikinig kami sa mga sinasabi ng POD namin "Vince." Tawag ko sa kanya "Hmm?" Sagot nya habang nakatingin sa stage. "Paano kung magiging tayo?" Saad ko sa kanya at gulat naman siyang bapatingin sa akin. "At papaano kung kinakailangan kong umalis papuntang Australia, willing ka sa LDR?" Pagpapatuloy kong tanong sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko. Well malalaman ko na rin siguro ang magiging sagot ko sa mga katanungan ko kung sasagutin nya ang mga tanong ko. Why would I settle for a relationship that can't take challenges in life? "Ahmm ano." Saad nya sa akin na tila baiilang sa sinabi ko sa kanya habang napapakamot sa kanyang batok. Napatango naman ako at napaalis ng tingin sa kanya. Oo nga naman sino ba naman ang papasok sa isang relasyon na magkakaroon ng LDR, kasi sa bgayong panahon hindi na siguro uso yung saliting 'pagtitiis'. "Depende sa magiging takbo ng relasyon natin, hindi naman natin maiwasang mag duda lalo na kung malayo tayo sa isa't isa." Saad bya sa akin. Napatingin lang ako sa sahig, may point rin naman siya. Malayo kami sa isa't isa hindi mawawala ang pagduda. "Pero kahit ganon pa mangyari I will be loyal to you and wait for you till the day you will come back." Sagot nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at napangi naman siya sa akin. "Wag muna natin isipin ang araw na yan, ienjoy muna natin ang mga moment na ito na magkasama." Saad nya sa akin kasabay ang pag ngiti kaya napatango ako sa kanya. May sasabihin pa sana ako nang tawagin na ang pangalan ko para kunin ang medal ko kaya nagpaalam ako sa kanya. I got four medals, 2 for gold in singles and mix doubles and 2 mvp in singles and mix doubles. Pagkabalik ko sa kinauipuan ko ay sunod namang tumayo si Vince para kunin ang kanyang award bilang gold sa soccer event. After ng awarding ay nagsimula na ang party namin, hindi ako nakisali sa tapunan ng colors and tubig kasi may pupuntahan pa kaming party nakakahiya naman kung mukha akong colorful na sisiw don kaya doon lang ako banda sa may ilalim ng puno habang nakatingin sa mga school mates kong nagtatapunan ng colors. Nakita kong tumatakbo si Vince papalapit sa akin habang punong puno ng iba't ibang colors ang kanyang mukha. "Hindi ka sasali?" Tanong nya sa akin at napailing lang ako. "May pupuntahan pa kasi ako." Saad ko sa kanya at napatango naman siya. "Sige na mag enjoy ka na don." Saad ko sa kanya at napangiti naman siya kasabay ang pagsenyas nya sa akin na babalik na siya roon. Ilang minuto ang lumipas nang biglang may nagsalita sa may stage ng ssg hub. "JUNIOR HIGH ARE YOU HAVING FUN?" Sigaw ng ssg president namin at nakita kong nakapwesto na ang orchestra at banda sa stage. "Yeahhhh!" Sigaw na sagot ng mga schoolmates ko. Nakangiti lang ako sa kanila habang nagsasaya sila, this is the first time na nagkasundo ang orchestra at band na mag collab kasi ang balita ko laging nagaaway ang mga members dahil iba ang genre ng kanilang tinutugtog. "Hope you enjoy this." Saad ng ssg pres namin saka siya bumaba ng stage. Nagsimulang tumugtog ang orchestra habang dahan dahan ring nagsisimula ang band naman ay sinasabayan orchestra then in the middle portion nag overlap ang band sa orchestra at magsimula nang kumanta ang singer ng banda. The song was narda by kamikazee and their music arrangement were so beautiful, kay tagal ko tong iniisip na kung papaano kung ang orchestra at band mag collab ano kaya ang magiging kinalabasan and here it is now napakagandang music. "Two genre has been united." Saad ng isang boses kaya napatingin ako at nakita ko si Dalaney na hawak hawak ang camera nya habang nakatingin sa ssg hub. "Maganda noh?" Saad nya kasabay ang pag tingin sa akin. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin kaya napaiwas tingin lang ako sa kanya. "Oo nga eh ang ganda ng arrangement." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman siyang humiyod kaya napatingin ako sa kanya. "Ang galing ni sir Ry noh classical orchestra tapos modern band." Sasd nya sa akin at napatango lang ako. Nakikinig lang kami sa music habang nakikijam sa kanta most of the songs are kamikazee, parokya ni edgar at Cueshe. Habang nakikijam kami ay biglang dumating si Vince kasabay ang pagakbay sa akin kaya nagulat ako nakita ko namang napatingin si Dalaney sa amin. "Dan picturan mo naman kami oh." Saad nya kay Dalaney at nakita ko namang umirap siya kaya natawa ako. Pinicturan nya kaming dalawa ni Vince habang nahahalata ko kung papaanong naiinis si Dalaney kaya natatawa na lang ako. Pagkatapos ng picture ay tiningnan ni Vince ang picture namin, pupunta na rin sana ako nang dumating mga barkada ko at nagkwentuhan kami kung saan kami pupunta after pero sabi ko sasama ako kay Dalaney. Narinig ko namang nagbabangayan silang dalawa kasi daw sa akin lang daw nakafocus yung magandang pic tapos sa kanya daw mukhang ewan. "Dalaney picturan mo naman kami." Saad ni Rhed kaya natigil sila sa pagbabangayan at nakita kong dinilaan ni Dalaney si Vince. Pumwesto kaming magbabarkada at nagpapicture kay Dalaney, after namin magpapicture ay nagpapicture na rin si Blue at si Zack sa akin. Maging si Dalaney ay nagpapic na rin sa akin. Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin kasabay ang pag sign of peace namin habang nagpapapicture. Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko habang yakap nya ako at malapit siya sa akin. Hindi ko ba alam kung kinakabahan ba ako o ano. "Madaya naman bakit kayo mag kahug tapos ang ganda ng picture nyo." Asal batang saad ni Vince kay Dalaney kaya natawa ako sa kanila. "Malikot ka kasi." Naiinis na saad ni Dalaney sa kanya. Nagpapicture kaming ulit ni Vince this time hawak nya ang ulo ko at nakahawak ako sa kamay nya habang nakasmile siya at ako inis na inis kasi ayaw kong hinahawakan ang ulo ko at ang bigat kaya ng kamay nya. After ng picture ay kinurot ko siya sa gilid at ahad naman siyang napahiyaw sa sakit pero nagtawanan lang kaming dalawa at nag asaran. Matapos ang ilang pics and asaran namin ay nagpaalam na kami ni Dalaney na pupunta sa birthday ng mommy nya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD