Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin pinapansin si Vince, magdusa siya sa ginawa nya sa pinsan ko. Inaabangan nya ako tuwing break sa practices pero lagi kong ginagamit ang mga kateam mate ko para hindi siya pansinin, pero may mga times na dadaan ako sa soccer field everytime na tumatakas ako sa practices at palihim lang akong nakamasid sa kanya pero napapansin kong madalas na nasa soccer field rin si Nycole, hindi ko lang naman pinapansin kasi baka nanonood siya ng laro and baka isa sa mga soccer players ang nobyo nya.
Opening ceremony ngayon ng city meet and sa wakas after all the practices makakalaro na rin kami, nandito lang kami sa bleachers habang nagpproprogram, wala naman akong pake sa kung ano anong mga pinanggagawa nila jan sa stage eh, kaya heto ako nakasuot lang ng earphones at nagbabasa ng libro ni sir Arthur Conan Doyle na the sign of four. Nakakaamaze lang kasi kung paano na sosolve ni Sherlock Holmes ang mga cases.
Nagbabasa lang ako,malapit na ako sa pint point eh nang makaramdam ako ng pagtapik sa akin sa balikat kaya napatigil ako sa pagbabasa, nakakainis naman neto nandon na ako eh. Napatingin naman ako sa dereksyon kung sino ang tumapik sa akin at nakita ko si Lance na nakatayo at sinenyasan akong aalis na kaya agad ko namang inilagay sa bag ko ang libro at tumayo na rin mula sa pagkakaupo ko. Tapos na pala ang ceremony, hindi mo man lang naramdaman. Agad kaming naglakad pabalik sa bus namin kasi ihahatid kami sa location kung saan ang magiging laro namin and hello to my favourite place, Hello Chingla. Sa Chingla kasi ang location ng dart tournaments rito sa city and isa rin sa mga dart house, member nga kami ni papa rito sa organization ng players rito kaya kabisado ko na ang galawan at paano pumwesto sa mga dart boards. Pagkarating namin ay agad kong binate si kuya Yoyong ang manager rito sa resto.
“Hi Xiana, good luck sa laro mamaya.” Saad nya sa akin.
“Thank you kuya, sana nga po manalo, mukhang ako lang ata babae rito.” Saad ko sa kanya at tumawa naman siya.
Dumeretso kami sa dart area sa may garden, at nadatnan namin ang mga ibang players ng iba’t ibang discrict na naglalaro at halos lahat nga lalaki at mukhang tatlo lang ata kaming babae rito at mukhang kami lang rin ang maglalaban sa placement, double event ako singles and doubles kasi wala ng ibang players buti nga at may kasama akong babae sa district namin.
Agad kaming pumwesto sa isang table at kinuha namin ang mga pins namin para makapagpractice na rin, habang inaantay pa ang iba. Nang maayos na namin ang mga gear ng pins namin ay nakisali na rin kami sa pila ng mga players na naglalaro.
“Oiy andito na pala si Xiana.” Saad ni Drake na galing sa district 5, napalingon naman ako sa kanya at napangiti.
“Good luck sa laro mamaya.” Saad ko sa kanya.
“Thank you, sa iyo rin. Sayang di natin makakalaban ang isa’t isa.” Saad nya sa akin.
“Yun na nga eh, dibale may tournament naman sunod dito sa café eh baka magkalaban na naman tayo, pero parati naman akong lugi sa iyo ang galing mo kaya.” Saad ko sa kanya.
“Hindi patas lang tayong dalawa noh, nagkataon lang nun na naunahan kitang matapos ang 501.” Saad nya sa akin.
“Sabagay, sunod na youth tourna tayo mag partner sa doubles ha.”
“Sige ba, sabihan na lang natin kaagad si kuya Yoyong para alam mo na wala nang singit.” Saad nya at natawa kaming pareho.
Naputol ang usapan namin nang magpractice na ako at narinig ko naman ang pg hiyawan ng mga ibang players nang tumama ang tatlo kong pins sa triple 20, bumalik ako sa pinakalikod na linya pero bago pa nun ay nag apir kaming dalawa ni Drake. Grabe practice pa nga lang naubos na lahat sa triple.
“Practice pa lang nga nangiinit ka na kaagad.” Biro sa akin ni Lance.
“Pabibo yung pins ko eh atat nang maglaro.” Pabiro kong sagot sa kanya.
Nagpractice lang kami na nagpractice, we have the whole lich to practice kasi mamaya pa 1 ang laro namin and it’s still 10 in the morning, I took a break. Mas mabuti pang kumain na lang ako ng maaga bago maglaro kasi hindi ako makapagconcintrate pag busog ako kaya agad akong pumasok sa resto para umorder ng makakaain.
“Xiana kakain ka na?” tawag na tanong sa akin ni Drake habang naglalakad papasok ng resto kaya napalingon ako at napatango sa kanya, tumakbo naman siya papalapit sa akin at sabay kaming naglakad papuntang resto.
Si Drake yung reason kung bakit ako nagstrive na nagstrive dati para mapaayos ang tira ko at gumaling sa dart nasa grade 7 kami nun nang una kaming magkakilala dahil lang rin sa city meet, naamaze ako sa kanya maglaro kasi napakagaling nyang maglaro at dahil don naging crush ko siya for almost 3 months, then nagulat na lang ako na same dart café lang pala kami naglalaro and same organization kaya naging magkaibigan kami and naging close akala ko nga dati magugustuhan nya ako pero may pinopormahan pala siyang iba kaya I remain friend to him. At napakatorpe nya yan tinatawagan nya ako dati tuwing natotorpe siya kung nakakasalubong nya yung babaeng pinopormahan nya kaya tinulungan ko siyang mapalapit don sa babae even if na nagseselos ako and wishing na sana ako na lang yung babae. Then yun gumagalawan siya don sa babae, binibigyan nya ng mga pagkain hinahatid sundo nya. Pero hindi siya official na nanliligaw don sa babae, pero ginagawa nya pa rin yun kahit naiilang yung babae at magpahangang ngayon na grade 10 na kami ginagawa nya pa rin yun. Nakakatouch lang noh kasi napakapassionate nya through the years.
“Oh kamusta na kayo ni Kyla?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa counter.
“Eto tulad pa rin ng dati, ewan ko ba.” Malungkot nyang saad sa akin.
“Bakit hindi mo kasi sabihin na liligawan mo na siya.” Saad ko sa kanya.
“Eh hindi pa pala panliligaw yung ginagawa ko sa kanya?” tanong nya at binatukan ko siya.
“Sira ka ba? Ba malay nya ba na panliligaw pala yung ginagawa mo baka nasaisip nun caring ka lang talaga.”
“Sakit nung sinabi mo ha, caring lang?” malungkot nyang saad sa akin, kaya napairap ako sa kanya.
Pagkarating namin sa counter ay agad akong umorder ng chicken garlic at ganon na rin si Drake umorder rin siya ng lunch nya together with the beer pagkatapos naming umorder ay hinila nya ako papunta don sa secret area ng chingla na kung saan exclusive for members ng dart, alam ko na kung bakit gusto nyang kumain rito kasi may beer siyang dala.
“Sira ka ba iinom inom ka magtatago ka rin naman pala.” Saad ko sa kanya nang makapasok kami roon.
“Tahimik ka lang mamaya may makarinig magsusumbong pa yan.” Saad nya sa akin kaya napailing na lang ako sa kanya.
Si Drake kasi naimpluwensyahan na ng mga matatandang dartero sa organization an hindi makakafocus sa laro kapag hindi nakainom ng beer, meron pa nga yan one tournament na natalo ako and ang parusa iinom ng isang malaking baso ng alak na may mataas na alcoholic content pero sinalo nya yung inumin ko kasi ayaw nya raw na ang mga kaibigan nyang babae ay umiinom ng matatapang na inumin kaya after nun nalasing siya and naguilt ako kasi ako dapat yung iinom nu pero sinalo nya para sa akin. Well si Drake yung tipo ng lalaki na protective sa mga kaibigan nyang babae kaya nga halos lahat nafafall sa kanya at siya rin yung tipo ng lalaki na mahaba ang pasyensya pero saksakan naman ng katorpehan doon sa gusto nyang babae pero sa mga kaibigan nyang babae napakaingay nya yan.
Nang dumating yung order namin ay agad na kaming kumain, habang kumakain ay inaaway ko siya sa pagiging torpe nya na bakit umabot ng ganon katagal na panahon tapos hindi pa rin naging sila, pagkatapos naming kumain ay ininom nya na ang isang bote ng beer na inorder nya.
“Ohh nasa kondisyon na ang katawan mo?” tanong ko sa kanya and he gave me a thumbs up and smile at me.
Lumabas na kami ron at bumalik na sa dart area patuloy pa rin ang pagprapractice namin, hiniram namin ang isang board kasi ang halos lahat ng players nag lunch na kaya iilan na lang ang nagagamit na board, naglaban kaming dalawa and puro 9 to 12 darter pins lang ang nagiging laro namin, nakakuha kami ng atensyon mula sa ibang players kaya yung iba nanood na lang sa laban namin ni Drake habang yug iba patuloy pa rin sa pageensayo.
In the end of the game si Drake pa rin ang nanalo, kalian pa ba nangyaring matatalo ko si Drake sa mga tournaments? Kaya nga parati kaming nakakaabot nyan sa Nationals yun nga lang hindi ako nakaakplace kasi napakalakas ng ibang players and hinalo na ang category ng babae sa lalaki kay napagiiwanan ako dahil na rin sa kaba lalo na’t takot akong makalaban ang mga players ng Caloocan, Cagayan at Leyte dahil napakagaling ng mga players nila halos lahat 9 darter pins.
Pagkatapos naming maglaro ay nagpahinga muna kami ni Drake para makundisyon ang mga katawan namin para mamaya.
“Drake, magpapatalo ako sa regionals.” Out of the blue kong saad sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
“Bakit? Iiwan mo akong lalaban sa nationals?” gulat nyang tanong sa kanya, deretso lang akong nakatingin sa sahig, ayaw kong makita ang mukha nya baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak, like kami kasi parating magkasama sa mga tuwing tournament sa nationals kami lang dalawa ang nakakasurvive sa regionals galing sa city namin.
“Ganon na nga, sorry Drake ha ito na yung last time na mag sasama tayo sa regionals…” saad ko sa kanya at napatingin sa kanya “Galingan mo sa nationals ha.” Pagpapatuloy kong saad sa kanya at ngumiti.
Nakita kong napakunot noo siya sa akin at hindi nya maintindihan kung ano ang pinagsasabi ko sa kanya, napaiwas tingin lang ako at napatingala sa kisame kasabay ang pagbuntong hininga ko.
“Hmm let’s say that the world is unfair, that we can’t take each other’s path until the end.” Saad ko sa kanya. “Just promise me one thing.” Saad ko kasabay ang pagtingin ko sa kanya. “That you will win in the regional and national ok, so that I can also feel that I also win.” Saad ko sa kanya at napangiti naman ako sa kanya, napatulala lang siya sa akin kaya ginulo ko ang buhok nya at kinurot ko siya sa pisngi.
“Mamimiss kitang torpe ka.” Saad ko sa kanya pagkatapos ko siyang kuritin at tila natauhan naman siya.
“Saan ka ba pupunta? Mamatay ka na ba?” sunod sunod nyang tanong sa akin at natawa naman ako sa kanya.
“After city meet pag nanalo tayo ok?” saad ko sa kanya kasabay ang pagkindat ko, napabuntong hininga nama siya at napatango tango sa akin.
Hindi ko pa nakwekwento sa kanya ang pagalis ko papuntang Australia, kahit sabihin pa nating kaya kong makapasok sa nationals pero pagdating kasi ng nationals nasa Australia na ako by that time kaya hindi na ako makakapaglaro pa para sa region ko pero babalakin ko pa ring makuha ang bronze para paniguradong hindi ako makakalaro sa nationals, in fact hindi naman iikot ang buong buhay ko ng dahil lang sa dart and wala namang Universities na kukuha sa akin para maglaro sa kanilang school and sa Australia in just 3 years makakamit ko na ang pangarap kong maging nurse at kung papalaring makahanap ng scholarship for med school I will grab that opportunity yun nga lang mag isa akong makikibaka sa ibang bansa at paghihirapan ang ipagbabayad ko sa half scholarship ko. It’s a hard choices but it is training for me to be independent.