|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Inaantok akong nag-unat-unat matapos ang buong klase ng umaga, sa buong oras na lumipas wala akong nagawa kundi pumikit at maghikab. Walang pumasok sa utak ko na kahit ano sa mga lesson namin. Makiki-kopya na lang siguro muna ako ng Notes kay Ellie. Halos magdamag kasi akong di nakatulog kagabi dahil sa naramdaman ko at nakita ko sa may tapat ng bahay na bakanteng lote. *****Flashback***** Mabilis kong binuksan ang Gate namin. Wala na doon yung nakita ko pero nakakaramdam parin ako ng kakaiba sa paligid, mas kinabahan pa ako lalo nang makita ko ang libro na nagbago na naman ng liwanag. Wala ng lingon-lingon, mabilis akong pumasok ng bahay. Nakita ko pa si Nanay at Tatay na nanunood sa Sala. "Oh, andyan kana pala, sana'y tinawagan mo ako para nasundo ki

