|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Madilim pa sa buong kwarto nang magising ako dahil sa ingay na nang-galing sa kung saan. Liwanag lang ng ilaw mula sa mga poste sa labas ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ko. Kusot mata kong tinignan ang sahig sa gilid ng study table ko dahil narinig ko kanina na may bumagsak doon. Ilang minuto rin siguro akong naupo lang at walang ibang ginawa kundi pagmasdan ang nahulog na laruang naka-display lang sa ibabaw ng Study Table ko. Nang ibinalik ko yun sa ibabaw ng mesa ay di ko na naman maiwasang maluha. Hinawakan ko ang upuan na nakatabi sa may Study Table, yung paborito nyang upuan. Dalawang araw na lumipas matapos ang nangyaring pagpasa ni Andress sa akin ng lahat-lahat bilang ganap na bagong Bearer ng Libro, nakakalungkot lang na yun na rin ang hu

