|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Nasa Library ako ngayon kasama si Ellie, kasalukuyan akong naghahanap ng libro na kasama sa re-review-hin ko. Ito na ang araw ng Preliminary Exam namin, dalawang subject ngayon tapos dire-diretsyo na hanggang sa Friday.
"Besh, kinakabahan na talaga ako." ito na naman sya. Kelan ba ako makakapag-monologe sa iisang Chapter na wala sya. Author baka naman, alam mo na, rest day nya muna para mapayapa ako.
"Hoy wag mo nga ginaganyan si Author sya kaya ang pinaka-cute na Author sa balat ng lupa. Tyaka bakit ba? Ayaw mo ba akong kasama?"
[Otor: Wag kang mag-alala Jian, darating din tayo dyan. Tiis-tiis ka lang muna sa kanya. Sige na. Baboshh!]
"Ohh, narinig mo yun? Hala ka, kung ako sayo Ellie papakabait na ako, baka mamaya last day mo na dito yan."
"Waaahh!! Wag naman, parang awa nyo na bata pa ako tapos.. tapos Virgin pa ako ei, totoo yun itanong nyo pa sa Mommy ko. Tyaka magpapakabait na ako ng slight."
"Slight lang talaga!?" Gaga talaga, magpapakabait na nga lang slight pa.
"Oo, deeba kapag mabait masyado namamatay agad. Sabi nga sa kanta ~Ang bait mo naman sana kunin kana ni Lord~ ohh deeba kaya tama na yung konti-konti lang." Tsk. Di talaga papatalo, a-ano pa eh.
"Bahala ka nga, sa baranggay ka na magpaliwanag." irap ko sa kanya. Nang makuha ko na ang mga kailangan kong libro ay bumalik na ako sa table ko.
"Sure ka ba na ganyan kadami ang babasahin natin?" tanong na naman nya. Paano ako makakapag-concentrate nito sa pagre-review?
"Ellie, sinasabi ko lang talaga sayo pag ako di nakapag-review humanda ka sa akin. Ang dami mong tanong para naman magbabasa ka rin. Bakit magbabasa ka rin ba?" tanong ko sa kanya. Kakairita eh.
Napa-pout na naman sya ke-aga-aga. Ano ba naman yan. "Hindi din. Yung nasa notebook ko na lang babasahin ko. Dadaanin ko na lang sa make up project pag bagsak, sakto mura ang isang set ng Make up sa mall ngayon." Aahhyy naku Ellie. Mababaliw na talaga ako sa babaeng 'to!
"Ellie ha, ito na magbabasa na ako. Behave ka lang dyan. Sit lang, behave ok?" sabi ko. Super tingin lang ako sa kanya nang bigla syang ngumiti.
"Arf! Arf!" patahol nyang sagot. Di yun nakaligtas sa akin kaya natawa ako ng may kalakasan tyaka ko lang naalala kung nasaan ako.
"Quiet. Nasa Library kayo wala sa labas. Kung di makapagpigil ang bunganga lumabas na lang." sita sa amin. Ayan tuloy nasita na ako ng Librarian. Bakit ba tuwing dadaldal si Ellie di sya nahuhuli tapos pag-ako na laging na-a-award-an. Hayys bwetit!
Napansin kong nakatakip na pala ng bibig si Ellie at nagpipigil ng tawa. Bwesit talaga, ako pa ang nabaligtad. Pinakatitigan ko na lang sya ng masama at sinenyasan na magbabasa na ako. Tumango naman sya at nagbuklat na rin ng librong kinuha nya. Kukuha ng libro wala namang relate sa subject! Baliw talaga.
Kung di nyo natatanong kahit ganyan yan si Ellie ma-utak yan, i mean yung mautak na hindi super talino ha, yun bang nagagamit ang utak sa diskarte. Noong First year kami kasad-saran din ng exam no'n di ko man lang nakitang nag-review yan pero nagulat na lang ako na kasama sya sa top 10 namin. Noong tinanong ko sya umamin sya na may kodego sya.
Nagtaka ako non dahil noong pinapasok kami ng room wala kaming dala kahit na ano liban sa ballpen namin. Ing-check pa nga isa-isa mga bulsa at sapatos namin eh para walang makapandaya o makadala ng kodego pero sya.. naitago nya. Ang sabi nya isiniksik daw nya sa panty nya. Ohh diba ang utak, minsan daw talaga panty lang sapat na. Ing-tabi pa nga daw nya yung papel hanggang ngayon ei, remembrance daw. Juskes!
Wala pang minuto ang lumilipas ng magsimula akong magbasa nang kalabitin ako ni Ellie. Dahan-dahan kong binaba yung librong hawak ko at binigyan sya ng makapatay titig. Nag-peace sign ang gaga pero may itinuro sya.
"Si jowa mo."
Nagpanting kaagad ang tenga ko nang marinig ko yun. Sasagot sana ako sa kanya kaso naramdaman kong may presensya ng taong nakatayo sa likuran ko.
Di ko na nagawa pang lumingon dahil tumabi na rin naman sya sa akin at ibinaba ang dala nyang notes. Nakangiti namang kumaway sa akin si Samuel na umupo sa tabi ni Ellie at kita kaagad ang pagka-irita ng Loka.
"May isa akong di maintindihan sa tinuro mo. Tinanong ko rin itong si Sam kaya lang bugok din." walang ka-abog-abog na sabi ni Jarent. Tinignan ko muna sya sandali bago tumingin sa nakabukas na note.
"Grabe ka naman Insan, di ko din naman kasi maintindihan yan eh." depensa pa ni Samuel sa sarili nya. Di naman sya pinansin ng pinsan nya pero ang katabi nya..
"He is right din naman kasi. Bugok ka talaga, Itlog." pang-aasar ni Ellie sa katabi. Wow! sa kanya pa talaga nanggaling!?
"Wow ha, nagsalita ang Genius." puno ng sarcasm na sabi ni Samuel.
"I know right." maarteng sagot ni Ellie sabay flip ng buhok nya. Naiiling na bumaling na lang ulit ako sa note na hawak ko. Napansin ko na medyo mahirap nga ito dahil kahit ako nahihirapan din, sa Accounts na kasi ito.
Matapos alalahanin ay tahimik kong itinuro ito kay Jarent. Nakakatuwang seryoso rin sya at handang makinig mabilis rin syang pu-mik-up kaya di na ako nahirapan. Sa buong linggong nakalipas na tinuruan ko sya nakukuha nya kaagad kahit minsan ko lang ituro at kahit na paputol-putol ko na ituturo dahil every break time lang.
Minsan nga minali ko yung isa para tignan kung nakikinig sya pero kinabukasan abot-abot ang pagmamaka-awa ko sa kanya no'n na wag akong patayin kaya naman lesson learned na ako doon. Yun nga lang sumigaw ako ng "Ang Panget" nya halos di na nya ako tinigilan sa pambu-bully nya.
Nang makuha na nya ay tahimik na rin syang nagbasa kaya naman ganun rin ang ginawa ko at hinayaan na lang ang dalawa na nagtatalo sa harapan namin. Nakaka-baliw silang tignan, mukha silang nagsisigawan pero walang ingay dahil nga nasa Library kami. Tsk, mga baliw talaga mabuti na rin yung may ka-guluhan si Ellie kesa ako guluhin nya.
Halos patapos na ako sa pagbabasa nang tumunog na ang bell. Nag-inat-inat muna ako bago tumayo at binalik ang librong kinuha ko. Napahawak pa ako sa bookshelves nang biglang sumakit ang ulo ko. Nasobrahan na naman yata ako sa pagbabasa.
"Tara, Besh." tawag sa akin ni Ellie na malapit na sa pintuan. Nasa unahan nya sila Jarent at Samuel na mukhang hinintay din ako.
•••••
"Ayan naa!!! Naku, kinakabahan ako!" Patiling sabi ni Ellie. Nasa harapan kami ng Room na pag-e-exam-an namin at kita sa mukha ng iba na kinakabahan sila pero may ilang parang wala lang, mukhang mga handa sa gyera. Itong si Ellie kung gyera lang ito tudas na 'to, may baril na dala pero walang bala.
Ilang sandali lang ay bumukas na rin ang pinto at pinapasok na kami isa-isa. Katulad dati wala kaming dala kundi ballpen at may kap-kapan na naganap, may ilang nahulihan ng kodego at automatic di na sila pina-exam at kailangan nilang mag-punta sa Office para magpaliwanag.
Nang makapasok sa bandang tabi ko si Ellie na-upo, nakalampas pala sya. Sinensyasan ko sya kung may dala sya pero umiling sya. Naku, alam na ang mangyayari dito sa babaeng 'to.
Ilang sandali lang ay sinara na ang pinto at pinaayos na kami. Pinasahan na rin kami ng test papers at answer sheets.
"Alam nyo naman na ang rules and regulation ng exam. Bawal lumingon. Bawal magtanong sa katabi at bawal na bawal ang mag-kodego o mangopya. Nakita nyo naman na may mga nahuli na kanina, sa mga nakalusot dyan tignan lang natin kung magamit nyo yang mga kodego nyo. Yun lang naman, you can start now." matapos magsalita ng Prof na magbabantay sa amin ay nagsimula na rin kami.
Tahimik na ang buong Classroom, ang maririnig mo lang ay tunog ng pagsulat ng ballpen. Tinignan ko bawat tanong sa test paper. Mukhang di naman ako mahihirapan dahil sa nabasa at naaalala ko pa naman ang iba dito.
Gusto ko sana tignan si Ellie kaya lang baka mahuli ako, bawal kasi lumingon ei. Naku, goodluck na lang talaga sa kanya.
Tahimik lang akong nagsasagot sa aking Answer sheet nang bigla na namang sumakit ang ulo ko. Hindi ko sya pinansin dahil kaya pa naman pero unti-unti humihina ang pandinig ko at parang lumalabo ang paningin ko. Napahawak ako sa aking dibdib nang kumabog ito ng sobrang lakas, sa sobrang tahimik wala akong ibang marinig kundi ang mabagal ngunit malalakas na kabog ng aking puso.
Gustuhin ko mang gumalaw para humingi ng tulong ay hindi ko naman magawa. Para akong na-paralyse. Hindi makakilos at makapagsalita. Ang tanging nagawa ko na lang ay hawakan ng madiin ang aking ulo at dibdib na parehong sumasakit. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Ano ba itong nararamdaman ko? Paggising ko kaninang umaga ay hindi na rin maganda ang pakiramdam ko pero nawala naman no'ng nandito na ako sa School.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng boses. Boses na hindi ko alam kung saan galing. Parang tinatawag nito ang pangalan ko at paulit-ulit.
Ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo ay unti-unting nawawala. Ang pagkirot naman sa aking dibdib ay napapalitan ng kakaibang init na masarap sa pakiramdam. Nang tignan ko ang aking dibdib ay may nakita akong parang maliit na liwanag na parang tumitibok din.
Napanganga na lang ako sa gulat at pagtataka. Hindi ko alam kung saan galing itong Gintong Liwanag na singlaki lang holen na tumitibok-t***k din sa bantang dibdib ko. Sinilip ko pa ang loob ng suot kong uniform sa pag-aakala na sa damit ko lang yun pero mas nagulat ako dahil galing yun mismo sa loob ng aking dibdib. Lumakas ng lumakas ang pagliwanag nya kada t***k nito at pabilis rin ng pabilis nang bigla na lang itong nagsabog ng nakakasilaw na liwanag.
Napapitlag ako sa gulat nang may biglang humawak sa aking balikat. Mabigat ang aking paghinga at para akong pinatakbo ng napakalayo sa pagod na aking nararamdaman. Pinagmasdan ko ang paligid, tahimik parin ang Classroom at abala parin ang lahat sa pagsagot sa mga test papers nila. Ako naman ay nandito parin sa upuan ko, nagtataka sa nangyaring kababalaghan na wala man lang nakapansin.
"Are you okay, Mr. Madrigal?" tanong na umagaw ng atensyon ko. Tiningala ko kaagad ang taong nakatayo sa aking gilid, nakahawak sya sa aking balikat.
"A-ahh.. y-yes.. yes, Ma'am." utal-utal kong sagot dahil parin sa pagtataka. Sinuri lang nya ako sandali ng tingin bago sya tumango.
"Okay. Continue your exam." sabi na lang nya bago ito nag-ikot sa buong classroom.
Palihim akong nagmasid sa paligid. Normal parin ang lahat at abala sa pagt-take ng exam. Napahawak ako sa aking dibdib at yumuko para pagmasdan ito, wala ng liwanag.
Ano ba talaga yung nangyari!? Yung biglang pagtahimik ng paligid. Yung paglabo ng aking paningin. Yung pagsakit ng ulo ko at yung liwanag na bigla na lang lumabas sa dibdib ko. Ano ang mga yun? Tyaka yung boses.. saan galing yung boses na yun at sino yun?
Hallucination. Baka nga. Baka dala ng stress at puyat sa pagre-review kaya kung ano-ano na lang ang nakikita at naririnig ko, isa pa ay hindi rin maganda ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang magpahinga.
•••••
Matapos ang humigit dalawang oras ay natapos na rin ang Exam, matapos naming maipasa ang Test and Answer papers namin ay nagsilabasan na kami. Tuwing Term Exam ay half day lang kami kaya pwede na kaming umuwi kung gusto namin.
"Waahh. Bangungot! Bangungot ang Exam na yan!" malakas na sigaw ni Ellie pagkalabas namin. May ibang natawa at may iba namang umayon sa sinabi nya.
"Mag-re-review pa talaga ako ng maigi sa susunod." rinig kong sabi din ni Samuel. Mukhang hindi sya confident sa exam nya.
"Mukhang alam na kayong pareho ah. Ayan kasi harutan pa more." pang-aasar ko naman kanila Samuel at Ellie na parehong nakabusangot. Napatingin ako sandali kay Jarent mukhang naka-relax lang sya.
"Kamustang Exam?" tanong ko sa kanya. Syempre bilang isang linggo ko syang tinuruan doon ko malalaman kung maayos ko ba syang naturuan.
"Ayos lang." yun lang ang sagot nya bago naglakad. Ugali talaga nya, di man lang nagpasalamat. Tsk, salamat Jian huh!!
Naglakad na rin kami ni Ellie palabas, wala naman ng pasok eh kaya uuwe na lang ako para magpahinga. Kahit anong gawin kong di pag-iisip sa nangyari kaninang kababalaghan sa akin sa Classroom ay nagbabalik parin sya sa isipan ko. Kailangan ko nga talaga ng pahinga.
"Jian, sama kayo sa amin. Kain tayo sa labas libre namin." nakangiting aya ni Samuel sa amin.
"Naku hindi na, salamat na lang. Masama din kasing pakiramdam ko eh, next time na lang." nakangiting pagtanggi ko na lang.
"Ganun. Sayang naman, sige next time na lang pala. Pahinga ka. See you tomorrow. Uy, Ellie." paalam nya sa amin ni Ellie, snob lang ang binalik ni Ellie na mukhang wala sa mood.
Nagtataka din ako sa isang ito, dati dati puro gwapo ang hinahanap ng mga mata nya tapos ngayon kung makairap sya kay Samuel wagas. Gwapo naman si Samuel, mukha nga lang syang pilyo pero mabait naman sya kumpara sa Pinsan nyang hari ng sama ng loob at pambu-bwesit.
"Uyy ano na Besh, una na ako. I have a lot to do today. Magl-live ako today para pangtanggal stress sa nightmare na Exam na yan! Feeling ko tuloy tumanda ako dahil sa stress." sabi ni Ellie habang nagmama-arte pang nagku-kwento.
"Sige na, uuwe rin ako dahil masama ang pakiramdam ko. Kita na lang bukas." paalam ko rin sa kanya. Hinintay ko muna syang makasakay bago ako pumara ng masasakyang taxi. Nang may nakita ako ay sumakay na ako at sinabi ang adress.
Isinandal ko muna ang ulo ko at sandaling pumikit, hindi ko alam kong anong nangyayari sa akin. Kamaka-kailan lang ang sama na talaga ng pakiramdam ko, akala ko lalagnatin na ako pero di naman. Pangatlong araw na ito. Wala naman akong ubo o kaya sipon. Tyaka yung sa Classroom. First time kong maka-experience ng ganung hallucinations. Feeling ko totoo sya pero ayaw tanggapin ng utak ko dahil napaka-imposible naman. Walang nakapansin ng nangyaring pagsabog ng liwanag sa Classroom, parang wala lang nangyari kaya imposible talagang totoo yun. Haayy. Kailangan ko talaga ng pahinga dahil kung ano ano ng nangyayari at nakikita ko.
Hindi ko namalayan ang oras at kung gaano na ako katagal na nakapikit, napadilat na lang ako ng tawagin ako ng driver.
"Boss. Pasensya na ha, mukhang matatagalan tayo. Traffic po kasi." sabi nung driver. Tumingin ako sa harapan at mukhang mahaba nga ang traffic. Bandang alas dos naman na ng hapon at medyo makulimlim naman kaya nagpasya na akong bumaba.
"Ayos lang manong. Malapit naman na ako, lalakarin ko na lang po. Ito pong bayad." sabi ko sabay abot ng bayad, ibibigay nya pa sana yung sukli pero di ko na kinuha. Sabi ko tip na lang.
Tulad ng sabi ko malapit naman na ang bahay namin. Nasa papasok lang kasi kami mula sa Highway.
Tahimik lang akong naglalakad habang nag-ce-cellphone nang mapadaan ako sa silong ng puno ng mangga. Di ko man pinansin pero bigla na lang akong napahinto at mabilis na napabaling sa puno. Pinagmasdan ko sya ng mabuti, pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin doon.
Tumagal siguro ng halos kalahating oras bago ako nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Kung ano-anong kawerduhang bagay na lang ang narardaman ko. Ewan ko ba, siguro dala ng stress 'to.
Ilang lakaran na nga lang ay nakita ko na ang pulang gate ng bahay namin. Dali-dali akong pumasok para makainom na ng tubig. Alam kong wala akong madadatnan doon dahil anong oras pa lang. Six kasi uwe ni Nanay mula sa Store namin si Tatay naman Seven mula sa Office nila.
Nang makapasok ako bigla akong nakaramdam ng init at uhaw kaya tumakbo ako sa kusina at dali daling kumuha ng tubig sa ref.
Di ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin kaya minabuti ko na munang mahiga sa sofa para magpahinga.
=====••
|| Smiling_Ace (Author's P.O.V) ||
Masin-sinan nyang minamasdan ang kanina pang naglalakad na binata, suot ang itim na balabal ay tahimik nya itong sinusundan.
Ilang beses na nya itong sinusundan, ang mga ginagawa neto sa loob ng Paaralan ay maingat nya ring sinusubay-bayan.
Nandoon sya ng aksidenteng mahulog ito sa mataas na hagdan na tinutun-tungan nya, nandoon sya't tahimik na nakamasid noong nagdaan ito sa tahimik na daan sa likod ng isang gusali at sa di sinasadya ay nabali pa ang sanga ng punong inaapakan nya.
Noong mga sandaling iyon batid nyang iyon na nga ang binatang hinahanap nya kung kaya't sinundan parin nya ito ng palihim at tago sa mata ng lahat.
Minsan na nyang nakitang nalagay ito sa peligro nang may makaharap na magnanakaw ang binata, nagdalawang isip pa sya kung tutulungan nya ba pero sa huli ay tinulungan nya rin ito at simula non alam nya na nararamdaman na sya ng binata.
Ngayon naman ay maingat nya itong sinusundan sa daan pauwe sa tahanan nya. Nauna syang lumakad at nagtago pansamantala sa likod ng malaking puno ngunit sa di nya inaasahan ay bigla na lang lumingon sa gawi nya ang binata. Sa gulat ay napatago sya gayung batid nya na walang sinuman ang makakakita sa kanya.
Nang silipin nya ito ay nakita nya itong nagmamadaling pumasok sa loob ng nakasarang kulay pulang tarangkahan. Tumakbo rin sya at sinubukang humabol ngunit di sya naka-abot.
Sa salaming bintana na lamang nya ito pinagmasdan. Mukhang nahihimbing na ito sa kanyang pagtulog at mukhang nagsisimula na itong dapuan ng mahika ng panaginip.
"Nahanap din kita. Napagmasdan din kita." nakangiti nyang wika habang pinagmamasdan ang binata.
"Ginugulo mo ang aking isipan sa loob ng maraming taon. Alam kong may papel kang gagampanan dito pero malakas ang aking kutob na magkikita tayong muli. Hanggang dito na lamang ako."
Tumalikod ang nilalang na nakamasid sa tahanan ng mga Madrigal. Paalis na sana ito nang may mamataan syang itim na presensya na nagmamatyag sa di kalayuan. Sandaling umatras ito at binalot ng kanyang enerhiya ang buong bahay.
"Alam kong darating ang araw na ito, nawa ay magtagumpay ka. Ito na lang ang huling maibibigay kong tulong sayo. Mag-iingat ka." bulong nya sa hangin. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan nya ang binatang natutulog.
Kasabay ng pag-ngiti nya ay isang malakas na uri ng kapangyarihan ang bumalot sa kanya tyaka sya naglaho pabalik sa kung saan sya nagmula.
Maghihintay sa tamang oras at panahon kung kelan ang kanilang muling pagkikita.
=====••
|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Masaya naming inaayos ang mga bitbit naming gamit sa lapag ng maliliit na damuhan. Nandito kasama namin sila Ma'am Ana para tulungan kaming mag-ayos ng mga kakailanganin.
"Ok, listen up. Boys, mag-team up kayo ng lima sa isang Grupo at manguha kayo ng mga tuyong sanga na maaari nating gamitin sa gagawing bonfire mamaya. Girls, maiiwan kayo dito't tutulong mag-ayos ng mga gamit. Wag kayong masyadong lalayo sa pagkuha ng mga kahoy maliwanag?" mahabang sabi ni Ma'am Ana.
"Yes Ma'am!" sagot naman naming lahat. Mabilis kaming naghati-hati sa lima at apat na kaklase ko ang kasama ko.
Tulad ng sabi ni Ma'am Ana ay nagkanya-kanya na ang magkaka-grupo para kumuha ng kahoy na gagamitin para sa bonfire mamaya.
Medyo makulimlim na rin dahil pahapon na, idagdag pa ang matataas na puno na humaharang sa sikat ng araw.
"Doon tayo banda maraming kahoy doon." turo ko sa isang direksyon.
"Wag daw tayong lalayo masyado, Jian. Tama na dito, may mga kahoy naman dito eh." pag-angal kaagad ni Joseph. Nilingon ko silang apat at mukhang pare-pareho silang walang balak na sumama sa akin.
"Marami ngang kahoy dyan maninipis at maliliit naman, hindi rin natin mapapakinabangan yan. Magpapagod tayong pulutin sila at bitbitin pero di naman magtatagal pag ginamit." lahat sila ay nakinig lang sa sinasabi ko. Unang tumango si Arnel.
"Tama si Jian, mas maganda yung matagalan. Manipis at maliliit nga naman ang mga kahoy na ito. Malapit lang din naman tayo eh." napangiti ako sa sinabi nya.
Sa huli ay wala na rin silang nagawa pa kundi pumayag. Nagsimula kami sa paglalakad at nag-umpisang kumuha ng maraming kahoy.
"Diba sabi ko naman sa inyo madami dito eh." pag-yayabang ko pa sa kanila habang panay ang kuha namin.
"Oo nga tama ka! Di katulad doon kanina mas matataba ito." komento ni Christian sa sinabi ko. Sumang-ayon naman sila sa kanya at kumuha pa ng marami.
Nasa ganung pagpulot lang kami nang may napansin akong pag-galaw sa di kalayuan. Pinagmasdan ko yun ng mabuti hanggang sa may napansin akong lumipad na uwak at mga yabag palayo.
Humakbang ako palapit doon pero pinigilan ako ng mga kasama ko. "Jian saan ka pupunta?" tanong ni Darel.
"Dyan lang, may titignan lang ako. Hintayin nyo na lang ako dito." di ko na sila hinintay magsalita pa. Tumakbo na lang ako papunta sa direksyon ng pag-galaw na nakita ko. Naririnig kong tinatawag nila ako pabalik pero di ko na sila pinakinggan at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Sa paglalakad-lakad ko, wala rin akong napala kaya binalak ko na lang na bumalik pero mukhang di ko na natandaan ang daan ko kanina. Naglakad lang ako ng naglakad nagbabaka-sakaling makabalik ako pero inabot na ako ng dilim sa paglalakad di parin ako nakakabalik.
"Joseph! Arnel! Christian! Darel! Saan na kayo!" sigaw ko habang naglalakad pero wala man lang akong naririnig na sagot kundi ang malakas na langit-ngit ng mga puno sa paligid na hina-hangin.
Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang hangin kaya minabuti ko munang umupo sa isang nakausling ugat ng puno ngunit sa di inaasahan ay may malambot na lupa akong naapakan at bigla na lang akong dumaos-dos pababa.
"Ahhh!!" sigaw ko nang malaglag ako. Nakaramdam ako ng hapdi sa kaliwang binti ko.
"Argh." pag-inda ko at doon ko nakita ang binti kong may sugat. Madumi na rin ang puting damit ko at may ilang punit kaya minabuti ko na lang na pumunit kahit konteng tela para itali sa sugat ko.
Matapos talian ay kumuha ako ng mahabang patpat at ginamit ko bilang suporta sa paglalakad. Hindi naman mataas ang pinagbagsakan ko kaya naka-akyat ulit ako pabalik.
Halos mamaos na ako kakasigaw ng tulong pero walang sumasagot hanggang sa langit na ang sumagot sa akin. Napapikit na lang ako nang biglang kumulog at kumidlat. Naluluhang nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy rin sa pagbayo ang hangin, ang pagkulog at kidlat.
"Tulong!... t-tulungan nyo ako! Kung.. kung may nakakarinig naman please.. please tulungan nyo ako!" namamaos kong sigaw. Wala paring nakakarinig sa paghinge ko ng saklolo kaya lalo lang akong naluha gayong madilim na rin. Kung nakinig lang sana ako sa mga kasama ko di ito mangyayari sa akin.
Nagpatuloy pa ako sa pagsigaw at sa paika-ikang paglakad para makahanap ng matutuluyan o makakatulong pero mukhang wala ito dito pareho. Nasa loob na yata talaga ako ng gubat.
Maya-maya pa nga ay nakaramdam ako ng malamig na sensasyon sa kaliwang kamay ko, tinignan ko ito ng may pagtataka. Tiningala ko kaagad ang langit at doon ko nakitang unti-unti ng bumabagsak ang ulan at doon ako mas nangamba.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at mas minadali ko pa ang paglalakad ko pero dahil sa dilim at sa luhang humaharang sa mata ko ay di ko napansin ang nakausling ugat na pumatid sa akin hanggang sa bumagsak ako sa maputik na lupa.
"Ahhh!!" puno ng sakit kong pagdaing ng bumagsak ako sa lupa. Mas lumakas pa ang buhos ng ulan at nilalamig na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Naiyuko ko na lang ang ulo ko at tahimik sanang mag-p-pray nang may narinig akong kumaluskos sa di kalayuan. Napatingin ako doon kaagad at nabuhayan ng loob.
"Si-sino yan!?... may.. may tao ba dyan?... tulungan mo'ko!" kahit na nangangatog na ako sa lamig at sa pag hikbi ay nagawa ko parin itong masabi ng may kalakasan.
Ang mahinang kaluskos kanina ay tuluyang lumakas at parang papunta iyon sa akin ngunit ganun na lang ang pagkagulat ko sa nakita ko. Pinilit ko kaagad na bumangon at muling nakaramdam ng kaba at takot.
Itinukod ko ang mga kamay ko para suportahan ang aking pag tayo. Ang atensyon ko ay nasa direksyon parin ng madilim na sulok ng gubat pero ngayon ay may isang pares na ng nanlilisik na mata ang nandoon.
"Tulong! Tulungan nyo 'ko!!" mas binilisan ko ang pagtayo para makalayo sa mabangis na hayop na palapit sa akin, sigurado akong wala na ako sa camp site namin dahil sa wala naman gantong hayop dito.
"Wag.. wag kang lalapit! Please wag kang lalapit!" sigaw ko sa takot habang uma-atras pero di ko napansin ang isa pang ugat kaya natumba ako ulit. Nang tignan ko ang direksyon ng hayop ay mabilis na itong tumatakbo palapit sa akin. Wala na akong ibang nagawa non kundi iharang ang kamay ko at hintayin ang masakit na kagat na maaari kong maramdaman.
Ilang hakbang na lang ang lapit nya sa akin nang biglang may magliwanag sa harapan ko. Di ko alam kung ano dahil sa nasisilaw na rin ako at narinig ko na lang ang mabangis na lobo na dumadaing.
Sinubukan kong tignan kung ano yun pero nanghihina na ako at pabagsak na ang mga mata ko. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa ang itsura ng bagay na iyon. May nakita rin akong palapit sa akin pero hindi ko na magawang tignan kung sino sya.
Tuluyan na nga akong bumagsak sa lupa at napapikit. Narinig ko na lang ang mga boses na tumatawag sa akin at ang mga yabag nila na papalapit sa akin. Tuluyan na akong iniwan ng lakas ngunit ang pagtawag nila sa akin ay naririnig ko parin at naramdaman ko na lang na may tumapik sa pisnge ko.
•••••
Malakas na pag-uga at ingay ang narinig ko kaya napadilat na lang ako mula sa bangungot na iyon.
"Jian! Anak ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong ni Nanay at nasa tabi nya si Tatay. Sasagot sana ako pero biglang kumidlat ng malakas kaya napayakap na lang ako sa kanila.
"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Tatay pero di ko sya masagot. Hanggang ngayon nanginginig parin ako dahil sa Bangungot na iyon.
Walong taon na pero ang iniwan sa akin ng bangungot ng nakaraan na iyon ay nananatili parin tuwing kumukulog at kumikidlat.