|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Isa malakas na Golden Light na naman ang inilabas ng Libro, maging ang kamay ko na nakatutok ngayon sa dingding ay nagliliwanag din. Ilang sandali lang din ay lumabas na ang kakaibang Simbolo na unti-unting nagf-form ng Number. "Bumalik ka na, Ika-Siyam na Pahina." Parang may isip na bumalik naman ito sa hawak kong Libro na nakabukas sa Page Nine. Napuno na naman ng parang mga alitaptap ang buong room, napapangiti na lang ako dahil ang ganda tignan ng mga maliliit na letters na nagliliwanag. Ilang saglit lang ay pumasok na ang mga ito sa nakabukas na libro na hawak ko. Matapos makuha ang isa na namang Pahina na nakawala ay umupo muna ako sandali para magpahinga. Limang araw na ang lumipas mula noong magpaalam si Andress na mawawala muna sya pansamantala.

