|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Walang tigil ang ginawa kong pagtakbo. Hinihingal pero bina-balewala ko makalayo lang ng distansya sa mga humahabol sa akin. Lima sila kanina pero ngayon ay tatatlo na lang silang humahabol sa akin. Kung kelan ka ba naman naging habulin iba pa ang pakay! At ano ba naman, Jian! Ngayon ka pa talaga nag-isip ng ganto!? Magseryoso ka nga! Ramdam ko mula rito ang presensya ng Libro kahit malayo na. Kanina habang nakikipaglaban si Andress ay di ko maramdaman ang Libro dahil nga nasa loob daw nya ito at iyon ang nagbibigay sa kanya ng Physical body or ng katawang lupa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng nararamdaman ko, ayokong magisip ng di maganda dahil may tiwala naman ako kay Andress, alam kong di nya pababayaan ang Libro.. sya pa ba, ni ayaw nga nyang

