Enjoy Babes!! #CommentsAndVotes (LEENNIE) Namangha ako sa ganda ng lugar kung saan kami magsho-shoot ng para sa adverstisement ng IM Products. Napakalinaw ng tubig sa dagat, puti ang buhangin at napakapayapa. Kaunti lang ang tao, mangilan-ngilang turista na iba-iba ang lahi. Nasa isa kaming resort sa tabi ng dagat. Hapon na nang makarating kami dahil nag meeting pa kami kanina sa studio. Hindi na nga ako nakapag-focus dahil sa mga titig ng Jace. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Alam kong sa amin nakatingin ang mga nang-uusig na mata ng mga staff, pero ang loko wala man lang pakialam. Niyakap pa ako sa harap nila at hinalikan sa noo, alam kong natigilan ang lahat ng nakakita dahil ang alam nila ay engaged ako kay Leo. Sinikap kong huwag maapektuha pero wala, ang lakas ng tama ko sa

