(LEENNIE) Tahimik lang kami ni Jace sa byahe pauwi ng Pinas. Nagpapasalamat na lang din ako at tumahimik siya, nakakailang nga lang ang mga tingin niya. Nagpatianod na lang ako sa mga gusto niya tulad ng kumain muna bago niya ako ihatid. Parang wala pa din ako sa sarili ko, hindi pa rin ako makapaniwalang matagal na pala akong niloloko ng fiacee ko at ng kaibaigan ko. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin ay agad akong tumingin dito. "Maraming salamat Jace" sabi ko saka tipid na ngumiti. Hindi nga kami nakapag-usap ng maayos. Gusto kong itanong kung bakit naroon siya malapit sa bahay ni Leo. Sinusundan niya ba ako? Nang hindi na ako nakapagpigil ay tinanong ko na. "Bakit ka naroon malapit sa bahay ni Leo? Sinusundan mo ba ako?" "Of course not! Nandoon ako kasi bumisi

