Pagkakita ko pa lang sa babae na bagong kasambahay, iba na ang naramdaman ko. Para bang nakilala ko na siya. Parang nakakaramdam ako ng lungkot at pananabik kapag nagtatagpo ang aming mga mata. “Paano mo naman makikilala ‘yon?” Tanong ng kabilang bahagi ng aking isip. “Siguro ay namimiss ko lang si Luna.” Mahina na bulong naman ng kabilang bahagi ng aking utak. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. May mga pangyayari na nakalimutan ko na. Merong mga bagay na gusto ko alalahanin, pero wala akong mapiga. “Are you okay, Axel Russ?” Tanong ng aking ama na mukhang nag-aalala. “Si Russ ‘to. Tutulungan mo ba ako na dukutin si Luna o hindi?” Diretso na tanong ko sa aking ama na ngumisi lang. “Hahaha! Welcome back, Russ! Wag mo na pabalikin pa si Axel, ayaw ko sa mahina na lal

