Ilang araw na ako pabalik-balik sa Calaguas. Hinihintay ko at nagbabakasakali na makita si Axel. Inaamin ko, minsan nawawalan na ako ng pag-asa na makikita ko pa ang lalaki. Napapagod na rin ako, sa ganitong sitwasyon ko. Na para bang ako lang ang nagmamahal. Tatlong taon na ang lumipas, pero bakit wala parin kahit anino niya. Imposible na hindi siya gumaling. Dahil mukhang asikaso naman siya sa center dati. Inihinto ko ang aking sasakyan sa gilid ng isang parke. Simula ng makatakas ako sa institusyon, bukod sa bahay, naging paborito ko na itong tambayan. Kung ang iba na single naiinis o naiirita makakita ng mga sweet couples. Ako naman ay iba, dahil nakakatuwa ako makakita na tulad ko, may mga nababaliw parin sa pag-ibig. Pero ilang minuto pa lang ako na nakatayo, halos manginig

