Hindi kaagad nagsalita si Axel, nakatitig lang ito sa mukha ko at para bang may gusto pang sabihin. “I love you, Rida.” Sabi nito sabay tungga ng alak. Hindi ako umimik, nakatingin lang ako dito at ng maramdaman ko na titingnan niya din ako, umiwas ako ng tingin at sa mga nag-iinuman ko tinuon ang aking mga mata. Gusto ko malaman anong nangyari sa kanya after niya ako iwanan. Naging mas okay ba siya, naging mas masaya ba siya. Kung mas okay na ba siya ngayon, na wala na ako sa buhay niya. Ang dami kong tanong na nasa aking isip lang. Dahil isang tanong pa lang ang nilahad ko, hindi na niya sinagot. “R—Rida?” Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. “Warren?” Kunot noo na tanong ko sa lalaki na maayos ang pananamit ngayon. “Ang gwapo mo na huh! Mas nag matured ka at bumaga

