Nanginginig ako na humakbang patungo sa aking kama. Naluluha ako sa nangyari, kung magsusumbong ako sa magulang ko. May mangyayari ba? Mukhang normal lang naman sa kanila ang kababuyan.
Pagdating ko sa kama ay nagtalakbong ako ng aking kumot sa aking buong katawan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Hanggang ngayon nanginginig ang katawan ko at parang pumipintig pa ang aking pagkab***e.
Inuuntog ko ang aking ulo sa unan. Bakit parang pakiramdam ko nagustuhan ng katawan ko ang haplos ng lalaking doktor?. Naluluha ako sa pagkadismaya sa aking sarili. Kailan pa naging masarap sa pakiramdam ang mamolestya?!
“Rida! Hindi ikaw ang mommy mo, hindi ka immoral. Hindi ka puta!.”
Paulit-ulit na kausap ko sa aking sarili. Nakakayamot at nakakasuka isipin na nagustuhan ko ang nangyari. Lumipas ang ilang oras, pakiramdam ko ay kumalma na ako. Kaya't nahiga ako ng maayos. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil pakiramdam ko, safe na ako sa lalaking manyakis na ‘yon.
Nagising ako sa liwanag ng bintana. Umaga na pala at nakatulog ako ng mahaba. Naupo ako sa gilid ng aking kama at hinawi ang aking buhok, sinuklay ko gamit ang aking daliri sa kamay.
*Tok tok tok*
Katok mula sa labas ng aking silid. Tinatamad ako na tumayo at isa-isang inalis ang mga locked.
“Mom”
Tipid at walang gana na pagbati ko sa aking ina na naka-ayos na. Malamang, papasok na ito sa hospital na pag-aari namin.
“Nahulog na ang allowance mo, inutos ko na sa aking assistant. Make sure na ikaw ang nangunguna sa klase ninyo, ikaw nga ba?.”
Tanging tango lang ang sinagot ko sa aking ina at bored ko ito na tiningnan. Nakakabadtrip na tuwing magkikita kami, hindi man lang mangamusta, tanging grade ko lang ang concerned niya.
“Nakilala mo na pala kahapon si Robert? Papasa na ba siya bilang bago mo na daddy?.”
“Seryoso ka? Pagkatapos ako hipuan kahapon, ngayon gusto mo maging daddy ko? Ang lala na talaga ninyong mag-asawa.”
Napipikon at pabalang na sagot ko sa aking ina na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko.
“Pero paliwanag sa akin ni Rob, kinausap ka lang daw niya. Tinalikuran mo daw kasi siya kaya medyo nahila ka niya sa braso.”
Naiiling na lang ako sa aking ina. Napakalamya naman ng katwiran ng lalaking ‘yon. Sadyang uto-uto lang talaga ang mom ko. Palibhasa, sobrang libog ‘e.
“Ano ba ang nangyari kay daddy?.”
“Ayon! Nababaliw na sa kasamahan namin na nurse. Mukhang nag enjoy sa bilat ng babae. Nakalimutan na ang daan pauwe dito sa bahay.”
“Mom! Naririnig mo ba ang sarili mo? Mukhang hindi doktor ang kausap ko ah?.”
“Okay lang yan! Ikaw lang naman ‘e. Anyways, back to out topic. Siguraduhin mo lang na aakyat ako ng stage para magsabit ng medalya sayo, ayaw ko mapahiya. Galingan mo ang pag-aaral, aalis na ako.”
Hindi na ako umimik pa, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Malungkot ba ako dahil hiwalay na ang magulang ko o natutuwa, dahil nabawasan ang baliw sa bahay na ‘to.
“Bumaba ka na diyan! Mag jogging ka naman, para mas maging healthy ka! Mas mukha ka pang matanda sa akin.”
Sigaw ni mommy habang pababa ng hagdan. Nayayamot na lumabas ako ng aking silid bumaba para kumain ng almusal.
Okay na mukha akong matanda, mahalaga hindi ako katulad niya. Mga nag-anak, hindi naman pala kayang alagaan. Mga magulang na makasarili.
“Anak, ano ang gusto mo na almusal? Paghahanda kita.”
Tanong ng aking yaya na hindi ko sinagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto ko. Parang wala akong gana, ang sarap lumayas sa bahay na ito. Pakiramdam ko, impyerno.
“Kahit ano na lang yaya.”
“Good morning!”
Napalingon ako sa sala. Ang aking magaling na ama, umuwi na rin sa wakas.
“Hey! Good morning, Doctor Valderama Montelevano.”
Sagot na pagbati ko sa aking ama na tinitigan pa ako ng masama.
“What is that face, Rida? Bakit ganyan ang tono mo?.”
Tanong ni daddy sa akin sabay hila ng isang silya na kahoy at naupo ito sa tabi ko.
“Hiwalay na daw kayo ni mom?.”
“Hmmmm. Yeah! Hindi ko na kasi matiis ang mommy mo, napakahilig. Taon na din anak, walang pagbabago. Noong una, okay lang sa akin na may explore kami. Pero katagalan, may mga ganap ang mom mo na hindi ko na alam. Malinaw ang usapan namin mag-asawa, pero mom mo talaga sumira at ang may problema sa aming dalawa.”
Hindi na ako muling umimik pa. Alam ko naman na si mom talaga. Siya kasi ang madalas may kasamang iba dito sa bahay.
“Pwede ba na isama mo na lang ako daddy?.”
“Anak, alam mo naman na mas maimpluwensya ang mommy mo. Sigurado magwawala ‘yon kapag kinuha kita.”
“Okay! Next year hindi na siguro ako masyadong bata sa paningin ninyo. Eighteen na ako ngayon daddy. So, pwede na ako kung saan ko gusto, tama?.”
Tumango ang aking ama at ginulo ang aking buhok. Hanggang sa matapos ang almusal namin, medyo nagkukwentuhan kami ni daddy. Bagay na bihira mangyari.
“Ang dami mo naman dala, parang hindi ka na talaga babalik dito.”
Sarkastiko at nakangiti na sabi ko sa aking ama habang pababa ito ng hagdan at buhat ang isang maleta havang ang isang bag ay nakasabit sa kanyang balikat.
Nakaramdam ako ng lungkot, pero hindi ko pinapahalata sa aking daddy. Ano ba ang pagkakaiba ng lagi silang wala ni mom sa bahay, sa nangyayari ngayon na aalis na ng tuluyan dito ang aking ama.
“Mag-ingat ka anak huh? Tawagan mo ako kapag may problema.”
“Hoy! Val, hindi ka na babalik dito?.”
Malungkot ang mukha ng aking ama. Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa ulo.
“Magtatayo na lang ako ng clinic, gusto ko muna makalayo sa kamay ng mommy mo. Napagod ako sa naging set-up namin sa loob ng halos bente na taon.”
Nalulungkot man, tumango na lang ako at humalik sa pisngi ng aking ama. Wala man lang akong malinaw na paliwanag na nakuha sa mga magulang ko.
Hindi ko akalain, na ang araw na ito ay ang araw na pinaka nakakalungkot, sa buong buhay ko.
Pinagmamasdan ko lang ang garahe, hanggang makalabas at makalayo ang sasakyan ni daddy. Patago ko na pinunasan ang aking luha na tumutulo na pala.
Mapait ako na ngumiti at tumambay sa hardin, medyo nagulat ako ng kumulog. Nagbabadya na ang ulan, madilim na din ang kalangitan. Mukhang sumasabay sa kalungkutan ko ngayon.