Sumapit na ang gabi. Madilim ang paligid at ang gagawin ko ngayon na hakbang ay walang kasiguraduhan. Salita lang ni Sofia ang pinanghahawakan ko. Salita ng katulad ko na may mental health condition. May pagpipilian ba ako? Wala! Kaya kailangan ko sumugal. Maingat ako na lumabas ng aking silid. Palinga-linga ako para makasiguro na walang makakakita sa akin. “Pst! Pst!” Sagitsit ng kung sino na hinahanap ko. Hindi ko makita kung saan nanggaling. “Sh*t! Mura ko ng may humila sa akin. “Hahahaha! Taya ka na, Ate!” Mahina na humahagikhik si Sofia habang yakap ang braso ko. Napa-iling na lang ako dahil ang isip bata na version nito ang nakikita at kasama ko ngayon. Kung sana may kapatid ako, kahit baliw na katulad nito, ayos lang. Hindi ko aayawan. “Ate, wag kang maingay huh? Doon t

