“OMG! Mommy! Daddy! Nakakahiya kayo, nagkakalat pa kayo.” Malakas na sigaw ko habang nagdadabog ng aking mga papa. “Ikaw ang nakakahiya, nangboboso ka!” Sigaw naman ni Daddy sa akin pabalik. Wala akong nagawa kundi ang humakbang patungo sa kusina at kunin ang dapat ko kuhain, sabay mabilis na tumakbo paakyat ng aking silid. Dahil hindi nagpa-awat ang dalawa at nagpatuloy pa rin sa kanilang ginagawa. Pagdating ko sa loob, hinihingal ako na naupo. Pero nakangiti ako ng maisip ko na si Daddy at Mommy yun. Mga magulang ko. Sana magkabalikan pa sila. Dahil namimiss ko ang dating sila. Noong hindi pa sila nag e-explore. Noong kahit kami lang tatlo, masaya naman kami. Nahiga ako ng nakangiti. Umaasa na sana maging okay ang lahat. Na sana, bumalik na sa dati ang aming pamilya. Nagisi

