Ramdam ng aking mukha ang matinding init ng sikat ng araw na pumapasok mula sa bukas na bintana. Napalinga-linga ako sa paligid ng idilat ko ang aking mga mata. “Ouch!” Daing ko sabay hawak sa aking tagiliran na masakit. Sa palagay ko, nasa loob na ako ng isang institusyon. Tulala lang ako sa loob ng kulay puti na silid at nakatitig lang ako sa kisame. Napatayo ako at mabilis lumapit sa bintana na may bakal na rehas. Hindi ko man lang madungaw kung ano ang itsura ng aking paligid. Dahil ang katapat ng bintana ay isang puno lang. Mastadong nakadikit ang bakal at hindi mo talaga makikita ang kabilaan. Tapat lang talaga ang matatanaw mo. “Fvck! Mommy! Daddy!” A–Ano ‘to? Hindi ganito ang iniisip ko na pupuntahan ko, namin. Umiiyak ako dahil sa takot! Yes, natatakot ako. Dahil magi

