CHAPTER TWO

1209 Words
KAYE'S POV Nagising nanaman akong naliligo sa sarili kong pawis. Hindi naman na bago sa akin 'yon... Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. May mga nabago sa kwarto ko. Lahat ng salamin, tinakpan ko ng itim ng tela... Ang kurtina, pinalitan ko ng makapal at dark color.. Laging nakasara ang kurtina ko at pinto. Walang ibang pumapasok sa kwarto ko kundi ako lang. Bumaba na ako at nagsimulang magtimpla ng kape ko... Kape... Kape sa oras na 2:30 pm. 2:30 na ako nagising dahil 5 am na ako natulog Buong gabi akong humahagulgol kaya inabot na ako ng umaga.. Nakatulog nalang ako sa sobrang pagod. Naupo ako sa sala at nanood. Ganito lang ang buhay ko dito sa bahay... Pagkagising, mag-aalmusal, minsan hindi na, manonood, maghuhugas ng plato, mahihiga, iiyak, makakatulog hanggang kinabukasan. Sinusubukan kong libangin yung sarili ko sa pamamagitan ng panonood para hindi ako madalas matulala at laging umiiyak. *ring!* *ring!* Bal Calling... "Hmm??" sagot ko sa tawag "Gawa mo bal?" Si Kaye, bestfriend ko. Kapangalan ko rin sya kaya Bal ang tawagan naming dalawa. Short for Kambal. 6 years na kaming magkaibigan at hanggang ngayon, ganon pa rin kami. "Nanonood" maikling sagot ko sa kanya "Yun lang?" well, ano pa bang ginagawa ko bukod sa nanonood? "Nagkakape" tama, nagkakape ako. "Kape? Kagigising mo lang?"  "Medyo kanina pa. Mga 2:30" 2:50 na ng hapon eh "Lah, bat anong oras ka na natulog?"  "5"  "5 ng hapon? Haba naman ng tulog mo." Hmm.. "5 ng umaga"  "Grabe ka" -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --  -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --  11 pm na.. Pagkatapos namin mag-usap ni Kaye, umakyat na ako sa kwarto at dito na nanood. Anong pinapanood ko?  Through Night And Day Oh diba, ganito na yung sitwasyon ko tapos ang lakas ko pa manood ng mga drama.. Kesa naman tumulala ako dito. Nasa bandang kalagitnaan na ako ng pinapanood ko. Nang bigla nalang akong natulala at tumulo ang luha ko. Lumipad nanaman ang isip ko Nakakapag-isip nanaman ako ng hindi maganda. Laging ganito ang eksena ko kapag hindi ako lumalabas. Napupunta sa hindi maganda. Katulad ngayon.. Habang tulala ako, may pumasok na eksena sa isip ko.. Nakita ko yung sarili kong umiiyak habang naka-upo sa upuan at may hawak na lubid. Habang umiiyak, binubuhol ko yung lubid saka pumatong sa upuan para isabit ang kabilang dulo ng lubid sa kisame.. Sinubukan ko pang bumaba ng upuan pero may pumipigil sa sarili ko.. Hanggang sa isinuot ko ang ulo ko sa lubid habang humahagulgol atsaka tumalon mula sa upuang kinatatayuan ko.. Saka ako bumalik sa wisyo at naramdamang basa ang pisngi ko. Sa totoo lang, hindi ako takot mamatay. Gustong gusto ko na magpahinga habang buhay. Pero may mga bagay na pumipigil sakin. ***** F L A S H B A C K ***** Kinabukasan after kong duguin, hindi ako pumasok para makapagpahinga at makapunta ng hospital. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako tumawag ng tulong, hindi ko na talaga kinaya yung nangyari at nawalan nalang ako ng malay. Gustuhin ko mang ilaban pa yung baby ko, alam kong wala na ring pag-asa dahil buong dugo na ang lumabas sakin. Oo, yun na ang baby ko, pero pwede ding hindi. Pero may kutob ako na siya na yon, yung baby ko na yon. Kung nagtataka rin kayo kung bakit hindi ako naubusan ng dugo dahil wala man lang tumulong sa akin at possible na maubusan ako ng dugo, ayun rin ang ipinagtataka ko. Kung bakit buhay pa ako. Masyado pa ata akong mahal ni Lord kaya ayaw nya muna akong kunin. Hapon na at napagdesisyunan kong pumunta ng hospital para magpa-check up dahil nanghihina pa rin ako. Nagsuot ako ng maluwag na t-shirt, sweat pants, hoodie, medyas, sumbrero at facemask. Para akong may tinataguan sa outfit ko ngayon. Okay lang yan, medyo makulimlim naman. Parang uulan... Mukhang nakikisama pa yung panahon sa nararamdaman ko ngayon.. O baka may bagyo lang talaga kaya makulimlim *shrug* ** F A S T     F O R W A R D ** Nakauwi na ako galing ng hospital.. Sa sobrang lutang ko habang pauwi, nakakapagtakang naka-uwi pa ako ng buhay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagtanggal ng sumbrero. Naiiyak nanaman ako.. Hinaplos ko yung tiyan ko... "Baby naman eh.. Hindi man lang kayo kumapit kay mommy. Masyado kayong excited lumabas.. Pasensya na kung laging stress si mommy ha.. Wala na kasing masasandalan ang mommy dahil hiwalay na kami ng daddy nyo. Kung kumapit lang kayo edi sana yung isa sa inyo is kasama ko ng nag-aantay sa bagong magiging baby ko.." Ang sabi ng doctor pagkatapos, tinanong nya ako kung may history daw ba akong ng miscarriage bukod sa nangyari lang recently dahil may nakita sila sa result.. Nagtaka ako dahil hindi ko alam.. Hindi ko alam na nakunan ako noon. Saka lang pumasok sa isip ko kanina yung nangyari noon. Nadulas ako sa hagdanan, mula sa itaas hanggang sa pangatlong baitang. Tumama yung balakang ko sa baitang ng hagdanan at nagkaroon ako ng gasgas sa braso gawa ng pagpigil kong mahulog hanggang ibaba gamit ang braso ko. Maski palad ko may gasgas rin. Nagmamadali ako noong mga oras na yon na makababa dahil ihing ihi na ako.  Yun yung mga times na sa baba pa ako gumagamit ng cr kahit may cr naman sa kwarto ko. Sobrang namimilipit ako sa sakit nung time na yon na umabot pa sa puntong hindi ako makakilos gawa ng sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na maramdaman na naiihi ako, puro sakit lang. Sobrang tagal kong naka-upo sa hagdanan dahil sa sakit. Noong medyo nawala wala na ang sakit at nagawa ko ng kumilos, dahan dahan akong bumaba para mag-cr. Pagkahubad ko ng underwear ko, may nakita akong medyo malaking buo ng dugo. Nagulat ako. As in nagulat talaga ako. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung nung 1st week ng buwan na yon, kakatapos ko lang ng menstruation kong spotting lang tapos katapusan palang ng buwan. Kaya nagtaka ako. Sinabi ko yon sa boyfriend ko, ang sabi nya baka napa-aga lang daw ang menstruation ko. So hinayaan ko nalang kasi baka nga menstruation lang talaga. After nung araw na nangyari yon, naaalala kong nagkasakit ako ng tatlong araw.  After non, wala naman ng iba pang situation na dinugo ako, ayon lang. After kong maalala yung nangyari na yon noon, mas lalo akong nanghina. Sa loob lang ng isang taon, dalawang beses ako nawalan ng anak. Naaalala kong buwan ng April yong nangyari na nahulog ako sa hagdan, tapos buwan ng August ako ulit nakunan. Sobrang malas ata ng buhay ko. -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- 1 week na akong hindi pumasok dahil nagpa-schedule akong magpa-raspa kinabukasan din.  Ipinahinga ko yung katawan ko at yung utak ko.  Hindi alam ng magulang ko itong nangyayari sa akin ngayon. Walang nakakaalam sa pamilya ko, kahit na mga kaibigan ko. Kahit pa si Kaye, ang bestfriend ko. ***** E N D     O F      F L A S H B A C K *****                                                                             *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD