CHAPTER FOUR

1272 Words
KAYE'S POV Alam nyo bang sobrang dami kong problema? Problema sa family ko at sa sarili ko... Yung pamilya ko, parang walang pakialam sakin.. Oo, merong parents na hindi lang nila pinapakita sa mga anak nila kasi nahihiya sila, pero yung sitwasyon ko kasi is iba. Alam kong mahal nila ako dahil anak nila ako... Pero yung pagmamahal na yon is hindi ko maramdaman. Hindi nila ipinaparamdam yun sakin simula noong nag-high school ako. Hindi nila sinusuportahan yung gusto ko. Nung high school ako, ang importante lang sa kanila is yung grades ko. Wala silang pakialam kung namomroblema na ba ako sa pag-aaral ko or hindi. Mula high school hanggang college, ni hindi man lang nila kinamusta yung pag-aaral ko. Hindi ko man lang narinig sa kanila yung mga salitang 'Nak, kamusta pag-aaral mo?' Ang lagi kong naririnig nung high school ako is, 'Ano to? Bakit may line of 7 dito? 78? Ano? Wala ka nang balak mag-aral?'  Like, what? Isang line of 7 na grade lang ang nakita nyo, hindi na agad mag-aaral? Hindi ba pupwedeng nahirapan lang ako sa subject na yon? Or hindi ba pupwedeng bumawi sa susunod?? Nito namang college, big deal na sa kanila kapag hindi ako umalis ng bahay para pumasok. Ganito naman ang sasabihin nila, 'Wala ka bang pasok? Bat hindi ka pa umaalis?'  Ako naman syempre si mabait (di ko sure kung mabait ba talaga ako), sasabihin na wala akong pasok ng ganitong araw at sasabihin ulit ang schedule ng pasok ko. Syempre kapag college na, hindi isang buong linggo ka may pasok. Alam nyo ba ang sasabihin ng isa sa parents ko? Ganito, 'Wala kang pasok? Ang sabihin mo, ayaw mo ng mag-aral'.   Diba? Sinong matutuwa jan. Ni hindi nga nila tinatanong kung nahihirapan ba ako ngayon college eh. Actually, nung nagsimula akong pumasok ng Senior High School, patapos na ang grade 11, balak ko ng hindi pumasok ng grade 12 at magtrabaho nalang. Pero may mabait na teacher ang nagpursigi sa akin na ipagpatuloy ko yung pag-aaral ko.                                                 ***** F L A S H B A C K ***** "Salvador, halika sa office saglit, may sasabihin akong importante." Huh? Bakit? Pinapatawag ako ng teacher namin sa office dahil may sasabihin daw sya. Sasabihin? Baka pipilitin nya akong magpasa ng kulang ko. Alam nyo, etong teacher na to, napakabait, as in. Strict sya pero nilulugar nya. Nakikisabay sya sa trip nyo (depende sa trip nyo), mahilig din sya mag-joke. Sya yung pinaka-close kong teacher nitong Senior High School.  Pinipilit nya akong magpasa ng kulang ko, eh ayaw ko ngang magpasa. Oh diba, ang bait bait kong estudyante. Alam nyo ba kung ilan ang kulang ko? Dalawa lang. Dalawa. Dalawa as in two. Kung big deal sa inyp yung dalawa, sakin hindi. Sarreh. Alam kong concern lang yung teacher ko saming mga students nya, pero ako yung lagi nyang kinukulit na kumpletuhin yung requirements ko samantalang yung iba sa mga kaklse ko, iilan lang ang pinasa tapos panay pa ang absent.  "Salvador, maupo ka nga saglit." Simula na ng pilitan. "Bakit Sir?" Opo, lalaki po ang teacher na tinutukoy ko kanina. Si Sir Ray. "Kailan ka magpapasa ng kulang mo? Or magpapasa ka pa ba? Malapit nang mag-compute ng grades." "Sir, ayaw ko nga pong magpasa. Wala akong ipapasa." Ayaw ko talaga. Sabihin nyo nang abnormal ako pero ayaw ko talaga. "Anong ayaw mo? Hindi pwedeng ayaw mo. Tsaka anong wala kang ipapasa? Nung exam ko pa yan sinabi sayo tapos hanggang ngayong isang linggo na nakakalipas, hindi ka pa rin gumawa." "Eh sir, mahirap eh. Hindi ko kaya." Hindi naman sya sobrang hirap, kaya ko naman, ayaw ko lang talagang gawin.  Ako kasi, okay lang sakin kahit hindi kumpleto yung mga pinasa ko, like,out of 10 requirements, 8 or 9 lang ipapasa ko. Hindi naman kasi big deal sa akin ang grades. Number lang yan. Hindi naman yan ang magiging basehan ng pagkatao ko.  "Bahala ka jan, ibabagsak kita." Luh, nanakot pa. "Okay lang sir." Nye nye kala nya natatakot ako?? "Sige Salvador, sabi mo yan ha." Okay hehe Kala nya ha. Lumabas na ako ng office at pabalik na ng classroom ng may bigla akong naalala. Bumalik ako ulit ng office para may sabihin kay Sir Ray. Ako naman may sasabihin sa kanya *wink* *tok tok!* Pagtapos kong kumatok, binuksan ko agad yung pinto. Ganyan po talaga dito, once na kumatok ka, hindi mo na kailangang antayin pa na may sumagot sayo galing sa loob, buksan mo nalang agad yung pinto at silipin kung andoon ba ang hinahanap mo dahil mostly sa mga teachers sa loob ay may kausap sa cellphone or may kausap na kapwa teacher or parent. "Sir." Tinawag ko si Sir Ray. "Oh bakit bumalik ka? Ibabagsak na kita." Tigil-tigilan mo ko Sir sa mga ganyan mo, hindi mo ko matatakot. "May sasabihin ako Sir. Ipapatawag sana kita sa classroom kasi may sasabihin ako eh kaso mas okay dito, may aircon." Sabi ko kay Sir ng pabiro habang tumataas taas yung kilay ko. "Ayos ka lang ha. Ano ba yon?" Patawa tawang sagot ni Sir. "May sasabihin kasi ako..." Pabitin ko muna haha "Ano?"  "Hindi na ako papasok ng grade 12 Sir." Wooh!!! Tingnan natin reaction ni Sir. Hindi po ako nagbibiro. Hindi ko na po talaga binabalak na magpatuloy sa pag-aaral dahil sa financial problem namin. Oo wala kaming tuition, pero hindi lang naman tuition ang gastusin sa school. Nanjan rin ang mga requirements mo. "Bakit?"  "Alam mo na Sir, financial problem. Yung isang uniform nga namin, hindi ko maipagawa eh." Sabi ko habang tumatawa. May dalawa kaming klase ng uniform. Isang long sleeve at isang short sleeves. Sa pang ibaba naman, isang skirt at isang pants, pero depende sayo kung gusto mo ng pants or puro skirt nalang. Ang official uniform is yung short sleeves at pants or skirt. Pero pwede namang kahit ano ang gamitin mo, ikaw nga lang naiiba. Ngayon ang uniform na meron ako is yung long sleeve at skirt dahil ayun ang unang ni-release na uniform ng school. Yung pangalawa, month after na ni-release kaya late na. Kasalanan ng school yon kasi late na nila ni-release yung official uniform. "At natatawa ka pa talaga ha. Alam mo, magpatuloy ka. Sayang ka." "Pano Sir, eh halos wala na nga akong pambaon eh." Medyo naluluha luha na ako. "Magtuloy ka, ako gagastos ng mga kailangan mo." Hala ka. "Luh Sir. Nakakahiya. Seryoso ka ba." Tanong ko. Mamaya kasi pinagtitripan ako neto eh. "Seryoso ako. Alam mo kasi, sayang ka eh. Matalino ka kaso iba lang trip mo. Mataas ang grades mo. Sayang kung hindi ka magpapatuloy." Sabi ni Sir. Matalino? Actually hindi ko kino-consider yung sarili ko as matalino as in. Oo matalino ako pero sa ibang bagay lang. Lahat ng tao may kanya-kanyang talino.  Yung sinabi ni Sir na 'Matalino ka kaso iba lang trip mo.', iba po talaga yung trip ko. Katulad nyan, 10 requirements, 8 or 9 lang ipapasa ko. Laging kulang ng isa or dalawa, minsan tatlo. Kinumbinsi pa ako ng kinumbinsi ni Sir Ray at nag-recruit pa sya ng ibang teacher ko sa ibang subject para lang pilitin akong magtapos ng pag-aaral. Nice.                                         ***** E N D     O F     F L A S H B A C K***** Bago lumipat ng school si Sir Ray, kinausap nya ako ulit para mag-suggest kung saang school ako pupwedeng mag-aral ng college na walang babayarang tuition.  Kaya noong nakapasok ako sa kilalang school sa college, binalita ko agad sa kanya. Isa si Sir Ray sa mga taong nagbigay ng suporta at naniwala sa kakayahan ko. Sobrang thankful ako kay Sir Ray.                                                                              *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD