Maang siyang napatitig kay Paul. Halata ba masyado sa kanya na babawiin niya na ang pangakong pagpapakasal dito? Napayuko siya at malungkot na tinitigan ang engagement ring na nasa daliri niya. "I'm sorry," sincere na hingi niya ng paumanhin. "Desidido ka na ba talaga sa desisyon mo, Amara?" "P-paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya. "It doesn't matter." "S-si Luciano ang tatay ng magiging anak ko, sa kanya ko dapat ipaako ang obligasyon. Sana maintindihan mo, Paul." Alam naman ni Paul na dahilan lang iyon ni Amara. Well, pangalawang dahilan siguro dahil batid niya namang mahal nito ang lalaki. Nauunawaan niya ang lahat, pero nahihirapan ang puso niyang tanggapin iyon lalo na at sa sandaling panahon ay nangarap na siyang makakasama si Amara nang matagal na panahon. Nang iabot sa

