“Here, take it.” Nakangiting inabot ni Summer ang mahabang sobre kay Luciano. Walang imik naman iyong kinuha ng binata. “Ano ‘to?” malamig na tanong niya. “Why don’t you look for yourself? You will like it for sure.” Ganun na nga ang ginawa ni Luciano. Ng tuluyan niya iyong makita ay napagtanto niyang isa pala iyong ultrasound result. Malinaw na makikita doon ang imahe ng isang sanggol at sa kung anong dahilan ay malakas na kumabog ang dibdib niya. Mangha siyang napasulyap kay Summer. Pagkalito ang mababakas sa kabuoan ng kanyang mukha. “That’s our baby.” malawak ang pagkakangiti ni Summer. Nagniningning din ang mga mata nito. “What do you mean, Our baby?” “She will be our baby, Babe. Hindi ko ba nasabi sa’yo na nagkasundo na kami ni Amara tungkol sa bagay na yan?” Hindi naitago ni

