Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, nagawa ko pa ring imulat ang mga mata ko nang dahan-dahan. "C-Cleofa!" Bumungad sa akin ang mukha ni Taliyah. Pero agad akong nagtaka. I opened my two eyes, pero bakit ganun? Tanging dilim lamang ang nakikita ko sa kaliwang mata ko. "Thank God! After 5 days! Nagising ka na rin!" Sambit ni Taliyah. Agad akong napabangon sa sinabi nito. "F-Five days?! Nasaan sina Helix?! Si King?!" Tila nakaramdam nanaman ako ng kaba. Limang araw na ang nakalipas, e-eto ang araw na- "Bakit mo ba pinoproblema ung mga yun? Nandun sa guild niyo. Magpahinga ka muna." Sambit nito. Pinahiga ako muli ni Taliyah. Nawala ang kabang nararamdaman ko sa sinabi niya. Malalim akong napabuntong hininga. I-I did it! Buhay sila! Nagawa kong baguhin ang hinaharap. "Pero Cl

