Hindi makapaniwala si Aqua sa nakikita niya ngayon. Nanatili siya sa pwesto niya at hindi magawang makapagsalita. Bago pa man ito makapagreact muli ay gaya nang una naming pagkikita, parang bula na lang biglang nawala si Zail sa harapan ko. "Uy Cleofa!" Sambit ng lalaking bagong dating. Agad tumakbo papunta sa akin si Helix. "Tangna o-okay ka lang?!" Natatarantang sambit nito. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Hindi mawala ang tingin ko kay Aqua na hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan nito ngayon. "Tara na!" "Bwisit kayo!" Isang malakas na hampas sa ulo ang natanggap nina Helix at Alvis kay Kyera. "Hindi sinusunod ang utos!" Dagdag nito. Tawa lamang ang sinagot ng dalawa. Nandito kami ngayon sa inn kung saan kami nagpapahinga. Ginagamot ni Risca ang mga natamong sugat ni Helix.

