Kinabukasan ay naghanda na kaming lahat. Babalik kami sa Academy upang ipaalam sa nakakataas ang binabalak ng Trejon Guild. And to know my gift. "Goodluck okay? Malalaman mo rin ang gift mo." Sambit ni Zail. Hinalikan ako nito sa noo bago ako ako yakapin ng mahigpit. "Pagtapos nito magsasama na tayo." Dagdag niya. Tila kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Magpapaiwan dito sa city na to si Zail. Sabi niya ay mas mabuti na raw kung mayroon pa rin na nagbabantay sa Trejon. Nung una ay hindi ako pumayag pero mukhang buo na ang desisyon nito. "Mag-iingat ka ha?" Pagpapaalala ni Zail. Isang matamis na ngiti ang pinakita nito sa akin. "Syempre! Ako pa!" He flashed a smile before glancing to someone. "Teka lang ah, magpapaalam lang ako kay sungit." Tinapunan niya ng tingin ang babaeng

