Mabibigat ang hakbang na nagtungo si Alessandra sa Ospital kung saan naka-confine ang Daddy nya. Hindi nya alam kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam nya habang papalapit roon, kasama nya si Nicole. Nahagip agad ng mga mata nya ang kapatid na si Alexus, balisa ito at kita nyang may bakas ng luha sa namumulang mga mata nito, gulat na gulat ito ng makita sya. "A-alessandra?" Kinakabahan sya dahil sa itsura nito ngayon, iba ang kutob nya, dahan-dahan syang lumapit kay Alexus at sumulyap sa bintana kung saan sa loob niyon ay nandoon ang Daddy nya. Kita nya ang Mommy nya na umiiyak at ganoon din si Almond. "W-wala na si Daddy," malungkot na sabi ng Kuya nya. Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig. Wala na ang Daddy nya? Hindi man lang nya ito inabutan? Hindi man lan

