"Baby babe?" Nagmulat ng mga mata si Alessansdra dahil sa tinig ni Zac na tumatawag sa pangalan nya. "Hmm?" humarap sya sa binata at isinuksok nito ang mukha sa leeg nya, nagpapahinga na sila at mukhang naalimpungatan lang ito kaya tinawag sya, pinilit lang nya itong kaladkarin sa loob ng kwarto kanina dahil lasing na lasing ito. "Baby babe..." muli ay pagtawag nito sa kanya, nananaginip ba ito? Nagsasalita ng tulog eh. Ramdam na ramdam nya ang init ng paghinga nito sa leeg nya. "Magpahinga kana, maaga pa tayong uuwi bukas," hinaplos-haplos nya ang buhok nito at muli na itong natahimik, siguro nga ay nananaginip lang ito kanina. MAG-AALAS sais ng umaga nang magising sila at nakahanda na ang agahan dahil alam nila Mang Ambo na uuwi na sila ngayon. Sila Lucard ay magpapaiwan pa daw

